Powered By Blogger

Huwebes, Pebrero 2, 2012

Ang talambuhay ni Joanna Kateri Solamin

Ako po si Joanna Kateri B. Solamin. Kasalukuyang naninirahan sa Brgy. San
Nicolas,San Pablo City, Laguna. Lumaki ako sa Cagayan De Oro. Ako po ay anak nina Jessie
Solamin isang inhinyero at ni Kathy Solamin isang maybahay. Ang aking ama ay nagtatrabaho
sa Global Food Solution. Panganay ako sa anim na magkakapatid. Kakambal ko si Joachim
Isidore . Sina Jessa Katrina, Jason Angelo, Jake Rafael, at si Juliana Kristina ay ang mga
nakababata naming kapatid. Palaging masaya ang pamilya namin. Ngunit sa dami ng miyembro
ng aming pamilya, hindi maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan lalo na ang aking mga
magulang. Dahil sa maraminbg problemang dumarating sa aming buhay, minsan nagdudulot din
ito ng pag-aaway ng aking mga magulang. Pero gayunpaman, sa huli mananaig pa rin ang
pagmamahalan at ang pagnanais na maging buo pa rin an gaming pamilya hanggang sa huli. Sa
aking mga kapatid, pinakamalapit sa akin ang aking kakambal at ang sumunod sa akin na si
Jessa. Silang dalawa ang palagi kong kakwentuhan. Si Joachim ang siyang nagsisilbing guro ko
sa pagtugtog ng gitara. Ito ang kadalasang ginagawa naming sa tuwing kami ay magkasama lalo
na sa bahay. Si Jessa naman ay ang lagi kong kakwentuhan, mapa-usapan tungkol sa kaibigan
man, eskuwelahan at maging sa pag-ibig. Pero kahit sila man ang pinakamalapit sa akin, hindi
ibig sabihin nito na hindi na malapit sa akin ang tatlo ko pang nakababatang kapatid. Si Jason
ang lagi kong kaasaran at kabiruan. Siya rin ang pinakamalambing sakin. At mahilig din siyang
maggitara tulad sa aming kambal. Si Jake naman ay nakakakwentuhan ko ko rin lalo na
pagdating sa pagkanta at sa mga palabas na pinapanuod namin. At ang bunso ko naming kapatid
na si Juliana ang pinaka hindi malapit sakin dahil sa hindi rin talaga ako mahilig sa mga batang
kasing edad niya. Pero kahit na ganun nagagawa ko rin naman siyang lambingin. Sa aming
magkakapatid, hindi man kami minsan magkaitindihan, sa tuwing magkakasama at
nagkukwentuhan kami, palagi naming may kasamang ngiti at tawa pa rin. Alam naman nilang
lahat kung gaano ko sila kamahal. Maging sa kanilang kaarawan ay binibigyan ko sila ng
kanilang regalo. Napakasarap sa pakiramdam na napapasaya ko sila sa ganoong paraan.Ganyan
ko din kamahal ang aking mga magulang, kahit na mas malapit sa akin ang aking mama kaysa sa
aking papa. Dahil na rin siguro sa lagging nasa trabaho ang papa ko at pareho kaming babae ng
mama ko. Pero kahit na ganun, ang papa ko naman ang hinahangan ko sa lahat dahil sa taglay
niyang talino. Kahit hindi man ako malapit masyado sa kanya, alam naman nila pareho kung
gaano ko sila kamahal. At ipapakiya ko iyon hanggang sa maaabot ng aking makakaya.

Ika 9 ng Abril taong 1996 ako pinanganak. Apat na oras ang agwat ng pagkasilang namin
ng aking kakambal. Ang sabi nina mama at papa, lahat daw kaming magkakapatid ay sinunod
lahat sa bibliya ang mag pangalan. Ang akin daw ay parehong sinunod sa santo ang pangalan.
Apat na taong gulang kami ni Joachim ng kami ay tumuntog sa kindergarten. At maggegrade 4
kami noon ng mapagdesisyunan na aming mga magulang na manirahan kami dito sa Laguna.
Nung una hindi pa ako sanay na hindi kami magkaklase ni Joachim dahil simula noong kami
ay nasa kindergarten hanggang tumuntong kami na grade 3 magkaklase kaming dalawa. Ngunit
habang tumatagal ay nakakasanayan ko na rin. Hinding-hinda ko makakalimutan ang araw ng
aking graduation dahil noon ako simula nakatanggap ng parangal. Ako ay achiever nun. Sobrang
saya ko talaga nun at talagang doon ako simulang humanga sa aking sarili at ditto naging proud
talaga ang aking mga magulang lalung-lalo na ang aking papa.

Sa wakas hayskul na ako. Nananabik na talaga ako. Sa Col. Lauro D. Dizon Memorial
National Highschool ako nag-aaral. Nasa 4th year highschool na ako. Pero hinding-hindi ko pa
rin malilimutan noong ako ay nasa 1st year highschool pa lamang dahil nasa seksyon B palang
ako nun hanggang sa malapit na matapos ang taon ng nalaman ko na kasama ako sa top 10, nasa
ikawalong pwesto ako nun. Mula na naman akong naging proud sa sarili ko. At ng maging 2nd
year highschool ako dun ako napalipat ng seksyon A. Ang saya-saya ko na naman talaga ng
mga taong yun. At ng maging 3rd year na ako, dun talaga ay nananabik ako dahil sa mararanasan
ko na rin sa wakas ang Junior and Senior Promenade o ang JS Prom. Kauna-unahan kong
nakasayaw nun ang aking kakambal. Nakatatlong sayaw lamang ako noon pero kahit na ganoon,
naging maligaya pa rin ako sa gabing iyon. Sa taon ding ito nabuo ans paakakaibigan naming
SUPER SAYANG BARKADA O “SSB”.ang saya-saya sa tuwing kami ay magkakasama.
Laging may tawanan, kulitan, at asaran. Sana tumagal pa at mas tumibay pa ang aming samahan.
Hanggang sa ngayong 4th na ako, nandito pa rin ako sa seksyong ito, ang 4-Archimedes. Sa taong
ito, napaltan ang aming punong guro mula kay Evelyn Malabag ngayon si Cristeta Uy na an
gaming bagong punong guro. Mas bata at mas masayahin at mas mabait. At dahil sa pababagong
ito ng aming punong guro, naabago di ang mga patakaran ng aming eskwelahan. Mas naging
mahigpit ito upang mas maging responsible pa ang mga estudyanteng pumapasok dito. Sa taong
ito, mabuti nalang at naimemantain ko pa rin ang grades ko at dahil sa pagsisikap ko pa sa pag-
aaral nakakasama naman ako sa t0p 10. Nung unang markahan nasa top 8 ako at sa pangalawang
markahan naman ay napataas ako, nasa top 5 naman ako. Muli ko na naming pinasaya ang mga
magulang ko at siyempre ang sarili ko. Pinapangako ko sa kanila na pagbubutihan ko pa ang
aking pag-aaral. At naway manatili pa rin ako sa top 10 hanggang sa matapos ang taon. At sana
mas ma-enjoy ko pa ang highschool life ko. At mas pagbubutihan ko pa ang aking pag-aaral. Na
upang sa ganoon makamit ko ang aking mga pangarap, ang pangarap na maging isang direktor
balang araw. Kaya lagi kong iisipin na nasa tabi ko lamang ang panginoon at hinding- hinda niya
ako iiwan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento