Powered By Blogger

Huwebes, Pebrero 2, 2012

Ang Aking Talambuhay ( Cherielyn )

    Ako si Cherielyn Barretto Fernandez,ipinanganak noong taong 1995 ika-3 ng Agosto huwebes sa bahay naming sa may highway sa San Francisco Calihan, San Pablo City, Laguna.Ang aking mga magulang ay sina Raquel Barretto Fernandez at Celito Alcantara Fernandez. Ako  ay pangatlo sa aming pat na magkakapatid. Ang panganay ay si Graciel Barretto Fernandez ,ang pangalawa ay si Eugine Barretto Fernandez  at ang pang-apat aysi Justine Ann Barretto Fernandez.
               Noong ako ay mag-0iisang taon kami ay lumipat ng bahay kung saan ang aking ina ay nag-alaga ng baboy .At noong sanggol  pa lang ako ay maligalig at iyakin .Nang minsan ako ay pinatatahan ng aking ina dinala niya ako sa aming mga baboy at biglang umungol ang mga baboy  ng brek…brek… biglang naisip na lang ng aking ina na ipalayaw sa akin ang Burek na malayo sa aking pangalan. Ang pinalayaw naman sa akin ng aking lola ay Tamunay sa pagkat mataba raw  ako noong sanggol  pa lang ako.Nang ako ay naging limang taon na ako ay pumasok  bilang kinder  sa St. Francis Day Care Center, ako ay inihahatid ng aking ama , isinasakay niya ako sa aming eskuter na kulay pula .At nang magpasko kami ay nagfamily picture. Nang makatapos ako ng kinder ,ako ay pumasok ng unang baitang sa paaralan na elementary ng Soledad.Ako ay mahilig makipaglaro sa aking mga kaklase at kadalasan kapag naulan at awasan na kami  tapos wala kaming payong kami ay naliligo sa ulan habang nag lalakad pauwe.Inilaban noon ako ng tula,ngunit hindi ako pinalad.Lagi akong nahahampas ng aming guro ng stick ng kawayan sa pagkat napaka kulet ko noon, pero  nakatanggap pa rin ako ng barpin noon sa pagkat  ako ay nakasama pa sa achiever. Ang tatay ko ay nagluto ng mga pagkain ng araw na iyon sa pagkat siya ay Masaya nung araw na iyon. Nang ako ay nasa ikalawang baitang na ako ay hindi na napasama sa mga pinarangalan,ngunit  masaya pa rin ako sa pagkat ako ay mapapapunta na sa ikatlong baitang. Nang ako ay nasa ikatlong baitang na ako ay nakilala ko sina Rachel Baria at Julie Ann Villanueva na naging matalik na kaibigan ko, ngunit nang ako ay nasa ikaapat na baitang na kalaghatian ng taon biglang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa aming dalawa ng kaibigan kong si Julie, hindi kami nagpapansinan. Minsan pa ay ako ay nagiging iyakin sa iskul.Kami ay lumipat muli ng bahay sa Soledad, San Pablo City, Laguna katabi ng bahay ng lola ko . Nasa ikalimang baitang na ako ngunit hindi pa rin ako pinapansin ng kaibigan kong si Julie, pero masayahin pa rin ako sapagkat marami pa rin namang mga bagay at tao ang nagpapasaya sa akin. Nang intrams na sa iskul namin, ako ay sumali sa larong dama kung saan ang mananalo sa lahat-lahat ay ilalaban sa ibang iskul. Pinalad naman ako sapagkat ako ang nanalo sa bawat round ng laro kaya ako ang inilaban sa ibang iskul. Pinalad muli ako sa sapagkat hindi nakadalo yung kalaban ko, kaya ako na ang inilaban sa bawat district. Naging panglima lang ako ngunit masaya naman ako sapagkat marami akong naging kakilalang kaibigan dito. Binigyan pa rin ako ng parangal na barpin sapagkat kahit papaano ay naging panlima ako.
              Ako ay mahilig maghugas ng pinggan sa aming bahay. Minsan ay nakipaglaro ako sa aking mga pinsan noong natapos ako ng paghuhugas ng pinggan.Nagtulay-tulayan ako sa upuang kawayan sa aming kubo , hindi ko alam na gato na pala iyon ,kaya ako ay biglang nabuslot at natusok ng malaking pako ang aking hita . Noong gumaling na ito ay nag-iwan ng malaking peklat. Nang summer day na kami at ang aming mag-anak ay nagkaroon ng piknik at naglangoy sa simpleng ilog , kung saan sama-sama kamigng nag-saya.Makailanglinggo ako ay nagsimula ng magkamens,nagsimula na ring madebelop ang iban parte ng aking katawan. 
               Nang ako ay nasa ikaanim na baitang na na elementarya , ako ay inilaban muli ng dama at naging pang-apat ako. Noong araw na nang pagtatapos namin ako ay pinarangalan  muli at binigyan ng barpin. Ako ay ipinaghanda ng aking ama noong araw na iyon.
                Ako ay natutuwang magpakain ,magpaligo at maglinis ngng kulunga ng baboy, sa pagkat ang mga ito ay masisiglahing hayop. Tuwing hapon naman kami ay nagrorosaryo at sa bawat pagtapos ng isang misteryo kami ay kumakanta ng mga kantang pangsimbahan.
                Ako ay pumasok ng unang antas ng sekondarya sa Lake City Christian School, sa San Francisco  Calihan, San Pablo City,Laguna.Ako ay inihahatid minsan ng aking ama dito ,sakay ng kanyang motor. Dito nakilala ko si Aira Kathreen Belda, na aking naging matalik na kaibigan, at naging malapit din sa akin ang aking mga kaklase at maging ang ibang nakilala ko lang ngunit hindi ko kaklase. Ako ay naging mas palakaibigan at masayahin sa paaralang ito. Marami rin akong naranasang pagsubok sa paaralang ito,sa pagkat ito ay pribadong paaralan. Sa paaralang ito ako unang nakaranas na lumaban ng MTAP. Noong bakasyon ako ay umakyat sa isang puno ng lansones, upang abutin ang isang buwig ng lansones at nang maihagis ko sa aking kuya ang isang buwig na lansones, ako ay dahan-dahang bumaba, ngunit hindi ko alam na iyong inaapakan kong sanga ay gato,kaya bigla na lang akong nahulog at pagkabagsak ko ako ay naliyo. Kinabukasan ay namaga ang aking paa at papilay-pilay ako kung maglakad,pero nasama pa rin ako noon sa libot. Nang ako ay malapit ng mapapunta sa ikalawang antas ng sekondarya , sinabi sa akin ng aking ina na ililipat na raw ako ng eskwelahan ,doon sa walang tuwisyong binabayaran , sa  pagkat nagigipit na daw sila. Hanggang sa ako ay mapunta na sa ikalawang antas ng sekondarya , ako ay inilipat na ng aking ina sa Colonel Lauro D. Dizon Memorial National High School.Dito muli kong naging kamag-aral si Julie Ann Villanuva at noong taon na iyon ay nagkaayos na kami,sobra akong naging masaya at nagpasalamat kay Hesus. Nakilala at naging kaibigan ko dito sina Camille Miranda, Joanna Kateri Solamin, Kim Arachel Hernandez, Pauline Kaye Calderon, Analyn Britanico, at iba pa.Dito nahasa ang aking pagiging masipag at matiyaga. Nasa ikatlong antas na ako ng sekondarya , ako ay natutong bumangon sa bawat pagkakamali ko. Mas naliwanagan pa ako ng maayos tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa atin. Sa pamamagitan ng mga mahuhusay na guro na nakilala ko ay lalong tumindi ang pagkiainteresado ko sa pagiging guro. Natutunan ko rin sa antas na ito yung pagpapahalaga sa aking mga kaibigan. At mas naging masaya ako nang dumating na yung araw na nalaman ko na yung hinahanap kong kamag-anak namin ,na napakabait sa amin ay kaklase ko na pala at kakulitan ko pa, ito ay walang iba kundi si Zarina Joyce Mojica.Masaya ako sa pagkat nakilala ko ang mga kaibigan ko lalong-lalo na ang SSB(Super Sayang Barkada). Naranasan ko din sa taong ito ang pagtulog sa iskul ng ilang gabi kasama ang aking mga kaklase at ako ay sobrang nasiyahan sa pagkat marami rin ulit akong nakilala at naging kaibigan sa pamamagitan ng ganitong gawain. Kaming mag-anak ay masaya at sama-samang nagpasko at nagbagong taon. Nang bakasyon na ako na ang naglalaba ng aming mga damit, nagluluto ,at katukatulong ng aking ina sa pag-iimis sa loob ng aming bahay. Ako na rin minsan ang tagapamalengke sa amin.
                 Ako ngayon ay nasa ikaapat na antas na ng sekondarya . Ako ay masaya sa pagkat habang tumatagal ay mas dumarami at nadaragdagan ang aking mga kaibigan. Kami ay namatayan ng isang kamag-aral.Ngayon masmahilig na akong makisama sa aking mga kaibigan.Mas dumarami rin ngayon ang aking nakikilalang mahuhusay na guro. Pinag-iigihan ko pa lalo ang aking pag-aaral sa taong ito. Noong pasko ang aming pamilya ay sama-samang sumimba at nagpakuha ng litrato. Makailang araw ako ay biglang nataga mabuti na lang at hindi ito masyadong malaki. Ngayon ako ay labing-anim na taong gulang na.
               Ang mga hilig kong mga laro ay ang mga bagay na nakapagpapagaan ng aking pakiramdam.Mahilig akong makipaglaro ng habulan sa aking mga pinsan . Paborito ko pa rin naman ang maaasim na mga prutas tulad ng mangga.Tulad ng dati ako ay mahilig pa ring umakyat ng mga opuno tulad ng puno ng bayabas. Minsan pa ako ay nagpapahinga sa may puno at nag papahangi ng ilang oras. Masayahin at palabiro akong tao, maging ang tatay ko ay binibiro ko tuwing hapon para naman mabawasbawasan ang kanyang pagod. 
                 Simple lang ang aking pangarap sa aking buhay, ito ay ang makapagtapos ako ng pag-aaral at nang sa ganoon ay magkaroon ako ng maayos na hanapbuhay, para sa magandang kinabukasan ko at nang makatulong ako sa aking magulang at mga kapatid. Ang nais ko ay maging isang mahusay na guro,upang maturuan ko ng maayos ang aking mga magiging estudyante ko. Ang susunod ko namang tungkulin ay ang tulungan ang aking magulang na mabayaran ang aming mga utang.Gusto kong magpasalamat sa Poong Maykapal sa lahat-lahat ng bagay niyang ipinagkaloob sa amin. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento