Powered By Blogger

Huwebes, Pebrero 2, 2012

Kim Arachel M.Hernandez

                      Ang Aking Talambuhay                                                         
   Ako po si Kim Arachel M.Hernandez.Ako po ay nakatira sa Dona Maria Village ph.2 San Pablo City Laguna.Ang aking kaarawan ay ika-14 ng Enero taong 1996.Ako po ay 15 taong gulang.Ang pangalan ng  aking ina ay Jocelyn m. Hernandez.Sya po ay 36 taong gulang na.Ang kanyang kaarawan ay May 26,1975.Sya ay isang housewife.Ang aking ama ay si Wilmar R.hernandez.Sya ay 35 taong gulang na.Ang  kanyang kaarawan ay March 14,1976.Sya ay isang tricycle driver.Kami ay limang magkakapatid.Ako po ang panganay,sumunod sa akin ay si Karl amiel M. Hernandez.Sya ay first year high school na.Sumunod ay ang aking kapatid na grade 4 na si Kielmar M. Hernandez.sunod ay si Kyla Marie Alyne m. Hernandez na grade 3 na.At ang huli ay si Kyle Andrew M. Hernandez.Ang aking pinakamamahal na lola ay si Rosita R.Hernandez.Sya palagi ang tumutulong kapag may problema kami.
Ako po ay Masaya at maligaya dahil nagkaroon ako ng maganda at kompletong pamilya.Tungkol naman sa aking sarili ang aking ikukuwento.Ako po si Kim Arachel M.Hernandez,mas kilala sa pangalang kim pag ako ay nasa skul at ara kapag naman ako ay nasa bahay.Noong bata daw po ako ay madalas daw po akong umiyak ng matagal.Hindi ko alam kung bakit basta kapag kinukuwento lang sa akin ay tumatawa na lang ako.Nang sumapit ang taon ay kinder na ako,masigla ako sa skul minsan po ay may pahid.Lagi po akong tahimik sa klase.Pero  makulit po ako.Sumapit ang graduation,masayang Masaya ako dahil ako ay 3rd honor sa klase pero nakasimangot ako sa picture dahil masakit ang paa ko.Pero ayus lang dahil 3rd naman.ang graduation ay ginanap sa kapitolyo.Ang daming tao doon,siksikan,ang iba ay lumabas muna para magpahangin dahil ang banas sa loob.Kasama ko nga pala ang aking nanay.Masaya ako nung araw na iyon.At minsan ng ako ay nasa bahay ay nahulog ako sa puno ng dalanghita at bumagsak sa lamesang bakal.Hindi ako makatayo,ayun pala ay may tama ako sa baywang.Nanghina ako dahil marami ng nawalang dugo sa akin.Madali akong dinala sa ospital ng aking magulang at ng aking tiyo.Tinurukan muna ako ng anestisya at pagkatapos ay ginamot ako ng doctor.Isa ang pangyayaring ito sa hindi ko makakalimutang pangyayari sa aking buhay.Nagsilbi itong aral sa akin na huwag masyadong makulit at huwag aakyat ng puno.Sabi  nga sa akin ng aking mga tita na huwag kasing makulit ng hindi nasasaktan.
Ako ay ieenrol na ng aking nanay bilang grade 1 sa bagong bayan elementary school.Kinakabahan ako dahil wala pa akong masyadong kakilala.Kilala ko lang dun ay ang aking pinsan na si Patrick at Matthew.Hindi nagtagal  ay nagging komportable na ako sa aking mga kaklase at nakkipag usap at nakikipaglaro na ako.Ang aming guro noon ay si Mam. Lalaine Adao.Masaya syang nagtuturo sa amin at Masaya din kami dahil sya ang nagtuturo sa amin.Sumapit ang taon ay grade 2 na ako.Bagong pakikisalamuha na naman dahil maraming bagong kaklase.Patuloy akong nagging masipag sa pag aaral.Nagkaroon ako ng sabit pero nakasimangot na naman ako dahil masikip ang sapatos ko.Ang aming guro noon ay s imam.Mercado.Sya ay isang mahusay na guro.Grade 3 na ako,lagi kaming nag iispelling.Ang aming guro ay nangibang bansa na.Pero Masaya ako dahil nging guro ko sya.Sya nga pala,mayroon po akong kapansanan sa pagsasalita pero naiintindihan naman po.Hindi ito hadlang para ako ay sumuko sa aking pag aaral.Imbis ay nagsipag pa ako sa aking pag aaral.Pinagpatuloy ko ang aking pag aaral,grade 4 na ako,nagkaroon nga pala ako ng crush sa aking katabi.Ang kanyang pangalan ay Christian Biglete.Ang saya nyang kausap.Sumapit na naman ang taon ay grade 5 na ako.Ang aming guro non ay si mam.Maida.Minsay nahihiya ako sa kanya.Tapus na ang taon ay grade 6 na ako.Gagraduate na ako.Excited na akong makagraduate noon ng elementary.Eto na ang graduation.Binigyan na kami ng diploma.Ang saya tlaga ng araw na yon.Kaso hindi man lang ako nakapagpaalam sa aking best friend pero nagshare kami sa isat isa ng magagandang alaala.Ang kanyang pangalan ay Poli Sia.Yan,nakapagtapos na ako ng elementary pero may susunod pang chapter sa aking buhay,ang HIGH SCHOOL LIFE.Ang sabi nlia ito daw ang pinakamasaya at pinaka hinding makakalimutang kabanata sa ating buhay.Totoo nga ang sinabi nila.Ito ang pinaka enjoy.Nag-enroll po ako sa dizon high.
Noong una ko sa high school,first year(freshmen)hindi ako masyadong nakikipag usap dahil halos lahat ay hindi ko pa kakilala.Ang kasabay ko lang ay ang aking kaklase noong elementary at ang aking pinsan na si Patrick.Minsan ako ay nag-iisa,may  lumapit sa aking isang lalaki,ang pangalan nya ay Kevin.Simula noon ay lagi na kaming magkasama at magkausap.Nadagdagan pa kami,nakilala ko rin noon si Joanna pati na rin sina Camille,Aiza  at Jhuncel.Ang crush ko nga lala noon ay si Ellord Magapi.Tahimik sya katulad ko pero hindi ako nakikipag-usap sa kanya.Medyo torpe po kasi ako.Naging top 1 po ako sa klase.Tumaas po ako,ako po ay naging 2nd year section-A mula sa B.Kasama ko po sina Pauline,Camille,Joanna,Joy,Jerson at Jonnel.Nakilala ko po noon si Zarina.Naging matalik ko po syang kaibigan.Lagi po kaming magkakasama nina  cherielyn at Camille.Naging maayos naman po ang aming pagkakaibigan kaso lang po ay nagalit sa akin si Zarina,hindi kop o alam kung bakit. Nagka-ayos na po kami noon ng pumunta kami sa bahay nila dahil gagawa po kami ng aming project.Masaya din po ako at nagka-ayos na kami.Ang aming advicer po noon ay s imam.Liay.Nagdaan ang isang taon ay 3rd year na kami.Ang aming advicer noon ay si mam. Reyes.Hindi nap o kami masyadong nag-uusap ni Zarina dahil naging kaklase po naming si Kevin noon.Inaamin ko may kasalanan ako kay Zarina pero hindi ko na sasabihin.Dito nabuo ang samahan namin.Lagi kaming magkakasama.Pero hindi ko pa rin nakakalimutan si Zarina,nag-uusap naman kami.Masaya din ang taong 2010 dahil nagkaka-isa kaming magkakaklase.Ito na ang pinaka-hihintay ko,ang 4th year.Napakabait at maalahanin ang aming advicer na si Mam.Rosy Audije.Minsan ay hindi kami nagkaka-isa sa paggawa ng isang bagay kaya nasesermonan kami ni mam.Napakaswerte po namin at si mam. Audije po ang aming naging advicer.Ngunit may masamang nangyari sa aming kaklase na si michkee.Nasunog po ang kanilang bahay pati na rin po sya at ang kanyang tatay.Hindi po kami makapaniwala sa nangyari.Dinala si Michkee at ang kanyang tatay sa maynlia para doon po gamutin.Nagdarasal po kami na sana humaba pa po ang buhay ni michkee ngunit hindi nagtagal ay binawian na sya ng buhay.Nag-alay pa po kami sa kanya ng isang concert para sa kanyang pag-galing ngunit talaga po palang maiksi ang buhay ng tao.Pumunta po kaming lahat sa libing ni Michkee.Ang dami ng pumunta.Masaya na din po kami dahil alam namin na sya ay nasa langit na kasama si Lord.Pinagpatuloy pa rin namin ang aming pag-aaral.Sumapit ang disyembre,nagkaron kami ng Christmas party,maikli pero masaya.Pasko na at bagong taon na kaya bagung buhay.Naging Masaya din po ang aming pasko at bagung taon.At nakilala ko nga pala si Jayson,ang aking crush.Hindi sya nagbagung taon dito pero ayus lng.Patuloy pa rin tayo kahit nararanasan natin ang ating mga pagsubok sa buhay.Go-go lang tayo.Hanggat may pag-asa kayang kaya ang lahat ng bagay.

                                                                                                                                               HERNANDEZ,KIM ARACHEL M.
                                                                                                                                        4-ARCHIMEDES

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento