Powered By Blogger

Huwebes, Pebrero 2, 2012

JASPER -TALAMBUHAY- SOTALBO

Ako si Jasper Mariano Sotalbo, ako ay labing anim na gulang na ipinanganak noong ika-9 ng agosto 1995
at ipinanganak sa lunsod ng san Pablo. Ang aking mga magulang ay sina Erlinda M. Sotalbo at Adolfo
M. Sotalbo.Jonatan M. Sotalbo naman ang ngalan ng isa kong kapatid. Kami ay kasalukuyang nakatira sa
lunsod ng San Pablo. Ang aking kapatid ay kasalukuyang nsa ikatlo na ng kolehiyo at nag aaral sa Laguna
State Polytecnic University. Ang aking ama ay isa naman empleyado ng isang pribadong kompanya sa
costom at aking ina naman ay walang trabaho ngunit mayroong ppinagkakaitaan, siya ay nagtitinda ng
mga pangregalo (gift shop).

Noong bata pa ako ayon sa pagkakatanda ko ako at ang aking kapatid ay laging iniiwan ng aking nanay
sa bahay ng lolo at lola ko. Ang pangalan ng aking lolo at lola ay sina Rogelio at Miling Sotalbo na silang
nagalaga sa akin tuwing hinahabilin ako ng aking ina. Ang aking ina aynagtitinda habang binabantayan
ang king kapatid na pumapasok sa paaralan. Tuwing ako noon ay napasok pagkaawas ko ng tanghali ay
inihahabilin ako para matulog, ngunit ang aking ginagawa ay tumatakas ako upang makipaglaro sa aking
mga kalaro at sa mga pinsan ko. Noong ako naman ay nsa elementarya na lagi akong hinahatid ng aking
nanay sa umaga, papakainin sa tanghali at susunduin naman pagdating ng hapon. Ang labi ng aking
elementarya ay masaya dahil sa ang gustong babae noon ay lagi kong nakikita, at ang aking grade5 ang
pinakamasaya. Ang aming pagsasamanahan noon ay masaya kahit na minsan hindi nagkakaunawaan
ay naging masya parin dahil halos lalaki kaming lahat. Doon namin naranasan ang halos kalhating
taoong walang guro na nagtuturo sa amin, kaya naman palabas-labas kami ng classroom namen. Noong
ako ay nsa ikaanim na baytang na ng elementarya naging malungkot ang unang buwan nito dahil
nagkahihiwalay ang magkakabarkada. Ngunit sa pagtagal ng panahon ng karoon muli ng isang samahang
matibay kahit na mayroong mapangabuso sa ami magkakaklase. Naging masaya ang graduation ko,
dahil nasa isip ko panibagong kabanta ito ng buhay ko, ngunit mayroon ding lungkot akong nadama
dahi naisip ko maghihiwalay na ulit ang barkada namin mamimiss namin ang bawat isa. Pagkatapos ng
graduation namin ay nagswimming kame ksam lahat ng kaklase ko pati na ang ilang guro na nagturo sa
amin. Naging napakasaya ng araw na iyon dahil kumpleto ang lahat. Masaya rin ako dahil sa napupusuan
kong babae ay nandoon. Naging kassintahan ko siya ngunit sa mabilis na panahon lamang dahil sa
malayo kami sa isat isa at alam ko sa sarili ko na mayroon na din akong ibang guto kaya pumayag ako sa
gusto niyang mangyari. Sa una, naging napakahiirap nito para sa akin dahil matagal ko na siyang gusto
nawala agad siya sa akin, ngunit naisip ko napakarami pa diyan iba hindi lang siya ang babaeng gusto ko
kaya naman pinalipas ko na lang iyon.

Noong ako ay naghigh school na sa unang araw ay naging mabigat ito sa akin dahil wala akong kalilala at
mahiyain pa ako noon. Ngunit habang tumatagal ang panahon nagiging kaclose ko na ang aking mga
kamagaaral. Habang tumatagal nanaman ay gumaganda nanaman an gaming samahan lahat.
Napakasaya nung sumali kmi sa ibong adarna. Lagi kaming walang klase dahil nagpapraktis kmi noon at
minnsan ay ginagabi pa kmi ng uwi dahil doon. Ngunit kahit na nging Masaya ay may hirap din dahil sa
lagi kaming napapagalitan nung nagtuturo sa amin dahil daw ang gulo lagi naming habang nagpapraktis
kmi. Pero nagbunga naman an gaming paghihirap nakaabot prink me sa ikatlong pwesto. Ang paligsahan
na iyon ay ginanap halos paatapos na ang taon. Nakakalungkot nanaman dahil sa magkakahiwalay ulit
kmi sa susunod na taon. Ito na pumasok na nag ikalwang antas n kami ng highskul. Naging Masaya ito

dahil sa nakilala ko ang bago kong kamag aaral na bagong lipat galling sa Canossa at Palawan ang
pangalan nila ay Beatriz medina at Abegail Abbas. Sila yung mga nagustuhan ko nung ako ay 2nd year.
Nagkaroon kami ng Science Camp at kasali si Ada. Napakasaya ko noon dahil sa katabi ko siya sa
pagtulog at siya ay gusting gusto ko na noon. Ngunit lumipas ang panahon ay napansin ko naman ang
ganda ni Bea at sa kanya naman ako nagkagusto.Lumipas ang isang taon at nagging 3rd year highschool n
kmi. Sa unang buwan nito ay napakasaya din dahil sa mayroon ulit kaming bagong kamag aaral at
nagging kaclose naming iyon dahil katabi naming ni pareng Renz. Lalo pa itong nagging Masaya dahil
nakasali ang madami kong kamag aaral sa mardigra at kabilang na ako doon. Super saya noong Audition
naming kasi halos lahat nga napili, madami akong nagging kaibigan dahil sa mardigra. Masaya lagi ang
praktis naming dahil sa guro naming sa sayaw ay makwela , lagi siyang nagpapatawa kea nakakawala ng
pagod. Dahil sa aming pagtutulungan lahat nakamit naming ang unang pwesto, pero nakakapang
hinayang parin dahil hindi kami ang nakaakuha ng champion. Naging Masaya na din kami sa resulta
noon, kahit hindi kami nakuha ng champion ay panalo naman kami sa kaibigan dahil ang dami kung
naging kaibigan dahil doon. Sa pagpasok ng 4th year ang saya agad kahit na lagi kaming napagalitan dahil
sa kaingayan naming. Unity ang lagging salitang binibitawan ng aking kamag aaral kapag kami ay
nagtetest. Nastyfied Crew ang pangalan ng aming grupo na minahal ko dahil sa kahit may kanya kanyang
problema basta magkakasama mawawala dahil sa saya na nanggagaling sa bawat isa. NUng unang Sali
ko ay napasalang agad ako ng sayaw sa school. Ang saya dahil matagal na ulit akong hindi nakakasayaw
ng ganun. Habang tumatagal sumasayaw na kami kahit saan. Lalo pa itong naging super saya noong
sumali kami sa showtime. Noong una names audition pinabalik kami, hindi dahil sa panget ang sayaw
kundi dahil sa costume naming at may part na humina daw kami. Pagbalik naming inayos kaagad naming
iyon at pinaraktis ulit. Pagbalik naming doon ay nakapasok kami ngunit hindi na Campus Clash sabi nila
Season 5 na dawn g showtime. Naging Masaya na din kami dahil matutupad ang pangarap ng bawat isa.
Sna Lang ay tawagan kami ng Showtime bago magtest. At hanggang doon lamang muna ang aking
talambuhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento