Powered By Blogger

Huwebes, Pebrero 2, 2012

michelle ramos

 Ako ay si Michelle T. Ramos.ipinanganak ako sa Barangay San Miguel, San Pablo City,noong ika-apat ng Abril taong 1996.Ang aking mga magulang ay sina Nicanor V. Ramos Jr at Rosita T Ramos.Ang aking ama ay isang magsasaka,nagtatanim ng mga halaman.Ang aking ina ay walang trabaho o kung madalas tawagin ay "housewife".Ang pagmamahalan ng aking mga magulang ay nagbunga ng apat na supling, isa na ako doon.Ang kuya Michael ko ang panganay,siya ay may pagkamasungit pero mabait naman siya.Pangalawa ang kuya Marlon ko na sobrang sipag at matulungin.sumunod na ako,Ang kaisa-isa nilang anak na babae at mahilig sa asignaturang math, ang kaso lang ay medyo tamad pagdating sa gawaing bahay.Ang kapatid naming bunso na si Mark Jhun ay wala ng ginawa kundi ang mag-gala kapag walang pasok.
   Nag-aral ako ng elementarya sa San Miguel Elem. School.Una kong nakilala si Dianne Bedienes.Ipanakilala niya ako sa mga kaibigan niya dahil wala akong kaibigan noon.Nahihiya kasi akong makipag-kaibigan hanggang sa dumami ang kaibigan ko at makilala ko ang aking naging matalik na kaibigan na si Charlene Bacunot.Matalik ko na siyang kaibigan mula pa noong kami ay nasa ika-dalawang baytang.Palagi siyang nandyan para sa akin.Sa lahat ng naging guro ko noong nasa elementarya pa lang ako si Maam Sarmiento at Sir Joe ang paborito ko.Noong nasa ika-limang baytang ako, tuwing recess at tanghalian ay nagtitinda kami ng ilan kong kaklase sa kantina.Iyon kasi ang sabi ng guro namin.Sa aking pagtitinda nahuhubog ang aking kakayahan sa math,sa pamamagitan ng ginagawa kong pagsusukli.Magkahalong saya at lungkot ang aking naramdaman noong araw ng aming pagtatapos.Masaya ako dahil ako ang naging salutatorain ng aming paaralan.Ako din ang nakatanggap ng karangalan bilang "best in math" ng taong iyon.Sobrang saya ko talaga noon dahil nagbunga ang paghihirap ng aking mga magulang na mapag-aral ako.Malungkot naman ako dahil magkakalayo-layo na kami ng mga kaklase ko lalo na ang matalik kong kaibigan.Mahirap man tanggapin na magkakalayo-layo na kami pero kailangan dahil may mga kanya-kanya na kaming bagong landas na tatahakin.Alam ko na darating ang araw na muli kaming magkikita-kita.
    Ngayon isa na akong 4th year student sa Col.Lauro D.Dizon Memorial National Highschool.Dito rin ako nag-arl ng aking 1st,2nd,at 3rd year student at ngayon isa na nga akong 4th year student.Naaalala ko pa noon gaya noong ako ay nasa elementarya wala pa akong kaibigan dahil sa taglay kong pagkamahiyain.Buti nalang nakatabi ko si Jillian Abadicio,sya ung una kong nakilala kasi kinausap nya ako.Dahil sa kanya nakilala ko yung iba naming kaklase at medyo hindi na ako nahihiya sa kanila.Masaya pala kapag marami kang kaibigan naaalala ko pa ang masasayang oras na kasama ko sila,yung mga tawanan,kwentuhan at kulitan.Noong 2nd year naman ako, masaya din kasi lalong dumami ang aking mga kaibigan.Marami din akong mga bagong guro.Ang paborito ko ay sina Sir Mission at Mam Liay.Ang bait-bait kasi sa amin ni Mam Liay at si Sir Mission naman ayang galing-galing magturo ng math.madali kong naiintindihan ang aming mga lesson.At ng ako namna ay 3rd year na,hindi inakala na mangyayari  ang aking mga naranasan.Dito ko napatunayan ang mga sinasabi ng iba na ang pinakamasayang stage ng highschool ay ang pagiging 3rd year student.Isa sa mga masasayang naranasan ko ay ang magturo ng ibong adarna kasama ang ilan kong mga kaklase sa I-A na ngayon ay mga 2-A na.Hindi ko inaasahan na mananalo sila at magiging kampeon.Hindi ko inaakala na matatalo nila ang I-science.Sa pagkakapanalo nila parang ako na rin ung nanalo kasi ang sarap sa pakiramdam na magkampeon ka,hindi gaya noong kami talaga ang lumaban na naging 3rd placer lang kami.Bukod sa pagkakapanalo nila,hindi korin makakalimutan ang araw na makilala ko sila at maging ate nila.Ang sarap kasi sa pakiramdam na may tumatawag sayo ng ate.Ang babait pa nila.Isa pa sa mga masasayang naranasan ko ay ang magkagusto sa isa kong kaklase.Hindi ko alam kung bakit ko siya nagustuhan,basta isang araw nalang siya nalang lagi ang nasa isip ko,nahihiya na rin akong lumapit sa kanya.palagi na lang akong tumitingin sa kanya.Hanggang sa magbakasyon kami siya pa rin ang nasa isip ko.pero ngayon na4th year na ako medyo nawawala na yung pagkagusto ko sa kanya simula ng magkaroon na siya na girlfriend.Ilan lang yan sa mga masasayng karanasan ko bilang 3rd year student.Bilang 4th year stucent o graduating student,gagawin ko ang lahat upang maging mas masaya ang mga huling araw ko sa dizon.magkakalayo-layo na naman kaming magkakaklase.May mga bagong landas na naman kaming tatahakin.
   Ang paborito kong gawin sa bahay kapag walang pasok ay ang magbasa ng mga kwento,tula,at alamat.Ang sarap kasing magbasa lalo na pag walang ginagawa,ang gaganda pa ng kwento at kapupulutan ng mga aral.Madalas din akong pumunta sa mga pinsan ko upang makipaglaro o makipagkwentuhan.Minsan nakikinig din ako ng mga kanta na nakakapagpagaan ng aking pakiramdam.At syempre hindi mawawala ang paborito kong gawin ang panonood ng telebisyon,lalo na kapag ang palabas ay ang mga paborito kong palabas.
   Madalas kapag walang pasok,napapagalitan ako ng aking ina dahil sa pagiging tamad ko
na maglinis ng aming bahay.hindi naman talaga ako marunong ng mga gawaing bahay.
   Isa sa mga tinuturing kong malungkot na pangyayari sa buhay ko ay ang mawalan ng mga mahal sa buhay at kaibigan,dahilkinuha na sila ng Panginoon nating mahal.alam ko hindi maiiwasan ang mga ganoon bagay,tanggap ko naman sa sarili ko iyonkaso masakit paring isipin na wala na sila.Napakaraming tao na ang nawala sa akin.Alam ko naman na may dahilan kung bakit nangyari ang mga bagay na iyon.Isa pa alam ko na nasa mabuti na silang kalagayan.
   Ang pinaniniwalaan ko sa buhay ay"habang may buhay ay may pag-asa",dahil hanggat buhay ang isang tao ay makagagawa siya ng mga paraan para harapin ang anumang problema na kanyang dadanasin.Isa pa dapat lagi nating isa-isip na may isang tulad Niya ang laging handang tumulong sa atin at gagabay sa bawat oras,bawat minuto,bawat segundo ng ating buhay.Kaya huwag tayo na matakot o sumuko  sa anumang problema na ating makakaharap.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento