Powered By Blogger

Huwebes, Pebrero 2, 2012

Talambuhay Ni Khatreen Capuno

 Ako si Khatreen Jaurigue Capuno, labing-limang taong gulang at bunso ako sa aming magkapatid. Ipinanganak ako noong Marso 01, 1996. Simula sa pagkabata ay mahilig na akong kumanta, magsulat at mag-aral. Nakapagtapos ako ng elementarya sa San Pablo Central School sa tulong ng aking mga magulang na si Ella Marie Capuno at Enrico Capuno. Sa ngayon ay nag-aaral ako ng sekondarya sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School, at ako ay nasa ika-apat na taon na sa hayskul. Kabilang ako sa pangalawang pinakamataas na seksyon sa aming paaralan. Mataas ang pangarap ko sa buhay, nais ko na makapagtapos ng pag-aaral,magkaroon ng magandang propesyon at makatulong sa magulang ko, kaya naman nag-aaral akong mabuti kahit na minsan ay nakakatamad at kung minsan ay nakakapagod ang mag-aral.

Noong bata pa ako, hindi lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. May mga bagay na kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga nakakamit, pero kahit na ganoon ay masaya na ako dahil lagi ko paring nakakasama ang aking pamilya na siyang sumusoporta sa akin sa aking mga desisyon at mga gawain. Lahat ng gustohin namin ng aking kapatid ay pinag-sisikapan ng aming mga magulang lalo na ni Papa na maibigay sa amin kahit na nahihirapan na siya sa paghahanap-buhay. Ang aming Mama naman, hindi niya kami pinababayaan, lagi niya kaming inaalagaan, binabantayan, at inaalalayan. Sa aming dalawa ng aking kapatid, ako lamang ang laging dumidepende sa aming mga magulang dahil takot akong mag-isa sapagkat pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin ang makihalubilo at makipag-kaibigan sa ibang tao. Kaya naman ng magsimula na akong mag-aral ay nahirapan ako ng sobra. Natatakot akong maiwan ng aking mama sa school, tulad na lamang noong ako ay nag-kinder sa lugar malapit sa amin , hindi ako pumapayag na iwanan ako ng aking mama kaya naman lagi niya akong napapagalitan noon. Pero noong katapusan na ng taon, masayang-masaya ako pati na ang mama at papa ko dahil isa ako sa nagkaroon ng medalya. Noong araw na iyon, naisip ko na na sa susunod na taon ay magpapaka-bait na ako. Pagkatapos ng bakasyon noong taong iyon, pinapasok ulit ako ni mama sa San Pablo Central School at muli ay nag-kinder ulit ako. Nagsimula nanaman ang aking pagkatakot. Nagsimula nanaman ang galit sa akin ni mama, dumating na din ang oras na dahil sa galit niya ay umalis siya at di nagpakita sa akin. Tiniis niya ako ng araw na iyon, iniwanan niya ako sa school kahit na humahabol ako sa kaniya at nag-iyak ako. Natapos nanaman ang taon, masaya nanaman ako dahil mag-grade 1 na ako sa nasabing paaralan.

Simula na ng pasukan, Grade 1 na ako. Napakasaya ko noong unang araw dahil kakilala ko ang titser ko, pero ng mga sumunod na araw, simula nanaman ako. Araw-araw akong humahabol sa mama ko hanggang sa pati ang aking guro ay nagalit na din sa akin at naubusan na ng pasensya. Lahat ay galit na galit na sa akin pati si papa. Natuto lamang ako maging mabait ng maging Grade 2 na ako. Sumusunod na ako sa mga sinasabi sa akin ni mama at papa, pati na ng aking guro. Nakakuha ako ng matataas na marka, nagsimula na rin akong lumahok sa mga patimpalak sa paaralan at natuto na akong makisama at makipag-kaibigan sa naging mga kamag-aaral ko. Nakapagtapos ako ng elementarya noong taong 2008 sa San Pablo Cental School. 

Simula ng pasukan ng taong 2008. Pumasok ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School sa kagustuhan ng aking mga magulang. Noong una, ayaw ko pang dito mag-aral dahil mas gusto kong makasama ang ate ko sa iisang school, at isa pa ay mas gusto ko sa Private School. Napilit ako ng mama ko na sa Dizon High School pumasok dahil nangako siya na pag nakapag-tapos na ang kapatid ko ay ililipat na din ako ng school. Pumayag ako dahil ng taon ding iyon ay magtatapos na ang aking kapatid. Unang araw ng pasukan, sinamahan ako ng aking mama sa school. Hindi ako masyadong kinabahan noon dahil kakilala ko ang aking naging guro. Madami na agad akong naging kakilala. Nang mga sumunod na araw, naging malapit na ako sa aking mga kaklase, nabuo na rin ang grupo namin at tinawag pa namin itong grupong VIP. Naging maganda ang resulta ng aking paghihirap. Matataas ang nakuha kong marka, ngunit nagkaroon ang aming pamilya ng isang problema na naka-apekto ng malaki sa aking pag-aaral. Nabuntis ang aking kapatid, labing-anim na taon pa lamang siya noon. Halos gumuho ang mundo ng aking papa ng malaman niya ito. Kitang-kita ko kung paanong nasaktan ang papa namin at dahil sa sama ng loob at galit niya, pati ako ay gusto naniyang paalisin sa aming bahay. Ako ang gumawa ng paraan para maali ang galit ni papa kay ate upang ng sa darating na bagong taon noon ay magka-kasama kami at buo ang aming pamilya. Natupad ang gusto ko, nakauwi si ate pero may isang pangyayari pa rin na nakakalungkot, ito ay ng mapababa sa tungkulin sa Iglesia ang mga magulang ko at ikinatiwalag ni ate ang mga nangyari sa ate ko. Bago matapos ang ang taong 2009, napili akong Ibong Adarna at nakipag-laban ako sa iba pang 1st year. Nagkamit ako at ang aming seksyon ng ika-tatlong pwesto.

Simula ng taong 2009, 2nd year na ako at kabilang pa rin ako sa Seksyon A. Mas lumalim ang samahan namin ng mga kaklase ko. Naging mas marami na din ang aking naging kaibigan, hindi lang sa seksyon namin kundi maging sa iba pang seksyon. Madaming pinag-daanan ang aming seksyon katulad na lamang ng muntik na kaming ipa-guidance dahil sa sobrang kaingayan namin. Naranasan na rin naming mag-klase sa Grand Stand dahil isa ito sa naging parusa sa aming seksyon. Usapan din lagi sa faculty ang aming seksyon dahil sa mga kalokohan at kaingayan namin. Sa taong ito din kami lumaan ng Noli Me Tangere kung saan kami ang nagkamit ng unang pwesto na labis na ikinatuwa ng aming guro sa Filipino at ng aming gurong taga-payo. Sa pagtatapos ng taong ito, masaya kami dahil nakatapos nanaman kami ng isang taon at 3rd year na kami sa darating na pasukan, pero nakakalungot dahil isa sa kaibigan ko ay nangailangan ng lumipat ng paaralan. 

Nagsimula na ang taong 2010. 3rd year na kami! Napakasaya ko dahil hindi pa rin ako napapalipat sa ibang seksyon at isa pa ay malapit na akong maging 4th year at makapag-tapos ng pag-aaral sa hayskul. Mas mataas ang nakuha kong marka sa taong ito kumpara sa mga nakaraang taon. Malungkot lang isipin na hindi ko na kaklase ang aking pinakamatalik na kaibigan na si Bernaliza Punto Carbonell. Wala kaming sinalihan na kompetisyon pero kami naman ang nagin tagapag-turo ng mga kakilala naming 1st year ng lumaban sila ng Ibong Adarna. hindi man kami ang lumaban, masaya kami dahil sa kinalabasan ng aming pag-hihirap lalo ng manalo ang 1A na tinuruan namin. Kahit na tapos na ang kompetisyon, naging mas malalim pa ang pagka-kaibigan namin hanggang sa pagtatapos ng School Year 2011-2012.

Simula na ng School Year 2011-2012. 4th year na kami. Masaya na malungkot ang nararamdaman ko. Masaya dahil malapit na kaming matapos ng hayskul, pero malungkot dahil magkakahiwa-hiwalay na kami na kami. Sa huling taon na ito, mas napalapit kami ng aking mga kaklase sa isat-isa. Masaya isipin na sa pagtatapos namin, buo ang IV-Archimedes at masayang magtatapos ng pag-aaral. Pero dahil sa isang trahedya, hindi na pala pwede mangyari iyon. Nawala ang isa sa pinaka-masayahin naming kaklase na si Michkee B. Dimayuga. Hindi kami ganoon kalapit ni Michkee sa isat-isa pero may pinag-samahan din kami. Ngayon, bukod sa pamilya ko ay isa na rin si Michkee sa inspirasyon ko para makapag-tapos ng pag-aaral dahil iniisip na napaka swerte ko dahil pwede ko pa matapos ang aking pag-aaral at matutupad ko pa ang aking pag-aaral. Nais ko sana na kung matutupad ko man ang aking pag-aaral at magkakaroon ako ng magandang propesyon ay hindi ko pa rin makalimutan at hindi pa rin ako makalimutan ng aking mga kaibigan lalo na ni Julie Ann Villanueva, Abigail Corod, Rikki Mae Andrada, Lea ertiz at Angel Nicolyn Alcantara. Sana matupad ko lahat ng aking pangarap.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento