Powered By Blogger

Huwebes, Pebrero 2, 2012

Ang Talambuhay ni Rikki Mae T. Andrada

Ako si Rikki Mae T.Andrada,labing limang taong gulang.Ipinanganak ako noong Abril

12,1996 sa bayan ng Sto.Tomas,lumgsod ng Batangas.Ang aking magulang ay sina Maria

Theresa Andrada na ang trabaho ay bilang sekretarya sa isang drug quest center,ang L.T.O at

Ricky T.Andrada na ang trabaho naman ay bilang security guard sa isang kainan sa

Tanauan ,Batangas.Ako ay pang-apat sa aming limang magkakapatid.Ang panganay ay ang

aking kuya a si Julius,dalawampung taong gulang,pangalawa ay si Mon Jeric,labing walong

taong gulang,pangatlo ay ang panganay sa babae na si Maria Rissa ,labing anim na taong

gulang at ang bunso naming ay si Maria Ricca,labing tatlong gulang.ang aking panganay na

kapatid ay nakapagtapos na ng pag-aaral ng kursong Electronic,ngunit sa ngayon ay

nagtatrabaho sa isang Fast Food Chain(Lugaw Queen) na kahit hindi angkop sa kurso niya

ang ganoong trabaho ay ayos lamang sapagkat ang bagay na iyon ay nakatutulong

amin.Ang pangalawang kuya ko naman ay nag-aaral pa rin sa nayon bilang kolehiyo sa

kursong Information Technologysa paaralang

D.L.S.P.Ang ate ko naman ay nakapagtapos na ng sekondarya at sa ngayon ay

pansamantalang tumigil upang mapag-ipunan muna ang naus niyang kurso dahil ito’y

nangangailangan ng higit na halaga.Silang tatlo ay nakapagtapos ng sekondarya sa paaralang

Col.Lauro D.Dizon kaya naman sa ngayon ang akong bunsong kapatid ay nasa pangalawang

antas na na sekondarya sa paaralan din ng Col.Lauro D. Dizon.

ako noon ng magsimulang mag-aral bilang kinder,nagsimula ding matuto kung paano

magsulat,magbasa,bumilang at magkulay.Noong mga panahong iyon ay hindi ko maikakailang

naging sobra akong iyakin,ayaw na ayaw kong iiwan ako ng aking ina,ang gusto ko lang ay lagi

siyang nadiyan at lagi kong nakikita.Kaya naman kahit madami pa siyang dapat gawin sa

aming bahay ay ipinagpapaliban na lamang niya upang masamahan lamang ako sa aking pag-

aaral.Mabuti na lamang at ang aking pasok noon ay pang-umaga lang kaya kahit papaano ay

nababawasan ang pagsasakripisyo niya,at dahil nga pang-imaga lang ang pasok ko noon ay

may mga pagkakataon na pagkaawas ko ay isinasama ako ng aking ina sa pagpunta sa bayan

na labis ko talagang ikinatutuwa dahil hilig ko talaga noon ang gumala na hanggang ngayon ay

Gawain ko pa naman.Ang hindi ko rin makakalimutang pangyayari noong kinder ako ay noong

araw na kinuhanan kami ng litrato ng mga kaklase ko para sa aming Identification

Data ,nagkataong wala rin ana ina ko noon kaya naman di ko napigilan ang umiyak,iyon din ang

pagkakataon na ayoko talagang magpakuha hangga’t wala ang aking ina na at dahil kailangan

nga na magpakuha ako sa mismong araw na iyon ay pinilit na lamang ako ng mga magulang ng

aking mga kaklase . Hagulgol lamang ang nagiging sagot ko sa tuwing may sasabihin sila sa

akin na pilit lamang ako . Mabuti na lang at bigla rin dumating ang aking ina sa wakas ay

pumayag rin ako .Nagpakuha ako ng mga oras na iyon na nananatiling umiiyak (kaya naman

Dalubhasaang Lungsod ng San Pablo o

Limang taong gulang

kung tatangkain ninyong tingnan ang kinalabasan ng I.D ko,wag na lang siguro).Pero nang

ako’y nakatuntong na sa ika- unang baitang sa paaralang elementarya ng Guerilla ay

nabawasan na ang pagiging iyakin ko,nasanay na rin akong wala sa oras ng klase ang aking

ina,tuwing tanghali na lamang siyang naroroon upang hatiran kami ng pagkain.Pagdating

naman ng hapon oras na ng uwian ay kung minsa ay ang ama na naming ang sumusundo sa

amin.Nasa ikatlong baitang na ako nang nagsimula ng tumigil ang aking ina sa paghahatid sa

amin ,din a rin kami sinusundo ng aking ama.Walong taong gulang din ako ng nang nga

panahong iyon

niya,magalang,matalino,at higit sa lahat di mo man masasabing relihiyoso ay alam mong may

naman sa diyos,dahil sa mga katangiang iyon ay di ko naiwasan na magkaroon ng paghanga

sa kanya at masiyahan sa tuwing siya’y nakikita,ngunit ang kasiyahang iyon ay naputol

sapagkat matapos ang taong iyon bilang mag-aaral sa ikatlong baitang ay muli siyang lumipat

ng ibang paaralan.Labing isang taong gulang naman ako noon nang ako’y makatuntong sa

ikaanim na baitang,kahit di masyadong aktibo sa klase ay mataas pa rin naman ang nagiging

marka ko.Kaya naman nang ako’y makapagtapos ay nagkamit ako ng medalya bilang Third

Honorable Mention at ang pinakamasipag sa lahat,ako rin noon sa aming klase ang naging

Best in Spelling.Taong 2008 nang ako’y nagsimulang mag-aral bilang highschool sa paaralang

Col.Lauro D.Dizon at ako naman ay nasa mataas na seksyon napapunta.noong ako ay nasa

ikaunang antas,buwan ng Pebrero noon ay may naganap na paligsahan para sa dulang Ibong

Adarna,ang seksyon naming ay kabilang at sa kabutihang palad ay pumangatlo naman kami

sa pwesto at noong nasa ikalawang antas naman ako ay may paligsahan muli para sa

Florante’t Laura naman.Ka bilang ako sa mga mambibigkas sa mga panahong iyon at ang

seksyon naming ang nanguna sa pwesto,ang isang bagay na di naming inaasahan ,kaya

naman labis ang aming kasiyahan nang mga oras na iyon.Bagaman dahil kami daw ang nanalo

ay kami ang pinaglinis ng library.Nang nasa ikatlong antas na ako ang hindi ko makakalimutang

pangyayari ay ang nang minsang nagsayaw kaming lahat ng mag-aaral ng ikatlo at ikaapat na

antas ng Dizon High para sa opening ng SM.Nasa ikatlong antas rin ako nang makilala ko

naman si Jabin Reyes,mabait din kasi siya tulad ni Chad kaya naman nagkaroon din ako ng

paghanga sa kanya.Mas naging kaclose ko din ang

kapalagayang loob.Ito rin ang aong napakamiserable,paano tuwing Friday ay para kaming

tinotorture dahil sa CAT.Ang lupit naman kasing talaga ng Commander naming si CEDREX

ALVARAN .Kaya nga din rin ako nagtaka kung bakit cedrexdevil ang email add niya.Madalas

niya kasi kaming pinagiisquattras at pinagni-knee bend pa,pero lahat naman ng iyon ay tiniis

naming este natiis pala.Mabuti na nga lang at kahit papaano ay nagkaroon kami ng napakabait

na gurong tagapayo,si Gng.Rosy Audije.At dahil ako nga ay malapit ng magtapos ay mas

pinagbubutihan ko ang aking pag-aaral upang makamit ko na ang mga ambisyon ko sa

buhay,at isa na nga rito ay ang makapagtapos ako ng pag-aaral at maging isang tagumpay na

guro,upang matulungan ko ang aking pamilya lalo na ang aking ina.

nang makilala ko sa Chad Airick Igama,isang transferee,sobrang bait

mga kaklase ko noon na di ko

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento