Powered By Blogger

Linggo, Pebrero 12, 2012

Ang aking talambuhay

Ang talambuhay sa isang tao sa pagpapalabas ng sariling emosyon dahil habang sinusulat ang isang talambuhay ay nababalikan ang mga pangyayari sa nakaraan kasama ang mga emosyong naramdaman sa pangyayaring ito. Ako po si Charles jordan J. Policarpio.Nakatira sa Brgy.Sta Elena San Pablo City.  15 taong gulang na.pangatlo sa apat na magkakapatid.Anak nina Lilibeth j. Policarpio at Nemencio Policarpio.Ipinanganak ako noong Mayo 24 1996 .Ipinanganak naman ako sa ospital dito sa San Pablo.Nakatira kami ngayon sa Brgy Sta Elena San Pablo  City. . Ang aking zodiac sign ay Gemini, at ako po ay year of the rat. Masasabi ko po sa aking sarili na, ako po ay isang mabutingtao na may takot sa Diyos, at matulungin at lubhang mapagmahal sa kapwa. Sa kabila ng aking magagandang ugali ko at kakayahan ay mayroon naman akong kahinaan na nais ko pong baguhin upang lalo ko pa po mapaunlad ang aking pagkatao ng sa ganoon ay magsisilbing huwaran ako sa aking kapwa. Ang aking mga kapatid naman ay sina Angel Policarpio,Marife Policarpio at Ian Policarpio. Ang trabaho po ng aking magulang ay ang pagtitinda ng ulam.kapiling o kasama  ko ang aming lolo at lola.

Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School naman ang pinasukan kong paaralan nang ako’y magtapos ng elementary. Noong una ay takot pa akong gumala dahil wala pa akong gaanong kakilala noong first year pa lang ako. Second year na ako at nasa section A parin ako. Masaya ako dahil kasama ko parin ang iba kong kabarkada at kahit na lumiopat na sa ibang section ang iba kong kabarkada ay mananatiling kaibigan ko parin sila pati na rin ng mas tumibay an gaming barkadahan noong ako’y secong year. Ng sumunod na taon ay section A parin po ako. Sa ngayon po  ay 4th year na po ako don. Fourth year na ang ngaing pinakamagastos sa lahat ng taon ko sa Dizon High School. Bago narin an gaming principal. Masasabi kong siya na ang pinakamagaling mamuno dahil wala pang isang taon nakapagpatayo ba siya ng tatlong silid-aralan. Nagkaroon din ng mga aktibidad na wala noong mga nakaraang taon.  Ang aking mga kapatid naman ay nag-aaral ngayon ng elementarya sa aking iskul na dati kong pinasukan.gusto ko po  sana sa private pero ayos narin po ito
Marami akong mga namimiss noong ako po ay bata pa tulad ng mga nilalaro namin.pati na ang mga ang aking mga kaibigan.  Tungkol naman sa mga hilig o paborito.Isa sa mga paborito kong pagkain ay manok sinigang at marami pang iba.paborito ko naman dessert ay leche plan,jelatin at buko salad. Ang paborito ko pong manlalaro ay sina Michael Jordan at si Manny Pacqiao.Ang mga lugar naman gusto kong maratin ay ang Palawan at Amerika dahil gusto kong makakita ng snow.Nahubog naman ang isipan ko dahil na rin sa mga kaibigan ko.   Sa kulay naman ay pula dilaw at asul.hilig ko naman po ay ang mglaro ng cell phone mag-dama at maglaro ng baraha.Asarin ang akng mga kapatid ay isa rin sa aking gusto laging gawin.Ang akin namang kasabihan ay time is gold.Sa asignatura naman po  ay ang filipino. ara sa akin dito nagtatapos ang aking pagkabata dahil maraming bagay ang nangyari sa akin pagkatapos kong magtapos sa elementaryaat ang mga bagay na ito ay naging hudyat ng aking pagiging binata. Sa bahaging ito namulat ako sa tunay na buhay sa mundong ito, humarap ako sa maraming problema sa buhay, dito ako sinubok ng diyos at pinalakas at hanggang ngayon ang mga problemang ito ay aking nararanasan pa Gusto rin ang palaging mag-gala.dahil dito madalas akong pagalitan ng aking magulang.ngayong 2012 pipilitin kong magbago.susunod na ako sa kanilang mga payo at kanilang mga pinaguutos ng para matuwa naman sila sa akin.Madalas ang ginagawa ko lang samin ay matulog manood ng t.v at manggulo sa ginagawa ng iba.naglalaro rin ako paminsan minsan ng basketball at iba pang laro.Noong bata pa naman ako ang lagi naming ginagawa ay ang paghahabulan,hindi pagpasok at hindi pakikinig sa guro pero dahil high school nag-bago na ko.Sa ngayon ay mas naging tahimik na ko at nakikinig na ako sa guro para hindi na bumaba ang aking marka.dahil sa paghahanda sa pagiging college.Lahat ng aking mga naging guro ay hinahangaan ko dahil alam kong napakahirap ng kanilang napiling trabaho saludo po ako sa inyong lahat.Hinding hindi ko kayo malilimutan dahil kayo ang nagbibgay ng inspirasyon upang pahalagahan ang aking pag-aaral.Tinutuloy ko ang aking pag aaral dahil ito ang pangarap ng aking magulang para sa akin at dahil na rin maswerte ako at akoy nakakapag-aral ditu lad ng iba.nakakalungkot lang na magkakahiwalay na kaming magkakaibigan siguradong mamimiss ko  sila sobra.susubukan ko na rin magipon ng pera paramay magamit ako kapag may dapat akong bilhin para s akin.ang pinaka ayoko ko po sa lahat ay ako po ay sinisigawan lalo na ng ibang tao yan ang nakakapagpainit sa akinng dugo
      Ang aking pong pangarap ay maging isang engineer upang matulungan ko ang aking magulang.Isa pa ay magkaroon ng maayos na pamilya para maging masaya kami.At para sa aking kapatid na sana ay pagbutihin nila ang kanilang pag-aaral.iyan lamang  po ang masasabi lo sa ngaun sa aking  buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento