Powered By Blogger

Huwebes, Pebrero 2, 2012

Ang Aking Talambuhay ( Jexanni )

             Ako si jexanne Angelie Ostonal. Isinilang salugar ng Buenavista, Quezon noong ika dalampu’t siyam ng Enero taong isang libo’t siyam na daan siyamnapu’t anim. ang mga magulang ko ay si na Lanie Ostonal at Antonio Ostonal. Kami ay anim na magkakapatid, tatlong lalaki at tatlong babae. Ang panganay namin ay si kuya Eugene. Siya an may asawa at dalawang anak na lalaki. Ang edad niya ay talumpu’t pito. Nakatira siya sa Antipolo. Ang sumunod naman ay si kuya Arlan. May asawa at apat na anak na lalaki. Tatlumpu’t limang taong gulang na siya. Sa ngayon nakatira siya sa San Pablo City, Laguna. At ang sumunod naman ay si ate aniline. Sa lahat ng kapatid ko siya ang tinuturing kong pinakamabait. Noong bata pa ako parang siya ang nanay ko dahil lagi kaming magkasama pag siya ay nauwi. Pero ngayon siya ay may asawa na. pero wala pang anak at hindi pa din sila kasal dahil nasa Saudi ang kanyang asawa. Nasabi kung mabait siya dahil kahit may asawa na siya hiondi pa rin siya nagsasawang tumulong sa amin at pagaralin ako. Siya ay talumpu’t tatlo na. ang sumunod sa kanya ay si ate Jennifer. May asawa na din at limang anak. Siya ay maagang nagasawa at hindi din siya nakatapos ng pagaaral sapagkat siya ay nagtanan. Sa nagyon ang edad niya ay talumpu’t isa. Si kuya Xander ang sumunod sa kanya. Wala pang asawa pero kung sino-sinong babae ang dinadala sa bahay. Hindi din siya nakatapos ng high school dahil lagi lang naman siya naglalakwatsa. Ang buong akala ng nanay ko napasok hindi naman pala. Kaya ngayon siya ay walang makuhang matinong trabaho. Siya ay dalampu’t tatlong taong gulang na ngayon. At ako na ang sumunod sa kanya. Ang bunso ng pamilya. Ako ay labinlimang taon gulang na. ang pangalan kong Jexanne Angelie ay pinagsama-samang pangalan kaya kakaiba. Sa amin ako na lang ang nagaaral. Lumaki ako sa masayahing pamilya kahit minsan lang magkasama-sama.
                Nagaral ako noong elementary sa Del Remedio Central School. Masaya ang pagaaral ko doon. Maraming kakilala ang aking mga naging kaibigan at ang hinding hindi ko makakalimutan ay ang matalik kong kaibigan nung grade six na si Rose Ann. Sobrang lapit namin naming sa isa’t isanoon. Halos hindi na nga kami mapaghiwalay.  Hindi kami naglilihim sa isa’t isa. Pero lahat ng yun nagbago ng tumuntong kami sa high school. Graduation gang pinakaayaw ko at pinaka gusto ko rin. Pinakagusto ko kasi matatapos na kami ng elementary at bagong buhay sa high school. Marami na naman makikilalang mga bagong kaibigan.  Pinakayaw ko dahil magkakahiwa-hiwalay na kami at ang mga memoryang binuo ay maiiwan na lang dating sa paaralan. Ganun ang nangyari samin ni Rose Ann pati ang iba pa naming mga kaibigan nagkahiwahiwalay na dahil sa aba’t-ibang school kami nagsiaral. At ako ay pumasok sa Col. Lauro D. dizon Memorial National High School. Pero sabi nga diba pag may nawala may papalit na iba. Kaya sa paaralan na yan marami akong nakilalang mga bagong kakilala at mag kaibigan at maami din akong natutunan. Mga bagong kaibigan na maaari mong lapitan pag ikaw ay nangailangan.
                Noong unang taon ko sa paaralan bilang isang high school student walang masyadong hindi makakalimutan na pangyayari. Pero may mga kaklase ako na hindi ko makakalimutanisa na doon ay si Marius. Siya ay pilay, kaya daw siya napilay ay dahil sa pagbabasketball niya noong grade three siya. Pero siya ay gwapo kaya naman nagustuhan ko siya pati siya ay sweet. Siya din ay may kakambal si Marwin. Magkamukhang-magkamukha silang dalawa. At ang isa pang hindi ko makakalimutan ay si Cyrus dahil ang isa niyang kamay ay maliit pero ako ay believe sa kanya dahil kahit may kapansanan siya hindi siya nahihiya.
                Noong nasa ikalawang taon na ako sa high school na iba na ang seksyon ko kaya naiwan ko ang mag dati kong mga kaibigan. Tumaas kasi ang seksyon ko. Nagging 2-B na ako na dati ay 1-C. Pero mas nagging masaya ako sa seksyon na yun dakil mas naging kaclose ko ang mag tao doon. Kahit bago pa lang ako sa seksyon nila. May nabuo pa nga kaming tropa ay “PAICHALEYCLAMEIA FT. JEHABIE” ang pangalan. Pinagsamasamang pangalan naming yan. Si Pauline, ivy, Charlene, Ashley, clarissa, Katrina mae, amia at jexanne, Hannah at abiegail. Kami ang mga magkakaibigan na pagdating sa kalokohan mga nagkakasundo. Pero sa tropang yan mayroon akong pinakamatalik na kaibigan sila ay si Pauline at Katrina. Sa kanila ako palagi nagsasabi ng problema lalu na sa buhay pag-ibig. Dahil 2nd year nag kaboyfriend ako. Kahit hindi siya ang una kong naging boyfriend parang siya pa rin ang una. Magulo ba? Pati ako naguguluhan din ay. Basta siya ay si Mike Jeffrey Gamilla. Mahal na mahal o siya noon. Tumagal kami ng anim na buwan. Matagal nay un para sa amin mga teenagers. Kaya sobra akong nasaktan nung nakipaghiwalay siya sa akin. Sabi niya medyo nawawala na ang pagmamahal niya sa akin. Wala kasi kami communication dati kasi nawala cellphone niya. Mayo 16, 2010 siya nakipaghiwalay sa akin. Sobrang iyak na iyak ako nung mga panahong yun dahil hindi ko matanggap. Pero noong pasukan ng 3rd year magkaibigan pa rin kaming dalawa.
                Ikatlong taon ko sa high school. Masaya pa rin kaso may napahiwalay sa tropa namin kasi naiba na ang seksyon nila khat at amia. Naging 3-C na si amia at 3-A si khat. Kaya lalu kaming nagging close ni Pauline kasi sa kanya na lang ako nakakapagsabi ng problema. Marami akong ginawang kalokohan noong 3rd year ako. Isa na ditto ay ang pakikipaglokohan k okay Melvin ng tatlong buwan. Kasi ang mahal ko pa rin noon ay si Jeff. Ginawa ko lang siyang panakip butas. Pero siya mahal na mahal ako. Halos pitong buwan bago ko tuluyang nakalimutan si Jheff noon. Naging boyfriend ko ay si Julius. Dalawang beses na nagging kami pero noon una lokohan lang dahil isang lingo lang yun. Noong pangalawa tumagal kami ng apat na buwan. Kaso niloko lang niya ako at sobra akong nasaktan. Buti na lang at nandyan si Louis at ang aking mga kaibigan. Noong JS naming sobrang saya basaan ng tubig kaya ayun napagalitan ang seksyon naming ksai kami daw ang pasimuno.
                Sa kasalukuyan ako ay nasa ikaapat at huling taon ko na sa high school. Kaya kailangan lubus-lubusin na ang kasiyahan. Kaso ako ay nalipat ng seksyon nagging 4-A o 4-Archimedes na ako. Nagkasama na kami ni khat kaso naiwan ko sina Pau. Si Louis nagging boyfriend ko kaso hiwalay na kami. Hanggang limang buwan lang ang tinagal namin. Pero hanggang ngayon mahal ko pa rin siya. Sa ngayon masaya na ako sa seksyon ko at sa mga kabarkada kong “party pipz” inaantay na lang namin ang nalalapit na graduation namin. Tatlong buwan na lang kasi graduation an. Magkakahiwa-hiwalay na naman at hahanap ng bagong mga kaibigan. Bagong yugto ng buhay sa college.
                Ito ang kwento ng aking buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento