Powered By Blogger
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na talambuhay. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na talambuhay. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Pebrero 2, 2012

Talambuhay Ni Khatreen Capuno

 Ako si Khatreen Jaurigue Capuno, labing-limang taong gulang at bunso ako sa aming magkapatid. Ipinanganak ako noong Marso 01, 1996. Simula sa pagkabata ay mahilig na akong kumanta, magsulat at mag-aral. Nakapagtapos ako ng elementarya sa San Pablo Central School sa tulong ng aking mga magulang na si Ella Marie Capuno at Enrico Capuno. Sa ngayon ay nag-aaral ako ng sekondarya sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School, at ako ay nasa ika-apat na taon na sa hayskul. Kabilang ako sa pangalawang pinakamataas na seksyon sa aming paaralan. Mataas ang pangarap ko sa buhay, nais ko na makapagtapos ng pag-aaral,magkaroon ng magandang propesyon at makatulong sa magulang ko, kaya naman nag-aaral akong mabuti kahit na minsan ay nakakatamad at kung minsan ay nakakapagod ang mag-aral.

Noong bata pa ako, hindi lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. May mga bagay na kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga nakakamit, pero kahit na ganoon ay masaya na ako dahil lagi ko paring nakakasama ang aking pamilya na siyang sumusoporta sa akin sa aking mga desisyon at mga gawain. Lahat ng gustohin namin ng aking kapatid ay pinag-sisikapan ng aming mga magulang lalo na ni Papa na maibigay sa amin kahit na nahihirapan na siya sa paghahanap-buhay. Ang aming Mama naman, hindi niya kami pinababayaan, lagi niya kaming inaalagaan, binabantayan, at inaalalayan. Sa aming dalawa ng aking kapatid, ako lamang ang laging dumidepende sa aming mga magulang dahil takot akong mag-isa sapagkat pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin ang makihalubilo at makipag-kaibigan sa ibang tao. Kaya naman ng magsimula na akong mag-aral ay nahirapan ako ng sobra. Natatakot akong maiwan ng aking mama sa school, tulad na lamang noong ako ay nag-kinder sa lugar malapit sa amin , hindi ako pumapayag na iwanan ako ng aking mama kaya naman lagi niya akong napapagalitan noon. Pero noong katapusan na ng taon, masayang-masaya ako pati na ang mama at papa ko dahil isa ako sa nagkaroon ng medalya. Noong araw na iyon, naisip ko na na sa susunod na taon ay magpapaka-bait na ako. Pagkatapos ng bakasyon noong taong iyon, pinapasok ulit ako ni mama sa San Pablo Central School at muli ay nag-kinder ulit ako. Nagsimula nanaman ang aking pagkatakot. Nagsimula nanaman ang galit sa akin ni mama, dumating na din ang oras na dahil sa galit niya ay umalis siya at di nagpakita sa akin. Tiniis niya ako ng araw na iyon, iniwanan niya ako sa school kahit na humahabol ako sa kaniya at nag-iyak ako. Natapos nanaman ang taon, masaya nanaman ako dahil mag-grade 1 na ako sa nasabing paaralan.

Simula na ng pasukan, Grade 1 na ako. Napakasaya ko noong unang araw dahil kakilala ko ang titser ko, pero ng mga sumunod na araw, simula nanaman ako. Araw-araw akong humahabol sa mama ko hanggang sa pati ang aking guro ay nagalit na din sa akin at naubusan na ng pasensya. Lahat ay galit na galit na sa akin pati si papa. Natuto lamang ako maging mabait ng maging Grade 2 na ako. Sumusunod na ako sa mga sinasabi sa akin ni mama at papa, pati na ng aking guro. Nakakuha ako ng matataas na marka, nagsimula na rin akong lumahok sa mga patimpalak sa paaralan at natuto na akong makisama at makipag-kaibigan sa naging mga kamag-aaral ko. Nakapagtapos ako ng elementarya noong taong 2008 sa San Pablo Cental School. 

Simula ng pasukan ng taong 2008. Pumasok ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School sa kagustuhan ng aking mga magulang. Noong una, ayaw ko pang dito mag-aral dahil mas gusto kong makasama ang ate ko sa iisang school, at isa pa ay mas gusto ko sa Private School. Napilit ako ng mama ko na sa Dizon High School pumasok dahil nangako siya na pag nakapag-tapos na ang kapatid ko ay ililipat na din ako ng school. Pumayag ako dahil ng taon ding iyon ay magtatapos na ang aking kapatid. Unang araw ng pasukan, sinamahan ako ng aking mama sa school. Hindi ako masyadong kinabahan noon dahil kakilala ko ang aking naging guro. Madami na agad akong naging kakilala. Nang mga sumunod na araw, naging malapit na ako sa aking mga kaklase, nabuo na rin ang grupo namin at tinawag pa namin itong grupong VIP. Naging maganda ang resulta ng aking paghihirap. Matataas ang nakuha kong marka, ngunit nagkaroon ang aming pamilya ng isang problema na naka-apekto ng malaki sa aking pag-aaral. Nabuntis ang aking kapatid, labing-anim na taon pa lamang siya noon. Halos gumuho ang mundo ng aking papa ng malaman niya ito. Kitang-kita ko kung paanong nasaktan ang papa namin at dahil sa sama ng loob at galit niya, pati ako ay gusto naniyang paalisin sa aming bahay. Ako ang gumawa ng paraan para maali ang galit ni papa kay ate upang ng sa darating na bagong taon noon ay magka-kasama kami at buo ang aming pamilya. Natupad ang gusto ko, nakauwi si ate pero may isang pangyayari pa rin na nakakalungkot, ito ay ng mapababa sa tungkulin sa Iglesia ang mga magulang ko at ikinatiwalag ni ate ang mga nangyari sa ate ko. Bago matapos ang ang taong 2009, napili akong Ibong Adarna at nakipag-laban ako sa iba pang 1st year. Nagkamit ako at ang aming seksyon ng ika-tatlong pwesto.

Simula ng taong 2009, 2nd year na ako at kabilang pa rin ako sa Seksyon A. Mas lumalim ang samahan namin ng mga kaklase ko. Naging mas marami na din ang aking naging kaibigan, hindi lang sa seksyon namin kundi maging sa iba pang seksyon. Madaming pinag-daanan ang aming seksyon katulad na lamang ng muntik na kaming ipa-guidance dahil sa sobrang kaingayan namin. Naranasan na rin naming mag-klase sa Grand Stand dahil isa ito sa naging parusa sa aming seksyon. Usapan din lagi sa faculty ang aming seksyon dahil sa mga kalokohan at kaingayan namin. Sa taong ito din kami lumaan ng Noli Me Tangere kung saan kami ang nagkamit ng unang pwesto na labis na ikinatuwa ng aming guro sa Filipino at ng aming gurong taga-payo. Sa pagtatapos ng taong ito, masaya kami dahil nakatapos nanaman kami ng isang taon at 3rd year na kami sa darating na pasukan, pero nakakalungot dahil isa sa kaibigan ko ay nangailangan ng lumipat ng paaralan. 

Nagsimula na ang taong 2010. 3rd year na kami! Napakasaya ko dahil hindi pa rin ako napapalipat sa ibang seksyon at isa pa ay malapit na akong maging 4th year at makapag-tapos ng pag-aaral sa hayskul. Mas mataas ang nakuha kong marka sa taong ito kumpara sa mga nakaraang taon. Malungkot lang isipin na hindi ko na kaklase ang aking pinakamatalik na kaibigan na si Bernaliza Punto Carbonell. Wala kaming sinalihan na kompetisyon pero kami naman ang nagin tagapag-turo ng mga kakilala naming 1st year ng lumaban sila ng Ibong Adarna. hindi man kami ang lumaban, masaya kami dahil sa kinalabasan ng aming pag-hihirap lalo ng manalo ang 1A na tinuruan namin. Kahit na tapos na ang kompetisyon, naging mas malalim pa ang pagka-kaibigan namin hanggang sa pagtatapos ng School Year 2011-2012.

Simula na ng School Year 2011-2012. 4th year na kami. Masaya na malungkot ang nararamdaman ko. Masaya dahil malapit na kaming matapos ng hayskul, pero malungkot dahil magkakahiwa-hiwalay na kami na kami. Sa huling taon na ito, mas napalapit kami ng aking mga kaklase sa isat-isa. Masaya isipin na sa pagtatapos namin, buo ang IV-Archimedes at masayang magtatapos ng pag-aaral. Pero dahil sa isang trahedya, hindi na pala pwede mangyari iyon. Nawala ang isa sa pinaka-masayahin naming kaklase na si Michkee B. Dimayuga. Hindi kami ganoon kalapit ni Michkee sa isat-isa pero may pinag-samahan din kami. Ngayon, bukod sa pamilya ko ay isa na rin si Michkee sa inspirasyon ko para makapag-tapos ng pag-aaral dahil iniisip na napaka swerte ko dahil pwede ko pa matapos ang aking pag-aaral at matutupad ko pa ang aking pag-aaral. Nais ko sana na kung matutupad ko man ang aking pag-aaral at magkakaroon ako ng magandang propesyon ay hindi ko pa rin makalimutan at hindi pa rin ako makalimutan ng aking mga kaibigan lalo na ni Julie Ann Villanueva, Abigail Corod, Rikki Mae Andrada, Lea ertiz at Angel Nicolyn Alcantara. Sana matupad ko lahat ng aking pangarap.

Kim Arachel M.Hernandez

                      Ang Aking Talambuhay                                                         
   Ako po si Kim Arachel M.Hernandez.Ako po ay nakatira sa Dona Maria Village ph.2 San Pablo City Laguna.Ang aking kaarawan ay ika-14 ng Enero taong 1996.Ako po ay 15 taong gulang.Ang pangalan ng  aking ina ay Jocelyn m. Hernandez.Sya po ay 36 taong gulang na.Ang kanyang kaarawan ay May 26,1975.Sya ay isang housewife.Ang aking ama ay si Wilmar R.hernandez.Sya ay 35 taong gulang na.Ang  kanyang kaarawan ay March 14,1976.Sya ay isang tricycle driver.Kami ay limang magkakapatid.Ako po ang panganay,sumunod sa akin ay si Karl amiel M. Hernandez.Sya ay first year high school na.Sumunod ay ang aking kapatid na grade 4 na si Kielmar M. Hernandez.sunod ay si Kyla Marie Alyne m. Hernandez na grade 3 na.At ang huli ay si Kyle Andrew M. Hernandez.Ang aking pinakamamahal na lola ay si Rosita R.Hernandez.Sya palagi ang tumutulong kapag may problema kami.
Ako po ay Masaya at maligaya dahil nagkaroon ako ng maganda at kompletong pamilya.Tungkol naman sa aking sarili ang aking ikukuwento.Ako po si Kim Arachel M.Hernandez,mas kilala sa pangalang kim pag ako ay nasa skul at ara kapag naman ako ay nasa bahay.Noong bata daw po ako ay madalas daw po akong umiyak ng matagal.Hindi ko alam kung bakit basta kapag kinukuwento lang sa akin ay tumatawa na lang ako.Nang sumapit ang taon ay kinder na ako,masigla ako sa skul minsan po ay may pahid.Lagi po akong tahimik sa klase.Pero  makulit po ako.Sumapit ang graduation,masayang Masaya ako dahil ako ay 3rd honor sa klase pero nakasimangot ako sa picture dahil masakit ang paa ko.Pero ayus lang dahil 3rd naman.ang graduation ay ginanap sa kapitolyo.Ang daming tao doon,siksikan,ang iba ay lumabas muna para magpahangin dahil ang banas sa loob.Kasama ko nga pala ang aking nanay.Masaya ako nung araw na iyon.At minsan ng ako ay nasa bahay ay nahulog ako sa puno ng dalanghita at bumagsak sa lamesang bakal.Hindi ako makatayo,ayun pala ay may tama ako sa baywang.Nanghina ako dahil marami ng nawalang dugo sa akin.Madali akong dinala sa ospital ng aking magulang at ng aking tiyo.Tinurukan muna ako ng anestisya at pagkatapos ay ginamot ako ng doctor.Isa ang pangyayaring ito sa hindi ko makakalimutang pangyayari sa aking buhay.Nagsilbi itong aral sa akin na huwag masyadong makulit at huwag aakyat ng puno.Sabi  nga sa akin ng aking mga tita na huwag kasing makulit ng hindi nasasaktan.
Ako ay ieenrol na ng aking nanay bilang grade 1 sa bagong bayan elementary school.Kinakabahan ako dahil wala pa akong masyadong kakilala.Kilala ko lang dun ay ang aking pinsan na si Patrick at Matthew.Hindi nagtagal  ay nagging komportable na ako sa aking mga kaklase at nakkipag usap at nakikipaglaro na ako.Ang aming guro noon ay si Mam. Lalaine Adao.Masaya syang nagtuturo sa amin at Masaya din kami dahil sya ang nagtuturo sa amin.Sumapit ang taon ay grade 2 na ako.Bagong pakikisalamuha na naman dahil maraming bagong kaklase.Patuloy akong nagging masipag sa pag aaral.Nagkaroon ako ng sabit pero nakasimangot na naman ako dahil masikip ang sapatos ko.Ang aming guro noon ay s imam.Mercado.Sya ay isang mahusay na guro.Grade 3 na ako,lagi kaming nag iispelling.Ang aming guro ay nangibang bansa na.Pero Masaya ako dahil nging guro ko sya.Sya nga pala,mayroon po akong kapansanan sa pagsasalita pero naiintindihan naman po.Hindi ito hadlang para ako ay sumuko sa aking pag aaral.Imbis ay nagsipag pa ako sa aking pag aaral.Pinagpatuloy ko ang aking pag aaral,grade 4 na ako,nagkaroon nga pala ako ng crush sa aking katabi.Ang kanyang pangalan ay Christian Biglete.Ang saya nyang kausap.Sumapit na naman ang taon ay grade 5 na ako.Ang aming guro non ay si mam.Maida.Minsay nahihiya ako sa kanya.Tapus na ang taon ay grade 6 na ako.Gagraduate na ako.Excited na akong makagraduate noon ng elementary.Eto na ang graduation.Binigyan na kami ng diploma.Ang saya tlaga ng araw na yon.Kaso hindi man lang ako nakapagpaalam sa aking best friend pero nagshare kami sa isat isa ng magagandang alaala.Ang kanyang pangalan ay Poli Sia.Yan,nakapagtapos na ako ng elementary pero may susunod pang chapter sa aking buhay,ang HIGH SCHOOL LIFE.Ang sabi nlia ito daw ang pinakamasaya at pinaka hinding makakalimutang kabanata sa ating buhay.Totoo nga ang sinabi nila.Ito ang pinaka enjoy.Nag-enroll po ako sa dizon high.
Noong una ko sa high school,first year(freshmen)hindi ako masyadong nakikipag usap dahil halos lahat ay hindi ko pa kakilala.Ang kasabay ko lang ay ang aking kaklase noong elementary at ang aking pinsan na si Patrick.Minsan ako ay nag-iisa,may  lumapit sa aking isang lalaki,ang pangalan nya ay Kevin.Simula noon ay lagi na kaming magkasama at magkausap.Nadagdagan pa kami,nakilala ko rin noon si Joanna pati na rin sina Camille,Aiza  at Jhuncel.Ang crush ko nga lala noon ay si Ellord Magapi.Tahimik sya katulad ko pero hindi ako nakikipag-usap sa kanya.Medyo torpe po kasi ako.Naging top 1 po ako sa klase.Tumaas po ako,ako po ay naging 2nd year section-A mula sa B.Kasama ko po sina Pauline,Camille,Joanna,Joy,Jerson at Jonnel.Nakilala ko po noon si Zarina.Naging matalik ko po syang kaibigan.Lagi po kaming magkakasama nina  cherielyn at Camille.Naging maayos naman po ang aming pagkakaibigan kaso lang po ay nagalit sa akin si Zarina,hindi kop o alam kung bakit. Nagka-ayos na po kami noon ng pumunta kami sa bahay nila dahil gagawa po kami ng aming project.Masaya din po ako at nagka-ayos na kami.Ang aming advicer po noon ay s imam.Liay.Nagdaan ang isang taon ay 3rd year na kami.Ang aming advicer noon ay si mam. Reyes.Hindi nap o kami masyadong nag-uusap ni Zarina dahil naging kaklase po naming si Kevin noon.Inaamin ko may kasalanan ako kay Zarina pero hindi ko na sasabihin.Dito nabuo ang samahan namin.Lagi kaming magkakasama.Pero hindi ko pa rin nakakalimutan si Zarina,nag-uusap naman kami.Masaya din ang taong 2010 dahil nagkaka-isa kaming magkakaklase.Ito na ang pinaka-hihintay ko,ang 4th year.Napakabait at maalahanin ang aming advicer na si Mam.Rosy Audije.Minsan ay hindi kami nagkaka-isa sa paggawa ng isang bagay kaya nasesermonan kami ni mam.Napakaswerte po namin at si mam. Audije po ang aming naging advicer.Ngunit may masamang nangyari sa aming kaklase na si michkee.Nasunog po ang kanilang bahay pati na rin po sya at ang kanyang tatay.Hindi po kami makapaniwala sa nangyari.Dinala si Michkee at ang kanyang tatay sa maynlia para doon po gamutin.Nagdarasal po kami na sana humaba pa po ang buhay ni michkee ngunit hindi nagtagal ay binawian na sya ng buhay.Nag-alay pa po kami sa kanya ng isang concert para sa kanyang pag-galing ngunit talaga po palang maiksi ang buhay ng tao.Pumunta po kaming lahat sa libing ni Michkee.Ang dami ng pumunta.Masaya na din po kami dahil alam namin na sya ay nasa langit na kasama si Lord.Pinagpatuloy pa rin namin ang aming pag-aaral.Sumapit ang disyembre,nagkaron kami ng Christmas party,maikli pero masaya.Pasko na at bagong taon na kaya bagung buhay.Naging Masaya din po ang aming pasko at bagung taon.At nakilala ko nga pala si Jayson,ang aking crush.Hindi sya nagbagung taon dito pero ayus lng.Patuloy pa rin tayo kahit nararanasan natin ang ating mga pagsubok sa buhay.Go-go lang tayo.Hanggat may pag-asa kayang kaya ang lahat ng bagay.

                                                                                                                                               HERNANDEZ,KIM ARACHEL M.
                                                                                                                                        4-ARCHIMEDES

Ang Talambuhay ni marvin binasoy

                Ako si Marvin Chozas Binasoy, ipinanganak noong ika-anim ng Nobyembre taong 1994. Pang apat ako sa anim na magkakapatid. Anak ng mag-asawang Doris at Martin Binasoy. Mula ako sa isang simpleng pamilya na dumaan din sa maraming mga pagsubok sa buhay. Bawat tao dito sa mundo ay may mga napagdaanang masasaya at malulungkot na karanasan sa buhay, simple lang ngunit hindi malilimutan kailanman. Kahit na ang mga simpleng mga sugat sa atin katawan ay may mga natatagong istorya na konektado sa ating buhay at talaga namang hindi natin malilimutan. Tulad ng iba, mayroon din akong mga karanasan na talaga namang nagpabago sa aking buhay sa kasalukuyan. Hayaan ninyong muli kong isabuhay ang mga ito sa pamamagitan ng talambuhay ko.
                Noon ay madalas magkwento ang aking lola at minsan ay ang nanay ko. Naikwento nila na noon pa man ay ang tiyahin ko na ang nag-aalaga sa akin, siya ang nagpapaligo at nagpapakain sa akin kasama ang kanyang pamilya. Kaya naman, habang ikinekwento ito sa akin, doon ko naramdaman na bukod sa aking mga magulang, may tiyahin pala ako na talagang mahal ako. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nalaman ko na lang na namatay na ang tiyahin ko noong ika-sampo ng Enero taong 2001 sa sakit na Kanser sa bituka. Lubos akong nalungkot noon, hindi man lang niya naabutan ang patuloy kong paglaki na siya ang dahilan.
                Noong mga panahong iyon, nakatira kami sa isang malawak at malaking bahay ng lola ko kasama ang buong pamilya niya. Ngunit nagdaan ang mga panahon, ang ilan sa mga anak ng lola ko ay may kanya-kanya nang pamilya, kaya naman hinati na lamang ang malaking bahay. Masaya naman ako dahil kahit papaano ay samasama kaming mag-anak sa iisang lugar. Sa malawak na bakuran ng kapitbahay, doon kami sama-samang naglalaro ng aking mga pinsan. Madalas kaming maglaro ng mga kilalang larong pinoy tulad ng taguan, patintero, langit-lupa, hulihan, paltok bola at ang pinakamasaya ay ang sipa bola na sa tuwing mapapalakas ang sipa ng bola, ito ay napupunta sa bubong ng malaking bahay at hindi na muli makukuha. Nakakatuwa ring isipin na tuwing maglalaro kami ng teks, pogs at sipa ay sa gitna ng kalsada kami naglalaro na halos makatawag pansin ang bawat saway at paalala ng aming mga magulang.
                Tanda ko pa noon, na napatira din kami sa probinsya sa Tuguegarao, Cagayan Valley. Kung saan inabutan ko pang buhay ang mga magulang ng aking ama. Ibang-iba talaga ang buhay sa probinsya kaysa sa lungsod. Sa probinsya ako nakaranas ng kaginhawaan, kasiyahan at kasipagan sapagkat doon ay maaga akong nagising, sumasama ako sa bukid na hindi naman ganoon kalayuan sa bahay namin. Ang bukid ay saganang sagana sa mga tanim tulad ng palay, mais at pinya. Pagkatapos magtrabaho sa bukid at makipag-asaran sa kalabaw, pumunta kami sa Cagayan River na talaga namang sikat rin sa Pilipinas. Sa sobrang lawak ng ilog para na rin akong nagpunta sa dagat. Wala akong makitang mga bundok, kitang kita sa malayo ang guhit na nagtatagpo sa langit at ng malawak na ilog na parang nagpapakita ng kaginhawaan. Magdadapit-hapon na kami umuuwi noon pabalik ng bahay sakay sa kalabaw. Naririnig ko ang mga ingay na likha ng mga palaka at kuliglig sa paligid. Matapos ang mahabang kapaguran, naghanda na si lola ng hapunan. Doon ako natutong kumain ng malunggay at ng mangga dahil sa sapilitan akong pinapakain ng ama ko at ng aking lola. Natatandaan ko pa rin noon na tuwing umuulan ng malakas sa gabi, naririnig ko ang mga ingay ng palaka na nanggagaling malapit sa aming bahay, pumapasok ang mga ito sa bahay namin at agad naming hinuhuli ng aking mga kapatid at pinsan. Sa pagsapit naman ng umaga, doon ako nakatikim ng gatas ng kambing na talaga namang napakasarap dahil sa kakaibang lasa nito. Sa Cagayan din ako unang beses na nakakita kung paano gawin ang isang masarap na pandesal sa tulong ng aking tiyuhin. Doon din ako unang beses nakakita ng balon na sa anyo ay makikita mo na ang katandaan ngunit napapakinabangan pa rin at higit sa lahat, doon din ako nakakita at nakasakay ng kalesa. Sobrang saya ko talaga nong mga araw na nasa probinsya kami ng pamilya ko, kaya naman, noong babalik na kami sa lungsod ay talagang nadama ko ang kalungkutan sapagkat marami akong di malilimutang mga alaala sa lugar na iyon.
                Mga nasa anim na taong gulang na ako ng makatuntong ng Day Care. Natatandaan ko pa noon na sa tuwing pagkatapos ng tanghalian, pumupunta ako, kasama ang aking mga kamag-aaral sa likod ng Day Care Center upang maglaro sa burol, kumukuha kami ng gulong na nakatambak sa likod at agad namin itong sinasakyan pababa ng burol kaya bago mag-awasan, puro lupa ang aming mga katawan. Pagkatapos kong makapag-aral ng Day Care, agad na akong pinapasok ng elementarya sa Placido Escudero Memorial School kung saan, dito ko nahubog ang aking talino at higit sa lahat ay ang aking talento tulad ng pag-guhit. Unang baitang, nasa huling seksyon ako pero pagsapit ng ikalawang baitang naging section one na rin ako. Nagsimula akong lumaban ng pag-guhit  noong nasa ika-apat na baitang ako. Lalo pa sa pagsapit ng Buwan ng Nutrisyon, hindi naman sa pagmamayabang pero ako na agad ang inaasahang lalaban sa ibang distrito. Isa naman sa pinakamasaya kong pag-aaral sa elementarya ay ang pagtuntong ko ng ika-limang baitang sapagkat ang aking guro ang ina ng aking hinahangaang babae. Ginaganahan ako mag-aral at makinig lalo na at katabi ko pa ang aking crush. At ang pinakamasayang baitang na napagdaanan ko ay ang ika-anim na baitang. Marami na rin akong sinalihang mga patimpalak sa pag-guhit, sumali na rin ako ng essay writing contest, speech revo, sayaw at marami pang iba. Naging myembro din ako ng mga manunulat sa dyaryo bilang isang editorial cartoonist. Naalala ko na, nakatanggap ako ng unang gantimpala sa pag-guhit ng editoryal at nakapasok sa regional kung saan ginanap sa Calamba City. Sa pagtatapos ko sa pag-aaral sa elementarya, marami na ako natanggap na mga gantimpala na talagang ikinatuwa ng aking mga magulang. Ilan sa mga ito ay ang mag natanggap kong mga medalya sa larangan ng pag-guhit, kaya naman naging Best Artist of the Year ang tulad ko.
                Matapos ang aking pag-aaral sa elementarya na dala-dala ang saya at mga ngiting dulot ng aking mga kaibigan. Oras na para sa isang panibagong yugto, isang panibagong buhay na haharapin, ang buhay “High School”. Nag-aral ako ng sekundarya sa paaralan ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Noong una ay kinakabahan pa ako,pero pinilit kong makakilala ng mga panibagong kaibigan,  mga taong lagi ko ng makakasama. Napabilang ako sa seksyon A, pangalawa sa sinasabing pinakamagaling, pero hindi naman yun ang gusto kong katangian sa seksyon namin. Para sa akin ito ang simple at pinakamasayang seksyon sa lahat. Sa pangalawang antas, nanatili pa rin ako sa kinabilangang seksyon. Maraming nawala sa amin ngunit may mga pumalit na agad namang napakisamahan. Sa antas na ito nagsimula ang mga pagsubok namin. Dito nagsimulang maging sikat ang amin seksyon sa faculty sapagkat lagi kaming napapagalitan ng aming mga guro. Minsan na rin kaming naparusahan, ngunit kahit ganoon pa man, nanatili kaming matatag at naipakita namin ang tunay na sayang bumabalot sa bawat isa sa amin. Sa ika’tlong antas ng pag-aaral ko sa sekundarya, may ilan lamang ang nawala ngunit mas madami ang napabilang. Unti-unti na ring nagkaroon ng mabibigat na pagsubok ang aming seksyon pero di namin yun alintana dahil nananatili kaming sama-samang gumagawa ng mga paraan para maging masaya sa kabila ng mga pagsubok na aming hinarap. Mas marami na rin akong sinalihang mga paligsahan. Tulad noong nasa elemetarya ako, napabilang ulit ako sa mga manunulat ng aming dyaryo bilang isang editorial cartoonist at muli ay nakapagwagi ng ika-limang pwesto sa Division level at napasama sa Regional. Sa ika’tlong antas na ito ay natuto akong makipagbarkada, gumala at makipaglokohan pero kahit ganoon, hindi ko naman pinabayaan ang aking pag-aaral para sa magandang kinabukasan.
            At ngayon ay kasalukuyan na akong nasa huling antas sa sekundarya kung saan ito ang aking pinakakasabikang may bagong pagdadaanan. Mas marami kaming mga problemang pinagdadaanan hanggang sa ngayon. Pero di namin pinabayaan ang isa’t-isa, di rin kami pinabayaan ng aming mahal na Inay na si Gng. Audije na laging naka-agapay sa amin, nagpapaalaa, umuunawa at higit sa lahat nagmamahal sa amin. Kahit na lagi kaming kinagagalitan ng aming mga guro, di na namin yun pinapansin, ang mahalaga sa amin ay kung paano kami matututo sa bawat leksyon sa aming buhay. Dito na rin nasubok ang aming katatagan simula ng mangyari ang di inaasahang trahedyang nangyari sa aming kamag-aaral na si Michkee Dimayuga na ikinasawi ng kanyang buhay. Kaya naman siya ang naging inspirasyon naming lahat kung paano namin pahahalagahan ang aming mga buhay. At ngayon ay patuloy pa rin akong lumalaban at haharapin ng buong puso ang bawat pagsubok na darating sa aking buhay. Kasalukuyan ko ng inihahanda ang aking sarili sa kursong gusto kong kuhanin. Nais kong makatapos ng pag-aaral, magkaroon ng magandang kinabukasan ang aking pamilya at makamit ang mga bagay na nais kong makamtam.
            Kaya naman, naniniwala ako na “Hanggang may Buhay, May PAG-ASA”. Ito ang istorya ng Buhay ko. Simple lang ngunit puno ng kasiyahan at tunay na makabuluhan.
                                                                                               *WAKAS*