Powered By Blogger

Huwebes, Pebrero 9, 2012

Talambuhay ni Oruga

 Ang pangalan ko ay Lawrence B. Oruga at isinilang noong Hunyo dalawampu’t dalawa ng taong labing siyam siyamnapu’t anim. Isinilang ako sa aming tahanan sa aming baranga sa San Marcos, San Pablo City. Pangalawa ako sa aming tatlong magkakapatid. Sina Lino at Mila Oruga ang aking mga magulang. Isa sa mga kinahiligan ko ay ang mga hayop at ang alaga naming mga aso na sina Blacky at Budoy. Ang laro na kinahiligan ko sa labas ng aming bahay ay badminton at chess at dama naman sa amiung paaralan tuwing breaktime. Mahilig din akong magguhit ng mga hayop at mga halaman. At magtanim naman ng halaman at kapag minsan gulay kapag wala akong pasok. Sabin g iba kill joy raw ako. Ayoko kasing maggala. Gusto ko lang manood ng T.V. Ang isa ko pang ugali ay ang magtipid at kung magtipid ako ay todo tipid. Hindi na nga ako nagre-recess para makatipid at sobrang gastos naman kapag gumastos ako.
                Sa Paaralan ng Elementary ng San Marcos ako pumasok mula Kinder Garten hanggang matapos ako ng elementary. Ilalahad ko sa inyo ang ilang pangyayari nang ako ay bata pa. Unang antas o Grade 1 inis na inis ako noon kasi ang daming SSG o sipsip sa guro para lang tumaas ang marka. At ang paborito naming laro noon ay hinihipan na sasakyan na gawa sa papel. Ikalawang antas na ako at wala pa akong masyadong alam pero nasa mataas na seksyon parin ako kaso ngalang masyadong marami na ang nasa mataas na seksyon kaya marami kaming napalipat sa mas mababang seksyon. At ang masayang nangyari noong ay nang may nagtindang pugo sa amin. Grade 5 tuwang tuwa ako nang sabihin na ang mga honor. Ako ang napili ng aking guro na pinakamasipag sa buo naming klase dahil hindi alam ng aking mga kaklase na tuwing breaktime naming ay nagwawalis ako n gaming silid-aralan bago lumabas. Sa lahat ng mga guro pinakapaborito ako ni Ma’am Aileen Belen at ang pinakapabrito kong subject ay EPP dahil mahilig akong magtanim. Tuwang tuwa rin ako tuwing magkakaroon ng Intrams sa aming paaralan kung saan nagpapaligsahan at nagpapagalingan sa pagsayaw ang bawat antas mula Kinder hanggang ikaanim na antas. Grade 6 ako nang magsayaw kami na gamit ang baso. Tuwang tuwa ang manonood sa aming ginawa kaya nanalo kami. Pero kahit natalo o nanalo kami ay Masaya parin ako at ang mga manonood. Grade 6 na ako kaya ibig sabihin kailangan na naming maghiwalay at tumuntong na ng High School.
                Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School naman ang pinasukan kong paaralan nang ako’y magtapos ng elementary. Noong una ay takot pa akong gumala dahil wala pa akong gaanong kakilala noong first year pa lang ako. Dahil wala pa akong masyadong kakilala smabay ako sa dati kong maga kaklase na nasa isang seksyon na kumain. Second year na ako at nasa section C parin ako. Masaya ako dahil kasama ko parin ang iba kong kabarkada at kahit na lumiopat na sa ibang section ang iba kong kabarkada ay mananatiling kaibigan ko parin sila pati na rin ng mas tumibay an gaming barkadahan noong ako’y secong year. Nang sumunod na taon ay tumaas ang aking section kahit na may palakol sa aking marka at naging B section na ako. May halong lungkot at saya ang naramdaman ko nang malaman ko na lilipat na ako ng section. Malungkot ako dahil mahihiwalay na ako sa dati kong mga kabarkada at Masaya dahil magkakaroon na ako ng mga bagong kaibigan. Hindi ako naging malapit sa halos lahat ng nasa section na nilipatan ko dahil bagong salta lang ako at meron na silang kanya-kanyang barkadahan kaya ang naging kaibigan ko o kabarkada ay ang kakalipat lang rin ng section. Nang malaman ko na lilipat na naman ako ng section lalo akong nalungkot dahil kung kalian medyo malapit na ako sa section B ay tsaka pa ako lilipat ulit. Akala ko na hindi sila lahat mabait pero hindi pala sila lahat. Meron ding palang mabait. Kng kalian medyo kalapit ko na ang isa sa mga kaklase ko ay nawala na siya. Kaawa-awa siya. Nasunog kasi ang kanilang bahay at ang malingkot kasama siyang nasunog kahit nakaligtas siya binawi parin siya ng Diyos. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa. Fourth year na ang ngaing pinakamagastos sa lahat ng taon ko sa Dizon High School. Bago narin an gaming principa. Massabi kong siya na ang pinakamagaling mamuno dahil wala pang isang taon nakapagpatayo ba siya ng tatlong silid-aralan. Nagkaroon din ng mga aktibidad na wala noong mga nakaraang taon. Ngayong taon naramdaman ko ulit ang magin isang estudyante dahil sa mga aktibidad na ginawa naming at mga stage play na pinanood namin lalo na ang ginanap na Mr. and Ms. Dizon sa unang pagkakataon. Sa Dizon noong Disyembre 17 ng gabi. Marami na akong pinagdaanan ngayong High School life ko. Fourth year na ako ibig sabihin magtatapos na ako. Ito na siguro ang pinakamagandang graduation na magaganap sa lahat ng mga nakaraaang pagtatrapos dahil sigurado akong maganda ito dahil sa aming bagong punung-guro si Ms. Cristela Uy. Masaya ako sa bawat isa sa amin dahil sa wakas tatahak na naman kami ng bagong landas. Ang batch na siguro naming ang pinakamasayang magtatapos sa Dizon High School. Meron mang ibang hindi magtratapos kahit papaano ay nakapag-aral parin sila at nagsumikap magtapos ng pag-aaral.
                Marami akong pangarap syempre isa na dito ang pagtatapos ng pag-aaral pero ang gusto ko talaga ay ang bumili ng malaking lupa at makapagpatayo ng “Farm” dahil mahilig ako sa mga hayop at mahilig din akong magtanim. Pero bago ko matupad iyon ay kailangan ko munang magtrabaho. Gusto kong magtrabaho sa ibang bansa sa dahilanbg malaki ang sweldo at maraming pwedeng pasukan na trabaho hindi tulad sa Pilipinas pero kailangan kong bumalik sa Pilipinas dahil dito ko gustong simulan ang pangarap ko na makapagpatayo ng farm para na rin bumili ng bahay at lupa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento