Powered By Blogger

Huwebes, Pebrero 2, 2012

Ang Aking Talambuhay!!! (Jeuz Apita)

           Marami ang nagsasabi na ako’y lubos na nilang      kilala ngunit di nila alam kung sino nga ba talaga ako sa kabila ng kanilang nakikita. Ano nga ba ang aking naging simula? Sino nga ba ako? Ako ang panganay sa aming mag kapatid at anak  nila Noli Apita at Rosalinda Apita. Ako ay si Jeuz Llorenz Apita sa aking pamilya at ilang malalapit na kaibigan, Totoy naman para sa karamihan ng nakakakilala sa akin. 

        

         Ipinanganak sa sa San Pablo City sa taong 1996 at sa buwan ng Oktubre sa araw ng 16. Sa aking pagsilang, naghatid ako ng labis na kasiyaan sa aking mga magulang sa kadahilanang ako ang naging kasagutan sa kanilang matagal na pinangarap na pagbuo ng isang pamilya.

              Lumaki ako sa pangangalaga at pagmamahal ng aking mommy na si Rosalinda Apita. Lumaki ako kasama ng aking mga pinsan. Naranasan kong maglaro sa parang at bukirin, naranasan kong maligo sa ilog, naranasan ko ang simpleng buhay na sa lungsod ay tila imposible. Isa sa mga pinakamasasayang alaala ang ibinigay sa akin ng aking pananatili sa probinsya. 
             Naalala ko pa ang aming pag-akyat sa mga puno ng aking tita, ang pagpapalipad ng saranggola sa likod ng bahay, ang pagbabahay-bahayan at luto-lutuan, ang paglalaro ng mga larong Pilipino kasama ng mga batang di ko naman talaga kilala at ang pangngisda sa dagat tuwing dadalaw si si lolo Siguro sa pananatili ko rin dito, natutunan kong mahalin ang kalikasan. Hanggang sa di katagala’y lumipat na kami sa kanayunan kasama ang ilan kong mga pinsan upang magsimulang mangarap ng buhay na masagana at makapag-aral ng mabuti para sa ikapagtatamo namin ng magandang kinabukasan sa tulong ng aking mga magulang sa pamamagitan ng kanilang pagpapagal at pagsisikap sa pagtatrabaho.
    
              Kung di ninyo maitatanong, ang bayan ng San Pablo ay di lamang makasaysayan ito rin ay biniyayaan. Malapit ito sa banahaw  na aking naakyat na, at di rin nalalayo sa  karagatan at higit sa lahat ang mga bukirin dito ay malawak pa, di kagaya sa ibang parte ng probinsya.  Sa bayan ding ito ako nag-aral hanggang sa unang baytang ng elementarya, sa Brgy.San Pablo City. 
                   
                   Sa mga kadahilanang di ko na ialalahad,sa Brgy.San Juan sa  kung saan kami permaneteng naninirahan, kasama ng aking dalawang nakabababatang kapatid, si Jan Era Marie Apita at Jannel Nicole Apita. Sa pagbabago ng aking nakagisnang kapaligiran, ako’y nagging masakitin at mahina ngunit dahil na rin sa pag-aalaga ng aking mommy at sa kagustuhan kong din na di na siya magalala, natutunan kong makasanayan ang bagong mundong ginagalawan.
  
                Nagtapos ako ng elementarya sa Brgy. San Juan,Elementary School. Sa eskuwelahang ito nabuo ang aking mga prinsipyo at mga pangarap. Bukod sa napakaraming mga bagong kaalaman, dito ko natutunan ang pakikipagkapwa at pakikisama sa mga tao. Sa paaralang ito din ako unang tunay na umibig. Bilang isang estudyante, nagging aktibo ako sa mga gawaing pang eskuwela, sumali sa iba’t iang kompetisyon, sumulat sa opisyal na dyaryo ng eskuwela at nagging isa sa mga tagapagtaguyod ng matagumpay na paaralan sa makabaggong pamamalakad.
          
                   Sa pagtatapos ko noong taong  dalawampu at walo(2008), napagdesisyunan kong pumasok sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool bilang paghahanda na rin sa aking pangarap, ang maging isang mahusay na artist  pagdating ng araw. Nalaman ko na sa paaralang Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool pala ay magaganda ang turo ng mga guro na siya na ring paghahanda sa paghubog ng aking mga kaalaman hanggang sa makatapos ako at hanggang masalimuha ko ang nalalapit na pagtuntong sa kolehiyo. Nakakatuwang isipin na ang layo na pala ng aking narating, mula sa pagiging isang sutil na bata na nakukuha ang lahat ng gustuhin, nandito na ako, isang lalaking nagnanais ng kabutihan para sa nakararami lalo na sa kanyang pamilya. Di ko matatawag ang aking sarili bilang isang simpleng tao. Marami akong mga panagarap na maari sa iba’y malayo sa riyalidad. Pero sa kabila ng aking mga pinapangarap na mga pangarap sa hinaharap, ay di ko pa rin nakakalimutan ang paglilingkod at pananalig sa Dakilang magagawa ng Panginoong Diyos na hangga’t nabubuhay ako ay patuloy pa rin akong mag-lilingkod sa kanya hanggang sa sapitin ko ang pangakong kaligtasan sa araw ng paghuhukom. Naniniwala ako sa buong buhay ko, na sa aking mga pagpapagal na ginagawa ko habang ako ay nabubuhay,ay nakasisiguro ako na matatamasa ko ang pangakong kaligtasan.  
     Nais kong magsilbi, nais kong mag bigay ligaya, nais kong magligtas ng mga buhay. May paniniwala akong di kailangang mamuno upang makapagsilbi, ang kabukalan sa kalooban ng paglilingkod ang mas mahalaga. Isa akong taong may prinisipyo na kahit ano pa man ay aking paninindigan. Bagamat tahimik di ibigsabihin ay walang pakialam. 

                Ako ang taong mapagkakatiwalaan, ang kaibigang dadamayan ka sa hirap man at ginhawa. Kahit na mabilis akong magalit, magtampo at umiyak, di ako ganoon kahirap magpatawad, ngunit sa pagkakataong pamilya ko na ang nasasaktan, kaya kong kalimutan kahit ang sariling kapakanan maipagtanggol lamang sila. Bilang isang indibedwal, binibigyang importansya ko ang oras, kaayusan at kalinisan. Naniniwala ako na kung kagaya ko bibigyang importansya din ang mga ito ng karamihan, mas magiging maayos ang ating pamumuhay.

 

               Ito ako. Sa iyong pagbabasa ng aking maikling tamabuhay may nalaman ka tungkol sa akin. Ngunit sa kasamaang palad di ito ang lahat. Kung ako’y iyong pakikisamahan marahil sa pagkakataong iyon, tunay mo na nga akong makikilala at sana ganoon din ako. Ayos lang naman kung hindi ko matapos itong aking mumunting talambuhay dahil marami pa akong makakasalimuha sa aking buhay partikular na sa magiging kakilala ko sa hinaharap. Hindi pa naman tapos itong aking mumunting talambuhay ng aking mumunting buhay sa araw-araw dahil magpapatuloy pa ang aking buhay sa hinaharap hanggang makatapos ako sa Mataas na Paaralan Sa paaralang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Sa kabila nito Patuloy pa rin akong maglilingkod sa panginoong Diyos sa lahat ng aking makakaya at magpapatuloy pa itong aking paglilingkod habang ako’y nabubuhay sa mundong ito. Kasama ang aking mga magulang, kapatid ,pinsan ,tiyo,tiya ,lolo at lola,ay patuloy kaming maglilingkod sa Diyos. May mawala man sa amin ay patuloy pa rin hanggang sapitin ang magandang kinabukasan.

          Ito ang aking Talambuhay, salamat sa pagbabasa. Ako po si Jeuz Llorenz C. Apita ng 4-Archimedes(4-A).         


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento