Powered By Blogger

Huwebes, Pebrero 2, 2012

Talambuhay ni Justine May Velasco

Ako ay si Justine May A. Velasco, labinlimang taong gulang, ipinanganak noong ika-8
ng Mayo taong 1996, sa Malolos Bulacan. Ako ay nakatira sa 1 Balverde street San Pablo
City, Laguna. Ang pangalan ng aking mapagmahal at mapagkalingang ama o “daddy” ay
Abraham C. Velasco, na isang technician. Ang aking mapagmahal at mapagarugang ina
o “nanay” ay si Agustina A. Velasco, na isang direct seller.Ang aking bunsong kapatid ay
si Joyce Louise A. Velasco, kasalukuyang nasa ikaunang antas sa Mataas na Paaralan ng
Colonel Lauro D. Dizon Memorial National High School.

Ako ay nag-nursery sa Day Care ng isang simbahang Born Again, kung saan isa ako sa
mga magagaling sa klase, sa pagiging nursery, meron akong apat na karanasan na hindi
ko makakalimutan, una ay yung tuwing sasakay na kami sa aming ‘service’ kung saan
kaming mga mag-aaral ay nag-uunahan sa tabi ng pastor na aming drayber,na lagi pang
sinasabi, upang di kami mag-unahan ay “bawal ang bata dito,huhulihin ng pulis”,ngunit
kami pa rin ay mapilit. Pangalawa, ay habang patakbo kaming sasakay sa aming ‘service’
ay nadulas sa putikan ang kasabay ko sa pagtakbo, nagalit sya sa akin dahil ako daw ang
may gawa ng pagkadulas nya, ngunit bilang bata, ako ay natuwa sa pagkadulas nya, dahil
sa pagkadulas nya, ako ang nauna sa unahan ng sasakyan, katabi ng pastor na aming
drayber,simula nyon, ay ewan ko ba, parang ako na lang lagi ang nasa unahan.Pangatlo,
ako ay nangunguha ng pambura ng aking kaklase, itinatago ko sa loob ng aking ‘desk’ at
saka inilalabas pag-uwian na,iuuwi ko na.Ngunit isang beses ko lang iyon ginawa, dahil
nahuli ako ng tita ko at napagsabihan.At ang pangapat,ay matiyaga akong tinuturuan at
inaalagaan ng aking mga tita, habang ang aking mga magulang ay naghahanapbuhay.

Ang aking ‘Prep. School Life’ ay masaya din, nasa Malolos, Bulacan pa rin kami, ang
aking natatandaan ay, lagi kaming naglalaro, laro-laro-laro, minsan ay ‘nag-a-adventure’
kami, nakakarating kami sa kalikulikuran ng aming paaralan kung saan ay hindi naman
talaga dapat puntahan ng mga mag-aaral, ngunit kami ay mapilit, nahanap talaga kami
ng daan, meron kaming napupuntahan na parang bukid, madamo, kami ay hindi na
nagpapatuloy ng aming ‘paglalakbay’ doon, hindi dahil natatakot kami na baka may kung
anong hayop o ahas roon, kundi dahil alam na naming kami ay napapalayo na.

Sa ikalawang baitang ng aking ‘Prep. School Life’ ay nasa Laguna na kami, sa First
Evangelical Learning Center ako nag-seniorgarten, ang di ko makakalimutan na
karanasan ay yung ipinasok ako sa mas mababang antas dahil iba daw ang turo don
sa dati kong pinasukan, inobserbahan ako ng aking titser at nabiglang alam ko na
ang kanyang itinuturo, ipinasok ako kaagad sa mas mataas na baitang, ang angkop
sa akin.Hindi ko rin makakalimutan ay yung pumasok sa aking ilong ang pambura
ng aking pencil dahil sa kakaamuy ko dito, parang ginamitan ko ng daliri ko para
matanggal,parang kulangot, pero imbes na matanggal, mas lalo pang pumasok, pinasinga
ako ng aking titser sa kanyang panyo dahil wala akong panyo,simula nyon ay sya na ang
naging paborito kong titser,dahil nyung mga oras na yon ay di ko na talaga alam ang
gagawin at napapahiya na ako sa aking mga kaklase. Natatandaan ko din, isang araw
pumasok ako sa aming silid aralan kakaunti palang kami, napakadami pang bakanteng
upuan, ng ako ay uupo na sa una kong nais na upuan, sabi ng aking kaklase ay meron
na daw nakaupo don, parang ‘reserve’, at marami pang sumunod, kaya naman ako ay
napapunta sa siksikan, sa upuan ng mga lalake, pero doon ay hindi naman ako na-“out of

place”, ngunit nagdaan din ang mga araw at doon na ako nakakaupo sa gusto kong upuan
o pwesto.Naaalala ko din ang araw ng aming pagtatapos sa Prep.,kung saan sa entablado
ay sasabihin namin ang what we want to be, at ang sa akin,…”and I want to be a Doctor”,
ang maging doctor ang pangarap ko dati.

Dumako naman tayo sa aking “Elementary Life”, sa First Evangelical Church ko parin
ipinagpatuloy ang aking pag-aaral. Makunti lamang kami sa aming klase, mga nasa bente
lamang kami,kaya naman kaming lahat ay nagkakausap, magkakaibigan. Kaunti lamang
ang mga estudyante sa pinapasukan kong private school, hindi ko pa alam nyon kung
bakit. Noon, tandang-tanda ko pa, labis kong hinahangaan ang mga estudyanteng nasa
baitang anim, parang para sa akin sila na ang pinakamatanda o ‘mature’. Ako’y boyish at
alam ‘yon ng lahat ng mga nakakakilala sa akin o nakakakita sa akin sa mga panahong
napasok ako sa First Evangelical Learning Center, kasi para sa akin noon, mas
magandang maging lalake o mas masarap maging lalake. Naaalala ko pa, lagi kong binu-
bully ang isa sa kaibigan kong lalake, minsan ay sinusuntok ko siya, pero hindi naman
malakas, hindi siya naganti, nananatili parin kaming magkaibigan. Isang araw, para
mapatunayan ko sa kanya na ako ay malakas at kaya ko sya, malakas kong sinuntok ang
aming pisara, ah!ang sakit talaga!, pero bilang pahanga hindi ko pinahalata na ako ay
nasaktan, ginaya naman niya ako, malakas din nyang sinuntok ang pisara, syempre
nasaktan din sya, ang pinagkaiba lang ay pinakita niya sa akin na nasaktan siya, kaya,
again, that puts him under me… Lagi din akong nakikipaglaro sa mga kaklase kong
lalake at lagi din akong naglalaro ng larong panlalaki, minsan panga ay ako lamang ang
nag-iisang babaeng naglalaro kasama ang mga lalake, gaya ko, nasisiyahan din silang
kalaro ako, dahil hindi daw ako maarte, which is true, hindi na bago para sa akin na ako
ay madungis o may dumi ang aking damit o may sugat ang aking tuhod at siko. Ang
aking mga paboritong laruin doon ay, paltok bola, cards, taya-tayaan, sikyo at iba pa,
ayoko ng mga mahihinhin na laro. Ang hindi ko makakalimutan ay yung sabay-sabay
kaming tatlong babaeng umihi, ako ang nasa cubicle, ang isa kong kakaklase ay sa sahig
naihi, at ang isa pa ay nasa may pintuan nakatayo hinihintay ang isa sa aming matapos
banyo, ay ewan ko ba, matapos kong lumabas ay naiwang bukas ang pinto, basta di ko na
alam ang buong pangyayari, ayun, dahil parang ‘cr time’ naming ‘yon, halos lahat kami
ay nasa labas ng banyo, ‘yon!nakita naming lahat ang puwet ng kaklase kong naihi sa
sahig, at wala man lamang nagsarado ng pinto, ‘yon, nagalit sya sa akin, at parang lahat
ng mga babae ay galit sa akin, doon ko naging bestfriend si Angela, sya lamang ang
kumausap sa akin ang hiningi ang aking ‘side’, dahil pareho kaming boyish noon, parang
nag-match kami, at simula niyon naging mag-bestfriend na kami ni Angela. Hindi pa rin
nawawala ang pangunguha ko ng gamit ng kaklase ko nang ako ay nasa unang baitang.
Hindi ko makakalimutan ng ako ay isa sa lima o pitong napiling mababait at tahimik ng
ako ay nasa unang baitang pa, bilang premyo ay kami ang uupo sa itaas ng aming silid
aralan na tuwing may okasyon ay iyon ang ginagawang entablado. Hindi pa nawawala
ang pangunguha ko ng gamit ng aking kaklase ng ako ay nasa unang baitang pa lamang,
ang kinukuhanan ko ng gamit ay ang katabi kong kaklase na lalaki, dahil konti lamang
kami sa ‘special seats’ hindi nakikita ng aking mga kaklase ang pangunguha ko, syempre
tsumetsempo ako sa walang klase o di nakatingin ang aming guro, parang ngayon ay
bilib ako sa aking sarili dahil pati ang mahabang pencil, na sobrang haba talaga, ay
nagawa kong nakawin ng di niya nalalaman, parang nagkaroon na sya ng hinala sa akin

pero, ewan ko ba, na sa sobrang galing ko sa pagnanakaw ay wala siyang masabing
proweba.Natatandaan ko din, isang araw, ng masaya kaming naghuhugas ng kamay
parang kagulo kami sa lababo, paunahan, ay nasiritan ang isang titser na napakataray,
bilang mga bata siya ay kinakatakutan namin, dahil nakakatakot ang kanyang mukha, ng
siya ay masiritan, nanlaki ang kanyang mga mata at mas lalong pumangit ang kanyang
mukha, mas natakot ako ng parang nakatingin sa akin, na parang tinuturong ako ang may
gawa, pinatawag kami sa Principal’s Office, at pinagsabihan, parang naiintindihan kami
ng principal dahil, syempre, bata kami, napaka-oa lang nya, simula nyon, siya na ang
naging hatest teacher ko.Hay…napakadali at napakadami kong magka-crush noon. Ang
nag-papressure lamang sa akin ng ako ay napasok pa sa First Evangelical Learning
Center ay yung pinagperform kami ng may isang palayok sa ulo, grabe! habang nag-
peperform kami, sobrang kinakabahan ako. Natatandaan ko din ng nakauto ako ng isa
kong kaklase, dahil habang nagte-test, hindi masyado nagmamasid o nagbabantay an
gaming titser, dahil, hindi naman talaga siya nagbabantay dahil nakakalusot pa rin kami,
ang nangyari, magpapalitan kami ng sagot, pakokopyahin nya ako ng kahulugan ng mga
akronims, at ako naman, pakokopyahin ko naman siya ng pipili sa mga letra, eh hula ko
lang naman yong kinokopya nya, pero yung kinokopya ko ay sigurado sya, ng markahan
na n gaming titser, madami kaming tama sa ibigay ang kahulugan ng mga akronims, pero
doon sa pipili sa mga letra, hindi ganoong kadami ang aming tama kumpara sa tama na
nakuha ko mula sa kanya, hindi naman nya ako kuwinestyon dahil madami dami din
naman ang nakuha nyang tama sa akin, pero mas lamang pa rin ako.Ang isa sa
pinagsisisihan kong ginawa noon, ay yung binigay ko sa crush ko yung parang
playstation na regalo sa akin ng tita ko noong aking kaarawan.Ang pinaka-ayaw kong
kaklase noon ay isang lalaki, naging hatest classmate ko sya dahil napakamanyak nya,
arggh!, ayoko ng isalaysay pa ang pagiging manyak nya, basta napakamanyak nya.
Hanggang baitang tatlo lamang ako sa First Evangelical Learning Center, ako ay lumipat
sa isang pampublikong paaralan, dahil isinarado na ang departamentong pinagta-
trabahuhan ng aking nanay, na nagdulot na hindi na kami kayang pag-aralin pa sa isang
pribadong paaralan.

Ang ikalawang yugto ng aking ‘Elementary Life’. Sa Ambray Elementary School ako
pumasok bilang nasa ika-apat na antas at dito nagtapos ng elementarya. Pagusapan muna
natin ang paglipat naming magkapatid sa isang pampublikong paaralan, noong una, hindi
ko matanggap na ako ay lilipat na dahil unang una ay nasanay na ako sa isang pribadong
paaralan ako pumapasok, ang nasa isip ko sa isang pampublikong paaralan noon, ay
magulo, napakadaming bata, at hindi masyado matuturuan dahil sa sobrang dami.
Pangalawa, maiiwan ko ang aking mga kaklase at kaibigan sa First Evangelical Learning
Center, bagong pakikipagkaibigan na naman, at alam kong makakadanas ako ng
napakalaking pagbabago. At pangatlo ay, ang mga pinsan ko ay nakapagtapos o nag-
aaral sa First Evangelical Learning Center, tapos ako, hindi, di ba bilang bata, gusto ay
kaangkop ka sa mga taong nakapaligid sa iyo. Pero nagdaan din ang mga araw, ay
natanggap ko na rin ang katotohanan. Sa pagpasok ko sa Ambray Elementary School ay
ninais ko na mapabilang ako sa pangalawa sa pinakamataas na seksyon at hindi sa
pinakamataas na sksyon o seksyon A dahil ang nasa isip ko ng mga panahong iyon ay
baka hindi kayanin ang mapabilang sa pinakamataas na seksyon, at baka makolelat ako,
hindi natupad ang aking kahilingan, ako ay napabilang sa pinakamataas na seksyon,

syempre dahil ako ay wala pang kakilala ay ako lamang ay tahimik at nahihiya.Unti-unti
ko ng nakikilala ang aking mga kaklase, at nagkakaroon na rin ako ng kausap. Gaya ng
mga nakaraang isinalaysay ko sa iyo, meron akong di makakalimutan, naaalala, at
natatandaan na karanasan sa pagpasok ko sa Ambray. Naging ‘arrogant’ ako ng madulas
ang aking kalaro ay pinagtawanan ko pa sya, parang hindi niya nagustuhan ang ginawa
kong yon, pero ganoon lang talaga ako, dahil ang nakasanayan ko ay, hindi mo
masasabing ikaw ay naglaro kung ikaw ay hindi nadulas, nadapa, nasugatan, o anumang
may kaugnayan sa mga sinabi ko, doon ko napagtanto na kailangan ko talagang mag-
adjust. Wala na atang tao ang di nakaranas na mapahiya, unang bigay na takdang aralin
ng aming gurong tagapagpayo ay wala akong takdang aralin, ng che-chekan na ang
takdang aralin, chi-ne-check din pala ng aming gurong tagapagpayo kung sino ang may
takdang aralin at kung sino ang wala, wala ako noong takdang aralin, pero parang wala
lang sa akin, kasi nasanay ako na kapag walang takdang aralin ay edi wala kang marka,
pero matataas pa rin naman ang aking grado,edi yon pinatayo ako, tinignan ang aking
sulatan at nakitang wala akong gawa na takdang aralin, ewan ko ba kung pinagsabihan
ako o pinatili akong nakatayo, nakatingin lahat ng aking kaklase at parang hindi yon ang
inaasahan nila sa akin. Sa aking pagpasok sa Ambray Elementary School, hindi pa rin
napuputol ang ugnayan namin bilang mag-bestfriend ni Angela, kami ay nagkakausap sa
pamamagitan ng pagbibigayan ng sulat, kasalukuyan po akong mag- aaral sa Colonel
Lauro D. Dizon Memorial National High School, ako ay kabilang sa aking
pinagmamalaking seksyon na 4-Archimedes.Yun lamang po at maraming salamat.

alona fe maghirang

Ang Aking Talambuhay

Ako po si Alona Fe Mercado Maghirang,ipinanganak noong ika una ng Hulyo
labing syam syam naput anim sa San Pablo City Laguna ako po ay labing limang
taong gulang nakatira sa Barangay San Diego San Pablo City Laguna.Ang aking
ama ay si Celerino V. Maghirang ipinanganak noong Pebrero syam sa San Pablo City
Laguna apat naput anim na taong gulang sya ay isang sales man,ang nanay ko naman
ay si Normelita M. Maghirang sya ay tubong Catanauan Quezon pinanganak noong
Hunyo dalawangput isa apat naputsyam na taong gulang sya ay isang house wife.Ang
aking mga kapatid ay sina Ian Paul Maghirang ipinanganak noong Hulyo 23 labing
anim na taong gulang fourth year highschool nagaaral sa Col.Lauro D. Dizon Memorial
National Highschool,ang sumunod naman ay si Myla Maghirang ipinanganak noong
Enero 25 sampung taong gulang nagaaral sa San Diego Elementary School grade five
at ang bunso ay si Ome Ray Maghirang syam na taong gulang nagaaral sa San Diego
Elementary School grade three.
Ako ay nagaral ng kindergarten sa Dagat-dagatan Malabon nagkamit ako ng first
honor at sumali ako ng miss United Nation at nagkamit ng unang parangal pagkatapos
kong magtapos ng kinder ay lumipat ako ng paaralan sa San Diego Elementary School
dahil sa trabaho ng tatay ko napalipat ulit kami sa Concepcion Malabon sa Manila at
doon ako nagaral ng grade two at nakatangap ng unang parangal,ng ako ay magrade
three ay nagging top 8 nalang ako pero sabi ng nanay ko ay ayos lang daw yon basta
nagaaral ako ng mabuti pero noong ako ay grade four at grade ay nagging achiever
nalang ako.Noong ako ay grade six bumalik kami sa San Pablo City Laguna at doon na
ako nagtapos ng aking elementarya nakakuha din ako ng parangal bilang first achiever
sa aming section.
Noong unang araw ng pasukan ay masyado akong nahirapan dahil wala pa akong
kakilala na kaklase ko noong elementary pero di nagtagal ay marami na rin akong
nakilala mga bagong kaibigan at kaiskwela,yung iba hindi ko nagging kaclose masyado
pero natural lang naman yon dahil hindi lahat ng tao kelangan makisama sa ugali
mo,pero ganun pa man nagkaoon parin ako ng matalik na mga kaibigan na si
Bernalisa P. Carbonell sya ang pinaka bestfriend ko,sya yung mga nasasabihan ko ng
sikreto at pagminsan ay problema na din dahil siguro magkalapit kami ng bahay kaya
lagi kaming nagkikita at nagkakausap marami rin kaming mga napagdaan sa buhay
gayun pa man ay nalagpasan naming ito at nanatili kaming magbestfriend ngunit noong
kami ay second year na may dumating na mabigat na problema sa kanya namatay ang
kanyang ina kayat kinailangan nyang lumipat ng tahanan at paaralan sa San Vicente
National High School at napalayu na sya sa akin kayat hindi na kami nagkikita at
nagkakausap,Pero nagkaroon parin ako ng maraming kaibigan ito ay sina Katrina ang
pinakamagulo sa aming barkada Jheksann ang nanay nanayan ni Katrina Arra medyo
tahimik saming grupo Zarina ang aming financer Mariane sumunod sa pinakamagulo
Jemima ang pinakamahangin saming barkada Cindy pinakamataray Rachel an aming
muse Dioso pinakamaliit , Marvin laging hator at mukang libre Lincon pero nasa loob
ang kulo Renz Gerri at Hakeem ang tornado ng bayan.Yang ang aking mga kaibigan at
ang pangalan n gaming barkada ay Party Pips marami kaming pinagdaanan at yon ang
lalong nagpatibay saming samahan minsan nagkakatampuhan at nagkakaroon ng
awayan pero nagkakaayus din naman dahil narin sa tagal n gaming samahan ay

mayroon ding nagkakainlaban nadyan sina Jemima at Lincon,Hakeem at Mariane at
syempre ang love story naming ni Gerri ,pero hindi lahat ng love story ay nagtatapos sa
happy ending nagging kami ni Gerri noong September 7 2011 noong kami ay nag
Science Camp napakasaya ng mga sandaling iyon para sa akin dahil kasama ko ang
aking mahal,nagkasakit pa nga ako noon at doon ko lalo nakita ang concern nya sa
akin ikinuha pa nya ako ng bagong food stab dahil nawala yung sa akin at hindi nya ako
iniwan hangang sa gumaling ako at nung kami ay pauwi na pinagdala pa nya ako ng
bag at nung Makita nya ang ate nya ay ipinakilala na nya ako.Sobrang saya ko noon
dahil pakiramdam ko ay ako na ang babaing ipapakilala nya sa buong pamilya nya at
ganon din naman ako sa kanya,sobra saya naming dalawa walang sandal na hindi kami
magkasama at magkausap kahit sa loob n gaming paaralan ay ganoon parin kami sa
isat isa ngunit biglang nagbago ang lahat bago kami magsem break ay nagkaroon kami
ng hindi pagkakaunawaan dahil sa kanyang pagiging dancer ay nawawalan na sya ng
oras sa akin,hindi ko naman gustong ipagdamot sya pero nararamdaman ko lang na
parang ang layu layu nya palagi sa akin at nung kami ay papunta sa bahay ng aming
kaklase akala ko ayus na ang lahat magkahawak kamay pa nga kami sa paglalakad
pero hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong napaiyak at sya ay bigla na lanfg
tumakbo palayo at ako naman ay nagpunta sa aking mga kaibigan at dinamayan nila
ako,kaya ayun ng makapunta na kami sa aking kaibigan ay doon ko binuhos lahat ng
sama ng aking loob. Kinabukasan ay nagkateks kaming dalawa at ang aming simpleng
away noon ay humantong na sa break-up.Sobrang sakit para sa aming dalawa iyon
pero ganun pa man mas pinili na naming maghiwalay kaysa patuloy kaming
magkasakitang dalawa.Sa ngayon ay Masaya na ako sa piling ng aking mga kaibigan
kahit na malamig ang aking nagdaang pasko ay masaya narin ako dahil ngayon ay
wala na kaming galit at sama ng loob sa isat isa at nagging magbestfriend pa kami kahit
na mahirap paniwalaan na ang magkasintahan ay pedeng mauwi sa
pagkakaibigan.Ngayon ay nagkakaroon na ako ng mga bagong manliligaw kahit hindi
pa ako handang mag muv on siguro ayus na rin yon para madali akon makalimot sa
kanya.
Ngayon tatlong buwan na lang at gagraduate na kami,siguradong mamimiss naming
ang isat isa lalo na ang kaibigan ong nagpasaya highcshool life ko.Andyan ang buong
parti pips na sobrang nagpasaya sa aking buhay .

Ang wakas

Ang Aking Talambuhay

“Ang Aking Talambuhay “

     Ako  ay  si Renz  Carlo Cosico. Ursolino panganay sa mga anak ni Marlo Villanueva.  Ursolino  at Jovita Cosico. Ursolino .Ipinanganak ako sa Sn. Pablo City, Laguna noong  August 6, 1996. Isang Komadrona ang aking ina at sangayon ay wala pang matibaynatrabaho o pinagkakakitaanangakingama. Angkapatidkonaman ay siRoxineCosico. Ursolinosiya ay ipinanganaknoong May 15, 2001 siya ay isangbabae at kasalukuyang nag-aaralsaSn. Pablo Central School bilang Ika-5 baitang.

     Nakatira kami saBrgy. Sta Maria Magdalena ,Sn. Pablo City. NagtaposakongelementaryasaSn. Pablo Central School, at kasalukuyang nag-aaralsa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School nanasa Ika-4 nataonna at kabilangsaseksyon-A ,pangalawasapinaka-mataasnaseksyondoon.

     Masasabikong an gaming pamilya ay may malakas atmatibaynasamahan, dahilsaamingaraw-arawnapamumuhay ay nagkakamustahan kami at tuwingsasapitangarawng lingo ay nasasagawa kami ngtinatawagna `Family Hour” , ditto pinag-uusapannaminangnagingbuhay o pangyayarisaaminsanagdaangpitongaraw at pag-uusapan din naminangmgaproblema at pag-iisipanitongmgasolusyon. Pagkataposngmaiklingdiskusyontungkolsamgaproblema ay kwentuhan at tawanan. At bagomataposangamingpagtitipongpampamilya at tatapusinitosaisangmaiklingpanalangin, kaya nasasabikongmatibay at malakasangsamahan n gaming pamilya.

     Hindi tuladngkaramihannaangrelehiyon ay Roman Catholic ,angamingkinamulatangrelehiyon ay Iglesia Ni Cristo o `I.N.C.” .Tuladngakingama at ina ay may tungkulin din akongginagampanansaamingrelehiyon ,Bilangisangmang-aawito `Choir” kami angnaawitngmga banal naawitinsaamingginagawangmgapagsamba o pagpupurisaatingPanginoongDiyos, nagsasanaykamupangmagingmaayos at malinis an gaming ginagawangpagtupadsamgaarawngpagsambanaparasaatingPanginoongDiyos. Angakingamanaman ay isang may tingkulin at may mataasnaposisyonsatungkulingkanyanghawakbilang S.C.A.N., silaangnakadestino o nararapatnapagbabantayngkapilya at pagbabantaysaoras n gaming mgapagsamba at pagpupurisaatingPanginoongDiyos .Angakinginanaman ay isa ring mang-aawitkatuladngnasabi ay umaawit kami samgapagsambangbuongpuso at buongkaluluwa, Nakaukollamangan gaming isipansaamingginagawangpagtupadngtingkulin o pagawit .Angakingnakababatangkapatidnaman ay isa ring mang-aawitsaPagsamba Ng Kabataan o P.N.K.,silaangumaawitsaPagsambangmgabatangkaanibsaamingrelehiyon .Ginagawa  o ginagampanannaminitosaikasisiga at ikasasakdal n gaming kaluluwa at saikabubuti n gaming pamumuhaysaaraw-arawitorin ay nagpapatibaysaamingbuhayispiritwal.
               
          Sa akin naming personal naimpormasyon ay may mgabagay din akongkinahihiligan at pinagkakalibangan, Minsankapagako ay walangginagawanahihiligankonggumuhitngmgasimplenglarawan , tuladngmgalarawansatabingdagat , pagsikatngaraw , mgatanawin at atiba pa. Minsannaman ay naglalaroakong computer games tuladng SF, Defence of the Ancients, facebook at iba pang mga may kinalamansa computer. At angpinaka-gusto kongpagkalibangan ay angpaglikhangmusika o paggigitaradahil gusting-gusto koangmgamusika o tunognaakingnagagawa at angmga nota o musikanglumalabasmuladito .A paboritoko naming kulay ay kulaydahon o berdedahilito ay maginhawa o malamigsapanimginparasaakingsarilingpananaw .Ang akin namangpaboritongnumiro ay bilangwalo o `08”.Angakingpaboritongpagkainnaman ay adobongmanok at piniritongmanok o fried chicken. Angakingpaboritongpalabas o movie ay ang “I am Legend” . . . . .

     Noong tumungtong ako sa pinaka-una kong paaralan ay apat at kalahating taong gulang pa lamang .Ako noon ay nasa pre-school pa lang at doon ako nakaranas ng pagiging pribadong mag-aaral dahil ako ay nasa isang pribadong paaralan sa K.C.A. o Kitner Christian Academy. Doon  ay nakaranas ako ng pinagsisilbihan ng pagkain sa oras ng recess o break time, centralized o naka-airconan  aming silidaralan .Hanggang sa unang baiting ng elementarya ay nasa pribadong paaralan ako. . Nakatanggap naman ako ng 3rd Honor medal noon sa aking ika-unang baiting sa elementarya. At dahil hindi nagging permanente ang trabaho ng aking ama ay napalipat o napapunta ako sa pampublikong paaralan.

     Tungo naman sa aking buhay elementary sa aking pangalawang  baiting ay medyo naninibago pa ako sa pinasukan kong pampublikong paaralan ang San. Pablo Central School, dahil nanggaling ako sa pribadong paaralan na centralized ang buong silid-aralan kaya  ako nanibago. Ngunit sa pagiipas at pagdaan pa ng maraming mga panahon ay unti-unti na akong nasasanay at marami na akong nagging kaibigang  kamag-aaral. Napagisip-isip ko din na mas maganda at mas maayos ang nasa pampublikong paaralan hindi dahil sa madaming mag-aaral kundi pareho o parehas lamang na magagaling at maayos magturo ang mga guro doon,bukod doon ay maayos din ang pamamalakad ng punong guro doon. Noong nasaika-tatlong baiting na ako ng elementarya  ay natatandaan ko pa na napapagalitanako ng aming mga guro , isa na doon si Mrs. Azusena ,napagsusulat kami sa palad bilang parusasa aming kakulitan at hindi paggawa ng takdang aralin, ngunit nagpapasalamat parin ako dahil doon natutunan kong mag pasakop ,makinig at sumunod sa aking guro o namam hala sa amin. Sa pagsapit naman ng huling baiting sa elementarya ay sinulit na namin ang aming samahan ,mas maraming kulitan at asaran. At  sa pagsapit na nga ng Graduation Day o pagtatapos ay hindi na namin napigilang maglabas ng emosyon. Maraming nagiyakan  at  nagyapusan para sa huling pagkakataon at para na rin sa pagpapaalam. At nasabi ko na marami akong naiwang masayang alaala na kasama ang aking mga kaibigan doon at hindi ko sila makakalimutan. . .


     At sa pagtungtong ko naman sa sekondarya ,Marami din akong nagging karanasan sa aking buhay tulad nalamang noon una kong taon sa aking paaralang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School ay nagkaroon kami ng Field Trip, napakasaya noong araw nayon dahil kasama ko ang aking mga kaibigan. Noong ika-dalawang taon ko naman sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School ay lumaban kami sa Florante at Laura, at dahil sa aming pagsisikap at paghahangad namanalo ay awa ng Diyos ay nakamit na,in ang unang parangal. Noong ika-tatlong taon ko naman ay nagtanghal din kami sa Noli Me Tangere. At ngayong nasa huling taon naming sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School ay puspusan an aming ginagawang pag-aaral upang makatapos at makatungtong sa kolehiyo at makatapos ,upang makahanap ng trabaho at makatulong sa magulang at mga mahal sa buhay.

     Kaya sa aking patuloy na paglalakbay dito sa magulong sanlibutan ay sisikapin kong ayusin  ang aking buhay, titiisin ko ang mga hirap na dadating, haharapin ang mga problema at hinding-hindi papasok sa anumang kalokohan. Ako ay patuloy na susunod sa mga turo at payo ng aking mga magulang , dahil ito ay para din sa ikabubuti ng aking hinaharap . At kapag ako naman ay nakatapos ng aking pag-aaral ako ay maghahanap ng maayos na trabaho at tutulongan ko naman ang aking kapatid sa kanyang pag-aaral . Susuportahan ko din ang aking mga butihing mga magulang na nagaruga at nangaral sa akin sa araw at oras ng aking kamusmusan . Lagi ko silang aalalayan sa oras na ako`y kailangan nila.

     At sa patuloy kong pamumuhay na hindi pa sakop ng aking isipam sana ay gabayan ako n gating Amang nasa langit na pag ako ay tutungo sa maling landasin ay higitin ako, at kapag naman ako ay tutungo sa tamang landasin ay itulak ako upang upang ako ay huwag mapahamak . Kaya dapat tayong lahat ay magingat at maging matalino sa lahat n gating gagawin, lalo na sa panahon ngayon na madalas at kalat ang mga tukso ay dapat maging matalino at kisto tayo. At upang sa gayon din ay hindi masyang ang lahat ng pinagpagalan ng ating mga mahal na magulang para sa ating kinabukasan. 

Ang Aking Talambuhay ( Isabel )

 Ako po si Maria Isabel Gapunuan Alega ipinanganak noong ika-5 ng Nobyembre taong 1995 sa lugar ng Brgy. Concepcion San Pablo City, Laguna. . Ako po ay labing anim na taong gulang na. Ang aking ina po ay si Chona Gapunuan Alega na isang responsableng magulang na gagawin ang lahat para sa amin pong ikabubuti at ang aking ama po ay si Reynaldo Diamante Alega na isang mabait na ama at mapagbigay sa aming magkakapatid. Kami po ay tatlong magkakapatid, ako po ay bunso sa aming tatlo. Ang pangalan po ng panganay kong kapatid ay Ramon Christopher Gapunuan Alega at sumunod naman po ay si Camille Aira Gapunuan Alega. Ang ipinangalan po sa akin ng aking lola Anita ay Isabel dahil noong ipinanganak po ako ay piyesta dati ng Sta. Isabel na karatig Barangay ng Concepcion na kung saan po ako ipinanganak.Ang aking pong zodiac sign ay Scorpio at year of the pig po. Paboritong pagkain ko po ay spaghetti,sa paborito naman pong kulay ay sky blue at hilig ko din po ang makinig ng musika. Masasabi ko po sa aking sarili ay mabait basta’t mabait din sa akin at higit sa lahat  mapagkakatiwalaan po ako. Ang hindi naman po masyado magugustuhan sa ugali ko ay may pagka-moody pero pinipilit ko po itong baguhin kahit mahirap para sa akin.            
             
          Nag-aral po ako ng elementarya sa mababang paaralan ng Concepcion Elementary School at naging paboritong guro ko po si Mrs. Agustin dahil mabait siya sa amin. Ngayong malaki na po ako naaalala ko pa rin po ang amin mga kakulitan at mga kasayahan noong bata pa po kami. Malungkot nga lang po at hindi ko na po nakakasama ang karamihan sa aking mga kaibigan noong elementary, lalo na po ang isa sa naging best friend ko po na si Charlene Gonzales. Nang makapagtapos na ako ng elementary nag patuloy ako ng pag-aaral sa pampublikong paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. First year unang pasukan hindi ko pa po alam kung ano ang aking seksyon kaya kinailangan pang hanapin at salamat naman nakita namin agad seksyon A. Pangalawang araw ng pasukan nakakapanibago kasi palipat-lipat ng room pero ng mag tagal nasanay na din ako. Pag dating ng second year napakalapit na namin sa isa’t-isa at nakabuo ng tropa sa loob ng room na nag ngangalang JABRRIS bawat letra may ibig sabihin J-aymee, A-ngel, B-erna, R-ikki Mae, R-achel, I-sabel, at S-arah. Ako’y masaya at nabuo ang tropang JABRRIS na naging malapit kong kaibigan sa Dizon High. Second year nag umpisa na ang pag-gala ko kasama ang aking mga kaklase lalo na po ng mag third year na ko. Madalas po kami gumala pag katapos ng exam paminsan po sa lake sa bahay ng aking kaklase. Kami pong 3A ay sobrang malapit na sa isa’t-isa dahil ilan taon na din magkakasama sayang nga lang po at may napalipat na ng ibang seksyon . Sa third year, madaming estudyante ang excited dahil may Junior and Senior Prom na isa sa mga ala-ala na hindi makakalimutan lalo na kapag naka sayaw ang taong hinahangaan kaya madalas talaga ito iniintay ng mga estudyante dahil para sa akin din masaya itong ala-ala ng aking pagiging high school. Pagdating ng fourth year meron ng kanya-kanyang room na nagagamit kaya hindi na kami nahihirapan dahil hindi na po kami palipat-lipat ng room. Kahit na mahilig po ako gumala masaya po ako at napasama ako top 10 ng 4-Archimedes sa una at pangalawang markahan. Mini Olympics naman po ang aking inaabangan ngayong fourth year dahil sa panonood ko po ng mini olympics noong nakaraang taon masaya po ito at makakasama din namin ang iba’t-ibang section ng fourth year sa Dizon High. Ngayon fourth year na po ako, gagradweyt na masaya kasi matatapos ko na po ang high school at malungkot din naman kasi maaalala ko ang aking mga kaklase na ilan taon ko din nakasama sa iskul ng Dizon High lalo na sa malalapit sa akin na lagi ko pong nakakasama. Nakakalungkot pong isipin na ilang buwan nalang magkakalayo na kami at pupunta na sa iba’t-ibang lugar para mag-aral upang kunin ang kanya-kanyang gustong kurso. Pero kahit na magkakahiwa-hiwalay na kami gusto ko po na makapagtapos kaming lahat ng pag-aaral,maging matagumpay at maging masaya kasama ang pamilya.      
               
          Second year po ako ng kami ay lumipat ng bahay sa Brgy. VII-A San Pablo City. Mahirap talaga para sa akin na lumipat ng bahay kasi sobrang nakakapanibago at napahiwalay po ako sa matatalik kong kaibigan na nakasama ko po simula pagkabata. Kahit na hindi maganda ang bahay namin sa Lozada mas gusto ko po doon tumira dahil masaya po talaga ako sa lugar na kung saan na po ako lumaki at kasama ang mga kaibigan ko. Kagandahan lang po ng paglipat namin ng bahay ay malapit na ang aming bahay sa iskul na aking pong pinapasukan. At madali po akong nakakabili na aking mga kailangan. Sa pagtira po namin sa bayan madalas na akong sumama sa aking mga kaklase at nahilig na sa paggagala dahil sobrang naiinip po ako sa aming bahay lalo na at wala pa po ako masyado kakilala sa bayan. Hanggang ngayong malaki na po ako nakakasama ko pa rin po sila at lalo pa po kami dumaming mag babarkada. Pangalan po na aming barkadahan ay tropang “G” sila ang pinakamalapit kong kaibigan, pinakamatagal kong nakasama, at tunay na kaibigan. Ang Tropang “G” lagi ko kasama sa paggala at pagsasaya. Isa sa hindi ko nakakalimutan ay noong nakaraang pasko pumunta kami ng lake at sumakay kami ng balsa muntik ng lumubog ang sinasakyan naming balsa kaya nasabi ko nalang po sa sarili ko na hindi na ako uli sasakay ng balsa. Itong sumunod na pasko kasama ko ulit ang Tropang “G” at si Ara na isa sa matalik kong kaibigan sa 4-Archimedes, masaya kaming gumala at kumain kami sa labas. Sobrang saya talaga pag kami ay sama-sama lalo na po kapag mayroong kaming swimming at madami ang kasama. Kahit na minsan ay mayroong hindi pagkakaunawaan dahil hindi naman po talaga maiiwasan na hindi magkaroon ng tampuhan sa isa’t-isa. Pero masaya po ako at hanggang ngayon ay buo pa rin po ang aming samahan at hindi po nagkakalimutan.
       
          Sa aking pagiging high school student dito po nagsimula ang madaming pagbabago sa akin. Dito ko po mas napalawak ang aking mga kaalaman, unti-unting naging independent sa sarili na hindi na masyado umaasa sa tulong ng iba, mas napaunlad ko po ang aking sarili at natuto na kailangan ko po talaga pagtiyagan ang isang bagay para makuha ito. Hindi ko din po makakalimutan ang pagpunta namin ng aking kaibigan sa lake, panunungkit ng sampalok at pagpunta po namin sa Sta. Veronica at kami’y nag swimming sa ilog doon. Pagpunta namin nina Ara, Sarah, Mae at iba pa sa ibang lugar at nakakilala po ng mga kaibigan na madaling pakisamahan. At ang panonood namin tuwing division meet at doon kami nakakilala ng mga kaibigan at higit pa sa kaibigan. Masaya po ako dahil sa lawak ng mundong ito ay nakilala ko sila at minsan silang naging bahagi ng buhay ko. Sa pagtatapos ko po ng high school madami po akong alaalang hinding-hindi ko po makakalimutan lalo na po ng makilala ko sila pati din ang mga naging kaibigan ko sa Dizon High. Nais ko pong kuhaning kurso ay Cruise Line in Hotel Management o Cruise line in Culinary Arts sana po makuha ko po itong kursong ito at matapos dahil ito po talaga ang gusto ko. Kapag may kakayahan na po ako na makatulong sa aking pamilya at sa ibang nangangailangan gagawin ko po ang lahat para sila ay matulungan. Pangarap ko po ay maging matagumpay,makamit ko po ang aking mga nais kasama ang pamilya ko po at mahahalagang tao po sa akin.

Ang Aking Talambuhay-Gerry Ilustre

‘‘ANG AKING TALAMBUHAY’’

Ako nga pala si Gerry Longares Ilustre, anak ni Guillermo at Margie Ilustre. May apat akong kapatid, ito ay sina Marjorie Ilustre ang panganay, Maryjane Ilustre ang pangalawa, Reyshyl Ilustre ang pang apat at Gerome Ilustre ang bunso sa aming magkakapatid. Ipinanganak ako noong Agosto 5, 1995 sa Naga, Camarines Sur. May simple lang kaming buhay, di gaanong mahirap at di rin gaanong mayaman. May pag aaari kaming isang bakery doon, at dito kumukuha ng pera ang aking mga magulang para sa pang araw araw na pangangailangan. Sa katunayan ay kakaunti na lamang ang aking naaalala tungkol sa aking pagkabata, wala din  akong mga litrato upang maging silbi para maalala ko yung mga nagdaang pangyayari  sa buhay ko. Ang pinaka huling pangyayari na lamang na naaalala ko nung bata pa ako ay nung naglalaro ako kasama ng mga pinsan ko ng tagu taguan at ang pinaka paborito kong taguan ay ang itaas ng punong santol sa aming bakuran sa aming dating bahay. Ang aming bahay noon ay palagiang binabaha kaya siguro nagpasyang  lumipat ng bahay ang aking ama. Sa paghahanap namin ng matitirahan ay napadpad kami sa aming kamag anak dito sa San Pablo. Sa City Subdivision kami unang napalipat ng bahay, kasama namin sa isang bahay na iyon ang aming tiyuhin. Siya ay nagtatrabaho bilang tagalako ng tinapa, sa kadahilanang wala pang trabaho noon ang aking ama ay nagtinda na rin siya ng tinapa katulad ng trabaho ng aking tiyuhin. Sa awa ng mahal na Panginoon ay nakakakain kami ng tatlo at mahigit pang beses sa isang araw. Ramdam namin ang kahirapan sa mga panahong iyon pero kahit na ganon ay masaya parin kami dahil kami ay magkakasama bilang isang buong pamilya.

Hindi pa ako nag aaral ng mga panahong iyon dahil siguro ay batang bata pa ako noon. Dahil siguro sa lumalaking pangangailangan namin sa pera, naghanap si Papa ng mas malaking mapagkukunan ng pera, kailangan na din kasing mag aral ng aking maga kapatid pati na rin ako. Nag aral siya ng gawaing pang talyer, at ng siya ay matuto, nagbalak siyang magtayo ng pansariling talyer. Nagkaroon kami ng sapat na pera galing sa pagtitinda at doon nga ay inumpisahan na ni Papa ang kanyang mga binabalak. Lumipat ulet kami ng tirahan dahil sa tamang lokasyon na pagtatayuan ng aming talyer. Iniwan namin ang aming tiyuhin ng may pasasalamat dahil sa pagpapatuloy niya sa amin sa kanyang tirahan. Sa paghahanap ng aking Papa ng mapagtatayuan ng aming bagong negosyo ay napadpad kami dito sa Brgy. Concepcion San Palo City kung saan aming tinitirahan hanggang sa ngayon. Sa awa parin ng ating Panginoon ay umunlad ang aming naitayong negosyo na hanggang sa ngayon ay patuloy na gumagana.

May naipundar na rin kami galing sa kita ng aming talyer, at dahil sa patuloy na pag kita ng aming negosyo ay nakapag aral ako at nag mga kapatid ko. Tuwang tuwa ako nung ako ay nakapag aral ng elementarya sa paaralan sa aming Barangay at ito ay sa Guerilla Elementary School. Ako ay hindi na tumuntong ng Kinder Garten dahil siguro sa kaahilanang hindi na tama sa aking edad. Batch 2002-2003 ako noong ako ay mag Unang Baytang sa aking paaralan at ako ay pitong taong gulang noon. Nasa mataas na seksyon ako noon, ang seksyon A. Pero dahil nahawa ako sa mga magugulo, maiingay, makukulit, madaldal at masasalaw kong mga kaibigan ay nailipat kaming barkada sa seksyon B. Sa halip na malungkot ay natuwa pa ang mga loko sa nangyari kaya natuwa narin ako hahahaha. Nalaman ng aking ama ang nangyari at siya ay nagalit saakin, dahil doon ay pinilit kong mas gumaling sa pag aaral. Kasama ng mga kaibigan ko ay nanguna kami sa seksyon na iyon, pero di pa rin kami nagbabago sa kaguluhan sa paaralan kaya lagi kaming pinaparusahan ng kumulang sampum beses kada araw. Mabababaw naman ang mga parusa kaya sa halip na malungkot kaming barkada ay tuwang tuwa pa kami. Dahil sa aming kakulitan ay lalong lumaki ang aming barkada, bigayan at ubusan lage ng baon hahahaha.

Batch 2003-2004 naman kami ng tumuntong ng Ikalawang Baytang. Kasama ko parin ang aking mga kaibigan at sama sama parin kami sa mga kalokohan, pero tumaas naman ang aming seksyon at naging A ulet. Umulit nanaman kami ng kakulitan kaya naging Seksyon B kami ng umabot ng Ikatlong Baytang. Bumawi naman ako noon kaya naging A ulet nung Ikaapat na Baytang na, pero may mga nabawas sa barkada ko dahil umulit sila ng Ikatlong Baitang, nalungkot din naman ako noon kahit papano haha. Sa ikaapat na baytang ko naranasan makipag kumpitensya para sa mataas na grado. Marami parin ako naging kaibigan noon. Noong naka abot ako sa Ikalimang Baytang ay naranasan ko ng magkaroon ng iniibig. At dahil doon ay lalo akong nagsipag sa aking pag aaral upang kanyang mapansin. Hindi nagtagal at naging magkaibigan kami. Umabot ang maliit na pagtingin na iyon hanggang akoy umabot ng Ika Anim na Baytang. Pero dahil sa pagsisipag ko sa pag aaral noong Ikalimang Baytang ay nakatanggap ako ng SABIT, haha.

Batch 2007-2008 kami noong ikaanim na baytang, labindalawang taon na ako noon. GRADUATING ang tawag saamin. Masaya ako at makaka graduate na ako, madalas kong inaasar ang aking mga kabarkada na nasa Ikalimang Baitang pa lamang haha. Marami akong masasayang alaala noong  Graduating ako, kapareha at nakasayaw ko ang aking iniibig sa isang programa sa pagsasayaw ng Folk Dance, tuwang tuwa ako noon kahit ang mga loko kong mga kaibigan ay kinakantiyawan ako at binubwisit. Pero may masama rin akong karanasan pero nakakatuwa din, ito ay nung naging kaaway ko ang kabarkada ko na anak ng guro dahil sa di pagkakaunawaan at nang mga oras na iyon ay pumunta kami sa likod ng aming paaralan upang mag away. Nakita kami ng mga kaklase naming nandoon rin sa likod ng paaralan na nagpapalipas oras at nagkukwentuhan. Halos pala lahat ng iyon ay kampi doon sa kaaway ko at balak akong pagkaisahan, kabado na ako noon at maluha luha pa, pero may nakakita ulet saaming mga babaeng kakilala ko na kaibigan ko rin, tinawag niya ang mga kaibigan ko at maya maya ay dumating silang lahat para makisali at tulungan ako. Inakbayan ako ng kabarkada ko at hinawi papunta sa kanilang likuran at sila ang nakipagbatuhan ng masasamang salita sa kaaway ko. Tuwang tuwa ako noon, hindi din natuloy ang away dahil dumating ang mga guro, at sa paglipas ng panahon ay nagkasundo na ulet kami hanggang sa lahat kami ay makagraduate.

Taong 2008-2012 naman ang aking high school life. Dito lubos na nagkakulay ang aking buhay kabataan kasama ng ibat ibang klaseng tao na may ibat ibang kalokohan. Dito ko rin talaga napaunlad ang kakayahan ng aking utak na umunawa at tumingin ng malawak sa mundo. Kaso nakakasawa ang aking mga kaklase haha jowk! Bawat karanasan ko dito ay talagang tumatatak sa isipan ko bilang isang maganda, malungkot at masayang alaala. Naranasan ko din rito ang pighati dahil sa BABAENG INIIBIG! Masaya akong kasama silang kaibigan ko na aking nakasama at nakapalagayang loob na para bang ayaw ko nang humiwalay pa sa kanila ngayong GRADUATING ulet ako. Marami akong grupong sinalihan, isa na dito nag mga kagrupo ko sa sayaw na talagang magugulo rin at masasaya kasama. Gusto kong napapalibutan ako ng kaibigan ko mapa babae man o lalake at kahit ano basta tao haha. Siguradong mamimiss ko at hahanap hanapin ko sila kapag nag GRADUATION na ! =(

Talambuhay Ni Khatreen Capuno

 Ako si Khatreen Jaurigue Capuno, labing-limang taong gulang at bunso ako sa aming magkapatid. Ipinanganak ako noong Marso 01, 1996. Simula sa pagkabata ay mahilig na akong kumanta, magsulat at mag-aral. Nakapagtapos ako ng elementarya sa San Pablo Central School sa tulong ng aking mga magulang na si Ella Marie Capuno at Enrico Capuno. Sa ngayon ay nag-aaral ako ng sekondarya sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School, at ako ay nasa ika-apat na taon na sa hayskul. Kabilang ako sa pangalawang pinakamataas na seksyon sa aming paaralan. Mataas ang pangarap ko sa buhay, nais ko na makapagtapos ng pag-aaral,magkaroon ng magandang propesyon at makatulong sa magulang ko, kaya naman nag-aaral akong mabuti kahit na minsan ay nakakatamad at kung minsan ay nakakapagod ang mag-aral.

Noong bata pa ako, hindi lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. May mga bagay na kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga nakakamit, pero kahit na ganoon ay masaya na ako dahil lagi ko paring nakakasama ang aking pamilya na siyang sumusoporta sa akin sa aking mga desisyon at mga gawain. Lahat ng gustohin namin ng aking kapatid ay pinag-sisikapan ng aming mga magulang lalo na ni Papa na maibigay sa amin kahit na nahihirapan na siya sa paghahanap-buhay. Ang aming Mama naman, hindi niya kami pinababayaan, lagi niya kaming inaalagaan, binabantayan, at inaalalayan. Sa aming dalawa ng aking kapatid, ako lamang ang laging dumidepende sa aming mga magulang dahil takot akong mag-isa sapagkat pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin ang makihalubilo at makipag-kaibigan sa ibang tao. Kaya naman ng magsimula na akong mag-aral ay nahirapan ako ng sobra. Natatakot akong maiwan ng aking mama sa school, tulad na lamang noong ako ay nag-kinder sa lugar malapit sa amin , hindi ako pumapayag na iwanan ako ng aking mama kaya naman lagi niya akong napapagalitan noon. Pero noong katapusan na ng taon, masayang-masaya ako pati na ang mama at papa ko dahil isa ako sa nagkaroon ng medalya. Noong araw na iyon, naisip ko na na sa susunod na taon ay magpapaka-bait na ako. Pagkatapos ng bakasyon noong taong iyon, pinapasok ulit ako ni mama sa San Pablo Central School at muli ay nag-kinder ulit ako. Nagsimula nanaman ang aking pagkatakot. Nagsimula nanaman ang galit sa akin ni mama, dumating na din ang oras na dahil sa galit niya ay umalis siya at di nagpakita sa akin. Tiniis niya ako ng araw na iyon, iniwanan niya ako sa school kahit na humahabol ako sa kaniya at nag-iyak ako. Natapos nanaman ang taon, masaya nanaman ako dahil mag-grade 1 na ako sa nasabing paaralan.

Simula na ng pasukan, Grade 1 na ako. Napakasaya ko noong unang araw dahil kakilala ko ang titser ko, pero ng mga sumunod na araw, simula nanaman ako. Araw-araw akong humahabol sa mama ko hanggang sa pati ang aking guro ay nagalit na din sa akin at naubusan na ng pasensya. Lahat ay galit na galit na sa akin pati si papa. Natuto lamang ako maging mabait ng maging Grade 2 na ako. Sumusunod na ako sa mga sinasabi sa akin ni mama at papa, pati na ng aking guro. Nakakuha ako ng matataas na marka, nagsimula na rin akong lumahok sa mga patimpalak sa paaralan at natuto na akong makisama at makipag-kaibigan sa naging mga kamag-aaral ko. Nakapagtapos ako ng elementarya noong taong 2008 sa San Pablo Cental School. 

Simula ng pasukan ng taong 2008. Pumasok ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School sa kagustuhan ng aking mga magulang. Noong una, ayaw ko pang dito mag-aral dahil mas gusto kong makasama ang ate ko sa iisang school, at isa pa ay mas gusto ko sa Private School. Napilit ako ng mama ko na sa Dizon High School pumasok dahil nangako siya na pag nakapag-tapos na ang kapatid ko ay ililipat na din ako ng school. Pumayag ako dahil ng taon ding iyon ay magtatapos na ang aking kapatid. Unang araw ng pasukan, sinamahan ako ng aking mama sa school. Hindi ako masyadong kinabahan noon dahil kakilala ko ang aking naging guro. Madami na agad akong naging kakilala. Nang mga sumunod na araw, naging malapit na ako sa aking mga kaklase, nabuo na rin ang grupo namin at tinawag pa namin itong grupong VIP. Naging maganda ang resulta ng aking paghihirap. Matataas ang nakuha kong marka, ngunit nagkaroon ang aming pamilya ng isang problema na naka-apekto ng malaki sa aking pag-aaral. Nabuntis ang aking kapatid, labing-anim na taon pa lamang siya noon. Halos gumuho ang mundo ng aking papa ng malaman niya ito. Kitang-kita ko kung paanong nasaktan ang papa namin at dahil sa sama ng loob at galit niya, pati ako ay gusto naniyang paalisin sa aming bahay. Ako ang gumawa ng paraan para maali ang galit ni papa kay ate upang ng sa darating na bagong taon noon ay magka-kasama kami at buo ang aming pamilya. Natupad ang gusto ko, nakauwi si ate pero may isang pangyayari pa rin na nakakalungkot, ito ay ng mapababa sa tungkulin sa Iglesia ang mga magulang ko at ikinatiwalag ni ate ang mga nangyari sa ate ko. Bago matapos ang ang taong 2009, napili akong Ibong Adarna at nakipag-laban ako sa iba pang 1st year. Nagkamit ako at ang aming seksyon ng ika-tatlong pwesto.

Simula ng taong 2009, 2nd year na ako at kabilang pa rin ako sa Seksyon A. Mas lumalim ang samahan namin ng mga kaklase ko. Naging mas marami na din ang aking naging kaibigan, hindi lang sa seksyon namin kundi maging sa iba pang seksyon. Madaming pinag-daanan ang aming seksyon katulad na lamang ng muntik na kaming ipa-guidance dahil sa sobrang kaingayan namin. Naranasan na rin naming mag-klase sa Grand Stand dahil isa ito sa naging parusa sa aming seksyon. Usapan din lagi sa faculty ang aming seksyon dahil sa mga kalokohan at kaingayan namin. Sa taong ito din kami lumaan ng Noli Me Tangere kung saan kami ang nagkamit ng unang pwesto na labis na ikinatuwa ng aming guro sa Filipino at ng aming gurong taga-payo. Sa pagtatapos ng taong ito, masaya kami dahil nakatapos nanaman kami ng isang taon at 3rd year na kami sa darating na pasukan, pero nakakalungot dahil isa sa kaibigan ko ay nangailangan ng lumipat ng paaralan. 

Nagsimula na ang taong 2010. 3rd year na kami! Napakasaya ko dahil hindi pa rin ako napapalipat sa ibang seksyon at isa pa ay malapit na akong maging 4th year at makapag-tapos ng pag-aaral sa hayskul. Mas mataas ang nakuha kong marka sa taong ito kumpara sa mga nakaraang taon. Malungkot lang isipin na hindi ko na kaklase ang aking pinakamatalik na kaibigan na si Bernaliza Punto Carbonell. Wala kaming sinalihan na kompetisyon pero kami naman ang nagin tagapag-turo ng mga kakilala naming 1st year ng lumaban sila ng Ibong Adarna. hindi man kami ang lumaban, masaya kami dahil sa kinalabasan ng aming pag-hihirap lalo ng manalo ang 1A na tinuruan namin. Kahit na tapos na ang kompetisyon, naging mas malalim pa ang pagka-kaibigan namin hanggang sa pagtatapos ng School Year 2011-2012.

Simula na ng School Year 2011-2012. 4th year na kami. Masaya na malungkot ang nararamdaman ko. Masaya dahil malapit na kaming matapos ng hayskul, pero malungkot dahil magkakahiwa-hiwalay na kami na kami. Sa huling taon na ito, mas napalapit kami ng aking mga kaklase sa isat-isa. Masaya isipin na sa pagtatapos namin, buo ang IV-Archimedes at masayang magtatapos ng pag-aaral. Pero dahil sa isang trahedya, hindi na pala pwede mangyari iyon. Nawala ang isa sa pinaka-masayahin naming kaklase na si Michkee B. Dimayuga. Hindi kami ganoon kalapit ni Michkee sa isat-isa pero may pinag-samahan din kami. Ngayon, bukod sa pamilya ko ay isa na rin si Michkee sa inspirasyon ko para makapag-tapos ng pag-aaral dahil iniisip na napaka swerte ko dahil pwede ko pa matapos ang aking pag-aaral at matutupad ko pa ang aking pag-aaral. Nais ko sana na kung matutupad ko man ang aking pag-aaral at magkakaroon ako ng magandang propesyon ay hindi ko pa rin makalimutan at hindi pa rin ako makalimutan ng aking mga kaibigan lalo na ni Julie Ann Villanueva, Abigail Corod, Rikki Mae Andrada, Lea ertiz at Angel Nicolyn Alcantara. Sana matupad ko lahat ng aking pangarap.

John Lincon Delin

Ako po Si John Lincon C. Delin.Ako po ay labing anim na taong gulang na, ipinanganak po ako
noong ika sampo ng agosto taong isang libo siyam na raan siyam napot lima.Ang aking mga magulang
ay sina Reynato Delin at Vicenta Delin.Dalawa lang po kaming mga kapatid ang pangalan po ng aking
kapatid ay Xena Marie C. Delin siya po ay ipinanganak noong ikaw lima ng disyembre taong isang libo
siyam naraan siyam napot pito at ngayon ay nag-aaral sa paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial
National High School na nasa ikaw unang antas.Ako po ay nangangarap na maging isang propesyunal na
accountant at pagbubutihin kko po ang aking pag aaral para matupad ito.

Noong ako po ay nasa elementarya pa ako po ay lagging nakikipag away na puro laro ang aking
inaatupag kaya po ngayon pong ako po ay nasa secondary na ako po ay nagbago na.Noong kame po ay
nasa ika unang antas ng aking mga kaibigan madalas po kaming mag away at mag-harutan at paboritong
paborito po namina mag laro ng computer games lalong lalo nap o ang Crzy Kart .poro noong pong
kami ay nasa ika lawang antas na kame po ay hindi na nag laro muli ng crzy kart.Dahil nakahiligan po
naming ang DOTA at haggang sa nagyon ay nag lalaro pa din kame.Dahil po sa larong ito marami kameng
nakilala na ibang tao na nagging kaibigan naming at nakalaro.

Noong pong kame ay nasa ikaw unang antas ay Naging kame ni ARA siya ang unang syota ko
simula pag ka panganak ko hahaha! Pero hindi nag tagal ay nag kahiwalay kame.Noong bakasyon ng
ikaw lawang antas.Noon pong kame ay nasa ika tatlong antas ay nanligaw po ulit ako sa isa naming
kamamg aral ang kanyang pangalan ay CAMILLE MIRANDA pero hanggang panliligaw lang ako at hindi
naging kami.Wala pa daw kase kaming personal break up ni ARA kaya hindi nagging kame ni CAMILLE
MIRANDA pero masaya na ako na nagging parte ako ng buhay nilang dalwa.

Iyong taon din pong iyon nagging kame ni VIELANIE siya po ay ansa ibang seksyon mabait po aiya
at masarap katext pero hindi nag tagal ay nag hiwalay din po kameDahil sa kakulanga sa komunikasyon
pero masaya na ako na nagging parte ako ng kanyang buhay at hiling ko laman na kahit anong mangyari
ay nandito lang ako para sa kanya at isa siya sa aking tunay na kaibigan.At sana ay magng masaya siya sa
kanyang buhay at sana ay huwag niya akong kalimuntan dahil nagging parye siya ng buhay ko at ayaw ko
siyang kalimutan

Noong kame po ay malapit na sa ika apat na antas ako po ay nanligaw sa isa naming kamamag
aral ang kanya ng pangalan ay MARIA ISABEL ALEGA.Siya palang sana ang unang babaeng sesryosohin ko
pero hindi nagging kame Dahil sa isang babae na nag ngangalang CHRISJAY pero hindi ko alm kung eto
talaga ang kanyang yunay na pangalan.Dahil hindi ko pa siya nakikita sa personal.Pero masaya na ako na
naging parte na siya ng buhay ko at sana ay maging masaya siya sa kanyang buhay at huwag niya akong
kakalimutan.Dahil kung kakalimutan niya ako ay masasapok ko siya hahaha JOKE LANG naman.AT lagi
lang akong nandito para sa kanya at kapag kailanga niya ng tulong ay pede siyang lupapit sa akin.Dahil
isa akong tunay na kaibigan sa kanya kahit hinsi niya ako tinuturing na kaibigan haha JOKE LANG PEACE
alam ko naman na hindi niya ako mahal pero alam ko sa sarili ko na minahal ko siya ng seryoso at sa
kanya lang ako nag tagal mag move on kahit hindi naman nagging kame haha.Hiling ko lang sa kanya na
always happy dapat siya

At sabihin niya lang sa akin kung sino ang lalakeng nang aaway sa kanya at ililibing ko lang naman

ng buhay.Noong bakasyon ay naing masaya ako na malungkot .Dahil maraming nayari sa akin na masaya
at malungkot.

Noong kame ay nasa ika apat na antas na ay an gaming nagging adviser ay si GNG.INAY napakabait
na guro at masayahin.Nag papasalamt ako sa kanya dahil kahit kaunting pnahon niya lang akong
nakasama ay itinuring niya ako bilang isa tunay niya akan ang masasabi ko lang sa kanya ay mahal na
mahal ko siya at hinding hindi ko siya malilimutan at ipapangako ko sa kanya na magiging success ako sa
aking buhay at balang araw ay ako naman ang magbibigay ng tulong sa kanya kahit sa papaanong paraan
LOVE YOU INAY ROSY.NAing masaya naman ako sa antas na ito dahil marami akong nagging kaibigan
na maasahan at mapagkakatiwalaan? Haha love you all GUYs.Gagawin ko na lahat na maaring gawin
ngayong antas na ito dahil eto na huling antas naming sana ay walang limutan at kahit anong problema
ay mag dadamayan pa din kahit hindi na mag kakaiskwela.

Eto ring antas na ito nahubog ang aking pag katao.Naging sobrang saya ko dahil nagging parte
kayo ng buhay ko.At nakilala ko ang aking pangatlong nagging kasintahan ang kanyang pangalan ay
JHEMIMA CHAN pero hindi nag tagal ay nag hiwalay din kami.Naki pag balikan ako kay VIELANIE at nag
hiwalay ulit nakipag balikan ako kay ARA at nag hiwalay din kame pero naka isanag buwan kami non.
Kahit hindi halata ha ha ha ha .

Etong paskong ito ay nagging msaya ako dahil nakasama ko ang mahal ko sa buhay at kaya lang
wala akong nagging pera kawawa naman ako. Ha ha ha ha pero ayos lang yun at nakasama ko naman
ang mahal ko.Noong nag daang bagong taon ay naging sobrang saya ko dahil nakasama ko muli ang
aking mahal kahit sa kaunting panahon lang.At nayon ay masaya ako dahil nagging kami na aking mahal
kahit meron konting mga alitan ay masaya pa din kame at sinabi ko sa kanya na kahit anong mangyare
ay huwag siyang pang hinaan ng loob dahil pag subok lang lahat ng nadating sa ating buhay.

Hindi niya lang alam na masaya ako dahil nagging parte siya ng buhay ko at panga ko ko na hindi
ko siya malilimutan dahil mahal na mahal ko siya at haggang sa nagyon ay masaya pa din kame.