Powered By Blogger

Huwebes, Pebrero 2, 2012

Neo "SY" Villareal

"                                                    Masungit kung ituring pero damdamin din napupuwing"


Ako si Neo Banayo Villareal,ipinanganak noong Ika-lima ng Setyembre taong labing-siyam siyamnaput-apat sa Brgy. San Gabriel,San Pablo City..Ang aking mga magulang ay sina: Minandro Ramirez Villareal na isang “Buy and Sell” at si Nene Banayo Villareal na isa lamang “housewife”. Tatlo kaming magkakapatid. Si Nikko Banayo Villareal ang aking kapatid na panganay na medyo meroong kontinng problema sa pag-iisip. Si Ma. Leah Villareal Lapiz ang sumunod na may asawa at isang anak, hindi sya nakatapos ng pag-aaral. At ako ang bunso. Sa ngayon ako ay nakatira sa aking lolang si Felicitas Bombio Banayo. Ngayon Tuklasin ninyo aking buhay sa loob ng labing pitong taon na paninirahan sa mundong ibabaw.

Ito nung akoy ay Grade V, n
Isang taon gulang palang ako ay kinalakihan ko na ng ang pagiging mahirap. Nakatira ang aking pamilya sa bahay ng aking lola. Hanggang mapagpasyahan na magpagawa ng bahay sa lupang pamana ng aking lola sa aking mama. Ramdam ko ang hirap ng buhay namin noon. Natatandaan ko na ang aming umagahan ay kasabay na ng aming tanghalian kapag aking tatay ay lumuluwas pamuntang Maynila. Kami noon ay nangangahoy sa niyugan dahil wala kaming kakayahang makabili ng gasul. Tanda ko  noon,, nang akoy magkasakit pinaiinom ako ng aking tatay ng soft drink. Kaya gustong gusto kong magkasakit kasi laging may softdrink. Kahit ngayon hindi ko parin alam kung bakit pinaiinum ako ng softdrink pagnilalagnat.Limang taon ako,naglalaro kami ng aking mga pinsan ng kung anu-anong laro , habulan,taguan,tumbang preso,at marami pa. Minsan naman ay sumasama ako sa aking tatay sa pangunguha ng kalakal tulad ng dahon,papaya,buko at marami pang iba. Naalala ko nag akoy sumama sa aking tatay. Sakay ako sa  ibabaw ng papayang kanyang hinihila ng wiler. Nangati ako ,nagbabayad tuloy ako sa tubig sa sobrang kati. Sa karaniwang mga bata sila ay pumapasok na bilang kinder dahil sa kamiy mahirap ay hindi ako makapasok sa kinder.Nong akoy anim na taong gulang naman.  Kami naman ay nanguha ng santol. Nang kami ay nasakalsad ay humingi yung nasa tindahan. Nang lumiban ako hindi ko namalan may tricycle palang nadaan . Nabangga ako hanggang sa dumaan sa aking katawan yung mga gulong. Nakatayo ako tumakbo papalapit sa tatay ko hanggang sa natumba . Dinal ako sa ospital na malaki. Tuturukan ako, pumipiglas ako hanggang sa minumura ko na yung nurs. Nang natapos yun,, nakita nung nurs na parang may bukol yung pisngi ko. Ako pala ay may buto pa ng santol sa bibig, tawang tawa yung mga nurs.Pitong taon na ko, ipinasok na ako ng aking mga magulang sa mamabang paaralan sa elementarya ng San Gabriel. Ang nagpalista sakin ay aking pinsang si ate Dodong na anak ng aking tiya Bibeth. Sa kadahilanang akoy hindi na kapagkinder akoy inilagay sa panghapon .Marami kami noon mahigit 70 na mag-aaral. Akoy pumapasok ako ng ala-una ng hapon.Ang guro ko panoon ay si Mam Pestijo. Naaalala ko noon nung nagpa ispeling si mam ng Father,Mother,brother,sister,baby. Nakakalungkot mang isipin ay wala akong nakuhang tama. Mas maigi iyon dahil may isa akong kaklase na nandaya. Napagalitan tuloy siya. Karawan ko noon, sabi ni aking pinsan na si Lanie Gay na sabihin ko daw na kaarawan ko . Nahihiya naman ako kaya hindi ko na lang sinabi. Makalipas ang dalawang arwa nalaman ng aming guro na karawan mo pala neo. Nagkaroon ng bakanteng silid. Nagpasya na hatiin ang grade one. Panghapon ako kaya inilapat ako ng teacher at section, akoy naging section B. Lola ko ang aming guro na si Mam Deveza, hindi siya nakapagturo ng matagal samin dahil sa kanyang karamdaman. Kaya may pumalit para sa limang buwan . Bumalik na si mam at nakuha ko ang pangala sa pinaka magaling sa klase. Naging grade two na ako, guro ko din ay aking lola. Asawa siya ng kapatid ng aking lola si mam Bombio. Napili ako na sumayaw ng folkdance noon. Pinasayaw kami ng kunday kunday. Nagkaroon ng elimination ako ay napili. Hindi nio naiitatanong ako talaga ay may alam sa pagsayaw. Pero nahati nanaman kami sa dalawa. Ako nanaman ay napalipat sa Grade two B. Nung pagdating nung aming gurong si Mam Eseo, akoy pahanga.Pero ala namang ibubuga. Nag grade three ako, masaya ako dahil akoy mapapapunta sa section A. Pero puna na ang listahan kaya nagpasya silang ilipat ako sa grade three b. Si mam Eseo din ang aming guro, sa kasawiang palad kaklase ko aking kapatid na panganay nahihiya ako kasi kaklase ko siya pero  hanggang tumatagal ay naging maayos na ang lahat. Nagkaron ako ng pagkakataon na lumabasan sa bigkasan. Ilalaban nila yung pinakamagaling samin. Noong akoy nanuuod nung siya ay nag-iinsayo ginaya ko siya. Nakita ako ng aming guro at sinabi sa aming punungguro. Pinatula ako humanga sila. Pinasaulo nila sakin ang dalawang pahina ng pyesa sa loob ng apat na araw. Alam ko sa sarili ko na hindi ako mananalo dahil apat na araw lang ang aking paghahanda. Hindi katulad nung sa king kaklase na isang buwan. Dumating ang araw ng labanan. Pang-lima akong magbibigkas. Sa kalagitnaan ng pagbibigkas ko ay nakalimutan ko ang pyesa dahil sa nerbyos. Alam na pagnakalimutan. Talo ako sa labanan. Grade four na lumaban dina ko sa bigkasan pero maramihan. Hindi ko nga alam kung bakit kami natalo maganda naman ang aming palabas. Ang pagiging grade four ang pinakamasamang nangyari sakin dahil sa pagtatapos ng taon ang baba ng aking grado 75. Nagbago ito nang akoy naging grade five dahil paborito ko yung aming guro si mam Babyjean. Naging maayos ang lahat. Doon lumalabas ang aking sipag sa pag-aaral. Napakabait niya sakin nakahit sinasabihan nila akong sip-sip. Ang sumbat ko sa kanla di sana honor ako. Natutu ako ng sobra parabang nagbum ako nun pero ayos lang yung ibinigay niyang grade sakin 80 pang 10 noon ako. Dumating na ako nsa pinaka mataas na antas sa elementary ang ika-anim na baitang. Guro noon si mam banayo na kapwa ko kamag-anak. Marami na akong nalalaman sa pag-aaral. Pero hindi parin iyon sapat para makasama ako sa honor. Nagkaron ako ng gradong 78 sa math at science kaya hindi na ako mapapabilang sa hnor. Intrams non, kami ang nanalo sa pagsayaw ng tiklos, sumayaw kami sa district meet. Marson non dumating na ang aming pinakahihinaty na araw. Araw ng aming pagtatapos. Puno ng lungkot ang aming nararamdaman. Nasasadlak din kami kung san namin bubunuin ang apat pang taon paghahanda sa kursong kukuhanin namin. Ako ay naging masaya nang nakuha ko ang aking diploma. At sobrang naiiyak ako nang kinanta nanamin ang aming awit ng magsisipagtapos. Natapos  ang aming graduation. Sinundan ito ng Recognition. Nagulat ako dahil tinawag ako sa stage “ Most active of the year” , Neo Villareal og Grade 6. Hindi kasi ako napasali sa honor dahil pang pito ako. Masayang masaya ko dahil sa palakpak nang akoy sinabitan ng aking tatay.

Nagkaron ng isang malaking krisis sa aming pamilya. Sa ayaw ko man at sa hindi kailanagn kong huminti sa aking pag-aral. Sabi nila si Lea muna ang papasok dahil hindi nila kaya kaming dalawa. Bakas sakin ang lungkot at lumbay. Hindi ko alam ang gagawin sa isang taon na paghinto. Hunyo noon, napagdisisyonan na akoy titira sa talyir ng aking tiya precy kapatid ng aking mama. Nalulungkot ako dahil malayo sa aking lola. Hanggang sa uuwi sa kanyang asawa si kuya ryan ang kasakasama ko sa talyir. Akoy umiiyak na gusto kong umuwi samin. Gabi noon at nag uusap sang aking tiya at tiyo. Napakinggan ko ay dadalawin namin ang aming lola. Wala non ang aking lola nasa tiaong. Isinama ako nang aking tatay sa tiaong dahil papunta rin sila roon. Hinahanap na daw ako ng aking tiyo pero hindi na niya ako hinintay. Hindi na niya ako kinuha.  Pagkatapos noon ako ay naging dyanitor sa elementary dinanas ko ang hirap noon.titiisin ko ito sabi ko sa aking sarili.
               
Dumating na ang aking pinakahihintay. Makakapasok na ako ng first year sa dizon high dahil nan don ang aking kaibigan na nagtutro sakin sa mga assignment. Marami akong natutunan sa kanya. Matalino kasi siya. Science section siya. Si noli magsambol.  Unang araw ko sa pagp-asok, akoy nerbyos na nervyos dahil wala akong kakilala sa aking kaklase. Hanggang nagkaron na ng time na magpakilala. Nagkaron na ng time na mag-usap dahil pag magchecheck ay kailangan na sabihin kung may correction. Naging bise-presidente ako. Sa tingin ng mga guro ako ang pinaka magaling sa klase. Sa katunayan ako ang naging top one. Lagi akong naghahighest sa mga exam. Hindi ko ba alam kung bakit ako gumaling. Nagpapasalamat ako sa aking mga kaibigan noong akoy first year. Ang babait nila sakin at lalo na ang aking adviser na si Mam Divina. Ang bait bait niya sa akin. Wala nga akong love life nung first year. Hindi ko nga alam eh.. Noong bakasyon ay nag swimming kami ng mga kaibigan ko sa III-Science sa Boying sobrang saya noon, kasi first time ko na mag swimming don.

Second year na ako. Nailipat ako sa mataas na section. Galing sa E naging C. Natuwa ako dahil napatas ako ng section. Sa C marami akong naging kaibigan. Naging President ako ng aming klase. Nakahit na masama ang pagpapasunod ko sa kanla. Natutu akong madisiplina dahil sa aming guro na si Mrs. Hitosis, itrikta sya pero magaling at mabait sa batang mabait. Ang aking adviser ang nagmold ng mayos sa akin. Binibigyan nya sa akin ang tiwala. Nagpapasalamat ako sa inyo Mam Viola Lingad. Lalong lalo kay Mam Bondad, na kahit hindi ako ang pinakamagaling sa klase nya. Ipinapakita nyang may ibubuga ako. Aaminin ko, magaling syang guro. Pinupuno nga nya ng lecture ang buong board na siyang kinaiinisan ng aking mga kaklase. Pero marami akong natutunan sa kanya. Nagkaroon ng isang panyayari na sumama ang tingin ng aking mga guro sa akin at joffet dahil sa isang opinion na ibinigay ng aking kaklaseng si Charles. Natutunan ko na lahat dapat ng opinyon ay igagalang. Dahil lahat tayo ay may karapatang ilabas ang ating opinyon. Natutunan ko yun hanggang naon. Pero may taong nagpatibok sa kin ng sobra. May kaklase akong bago galing sa MSC, kasing edad ko siya at kapawa kmi magkabuwan. Lagi kaming tinutukso noon ng aking mga kaklase. Hindi ko naman talaga sya crush dahil sa kanyang ngipin. Pero hindi rin nagtagal nagustohan ko sya. Nagkaklase kami nakapatung yung ulo ko sa kanyang balikat. Ito ang hindi ko malilimutan sa time ni Mam Sotalbo. Kami ay nagrereview ng saming dalawa lang kasi lumilipat ako ng upuan para makatabi siya S sya V ako. Nagtatanungan kaming dalawa. Hanggang nakita kami ni Mam, iba yung ngunti ni mam. Hanggang nag-umpisa na yung test lahat ng tinanung namin ay lumabas kaya perpek sya ako isa mali. Siya kasi ang kalaban ko sa top 1, si Eidrix Calingasan Sumadsad. Ang isa pang teacher kong marami akong natutunan ay si Ms SP. Ang galimng galing niya. Super natutu ako.

Third year na ako. Naging masaya ko dahil inilapat nanaman ako ng section from C naging A na ako. Tatlo kami sa klase, si Joffet at si Eidrix. Masaya ang maging A. Maraming mabaait at sadyang magagaling. Nangliit nga ko kasi E ako dati tapos magiging A. Hanggang sa dumating ang bigayan ng card natutuwa ako sa aking sarili dahil ako ang naging top one nung first grading. Nagulat sila kasi hindi daw nila expect na magaling ako. Nagkaroon ng isang trahedya nang kami ay nagpapraktis ng field demo, kasalukuyan akong Pangulo ng Mapeh club ayaw ng aking mga kaklase na magklase sa science nasa akin ang susi. Kaya sabi nila na may ipinapagawa sa iyo si mam lara. Hanggang sa magnagsumbong si Aiza na medyo maypagkaluka. Napagalitan kami si Cindy naiiyak na ako dahil sa maling disisyon akoy makakakuha ng mabang marka sa science. Dumating yung buwan ng sience club. Ang lahat ay excited para sa science camp. Ang saya kasi non. Parang ayon yung pinakakahintay ng mage estudyante. Naiinis ako dahil magkaksama yung mga kaklase kong lalaki. Kaya nung pangalawang araw ay akoy natulog sa three science kasi may mga kaibigan ako sina Lieva, Sarah,shelo alie at marami pang iba. Lagi kaming magkakasabay sa hapon. Nagkaron din ako ng crush sa kanlang section si Xyriz contemplacion. Ayos naman yung aming status dahil hindi nya alam na akoy may crush sa kanya. Hanggang sa FB ay naging its complicated ako sa kanya. Tinanggap nya yung request nagulat ako. Masaya siyang kasama at lagi akong ng ffb kasi lagi siyang online. Hanggang sa nakalaro ko sya sa idate. Pinilit ko lng maglaro dahil nilalaro nya. Minsan nga pagnagaglit ako sa kanya siya pa yung gumagawa ng paraan at kinakauasap nya ako. Hanggang sa nalaman nyang may gusto ako sa kanya. Hindi nya ako kinakausap. Ang sama nga ng lovelife ko sa third year. Ito yung taon na lumaban akong maging pangulo ng SSG, kinakabahan ako dahil science aking kalaban. Buti nandyan ang aking mga kapartido upang laban sila kahit na tinatapan nila lahat ang aking mga officers. Dumating yung time na boboto na ang aking mga kaklase. Nagulat ako dahil hindi ako binoto alam ko sa sarili ko na masama yung pakikitungo ko sa iba. Iayak ako ng iyak nung buong raw na iyon pero napawi iyon. Dahil hindi lang naman sila ang boboto. Ang resulta ay ibinigay. Nanalo ako bilang presidente ng aming paaralan. At hindi lang yun, naging pangulo ako ng Divion Federation of Supreme Student Government. Nagulat ako dahil ibinoto ako ng mga kapwa ko pangulo sa ibat ibang paaralan sa san pablo.  Noong time na yon ay may seminar kami sa schol dahil sa pagpunta ko sa baguio. Sng pagpunta ko sa baguio ang ang pinaka magandang nangyari sakin sa third year. Nakarating ako ng walang bayad aatend lang ako ng seminar. Ang bait pa ng aking kasamang guro si mam Liay. Dami kong natutunan. Kaya kami nagpaseminar upang itayo ang YECS sa school. Pinatawag ako ni mam Sanchez ang adviser ng SSG na atend daw ako ng federasyon ng ssg. Nagulat ako. Umalis na ako. At nang akoy nanalo tuwang tuwa ang mga guro sa akin dahil ayon ang kaunaunahang pagkakataaon na naging pangulo ng DFSSG ay galing sa dizon. Nung April pinatawag ako ni Mam Sanchez dahil pupunta kami ni Sir Ely sa Lemery Batangas para lumaban sa RFSSG election. Marami nanaman akong  nakilalang mga kaibigan na kahit na malayo. Akoy nangliliit sa mga sinasabi nila. Pero naging P.O naman ako.

Fourth Year ang pinakamahirap na antas sa sekundarya. Daming pagbabago sa aming paaralan. At ang aking pamumuno ay nagsimula na. Dito ko naranasan na ilaban sa mga patimpalak sa sabayang pagbigkas na ginanap sa UPLB. Naging tuitor ako ng anak ni Mam Lingad sa math. Maraming mga araw na hindin ako nakakaatend ng klase dahil nag eensayo kami. Hanggang akoy bumaba ng rank naging pang 18. Nagpa acquantance party kami. Naging camp director ako sa science club ang aking pinapangarap. Pumunta ulit ako sa baguio para sa nltsgo maraming mga konsepto sa pagiging lider ang aking natutunan. Napakasayang experience ang aking naranasan. Maraming mga bagomng kakilala ang aking nagging kaibiogan. Kasi mula NCR hanggang region XII ang dumalo. Maraming artista ang pumunta. Super saya ng bonding naming ng mga kasama ko sa aming quarters. Lumagi kami dun ng isang lingo. Hinindi nga naming gusting umuwi pero dahil kailangan na ay umalis din kami sa ikapitong araw namin.  Sa ngayon ako ay naghahanda para sa aking pagkokolehiyo. Hanggang dyan muna.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento