Powered By Blogger

Huwebes, Pebrero 2, 2012

Talambuhay ni Julie Ann A.Villanueva

  Ako si Julie Ann Alina Villanueva, isang simpleng babae na may mataas na pangarap sa buhay. Tinatawag nila ako sa palayaw na Julie o Hulyana. Isinilang ako noong ika-apat ng Hulyo taong isang libo syam na raan syam naput lima. Nakatira ako sa Brgy. Soledad lungsod ng San Pablo, lalawigan ng Laguna. Ang aking mga magulang ay sina Arnold Corbantes Villanueva na isang tricycle driver at si Aileen Alina Villanueva na kasalukuyang ipinagpatuloy ang kanyang pag'aaral sa Kolehiyo. Ako ay may tatlong kapatid na lalaki, di man sila ganun kasisipag pero sila ay maaasahan. Si Christian ang panganay kong kapatid, si John Henry ang sumunod sa akin, si Paul Kenneth ang bunso.
      Anim na taong gulang ako ng magsimulang mag-aral sa St. Francis Day Care Center. Noong ako ay nasa Kindergarten, Hindi ako permanenteng nakatira sa aming tahanan, palipat-lipat ako sa aking lola at sa tita ko dahil inaalagaan ng aking magulang ang mga nakababata kong kapatid. Nang tumuntong na ako sa elementarya, nag-aral ako sa San Pablo Central School mula ika-una hanggang ika-dalwang baitang sa aking pag-aaral doon ay hindi naging maganda ang mga naging karanasan ko, bukod sa mataray at istriktong guro nung nasa unang baitang palang ako ay marahil na rin sa palautos kong guro nung nasa ika-dalawang baitang na ako. Laking pasasalamat ko noong ako ay napalipat ng paaralan, pinagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa mababang paaralan ng elementarya ng Soledad. Doon ko rin nalaman na may angkin din akong katalinuhan, nagkamit ako ng karangalan dahil nasa ika-syam na ranggo ako sa aming top 10 noong ako ay nasa ikatlong baitang. At noong ako ay nasa ika-apat na baitang na, nasa ikawalong ranggo na ako, sa ika-limang baitang naman ay tumaas ang aking ranggo sa ika-pito at sa huling baitang ko sa elementarya nakamit ko ang parangal na first honorable mention at may espesyal na parangal dahil nakamit ko ang unang pwesto ng lumaban ako para sa amin dyaryo na Sulyap bilang taga kuha ng larawan. Di ko na naipagpatuloy ang aking paglaban sa District level sapagkat nagkaroon ako ng sakit, mula rin na mapalipat ako sa paaralang iyon napasali ako sa bumubuo ng aming dyaryo at ako rin ang naging sekretarya sa aming klase mula ika-tatlo hanggang ika-anim na baitang. Doon ko rin natutunang magtiwala sa aking sarili at magkaroon ng kaibigan. Nakilala ko dito ang akng Bestfriend na si Aireen Avila na may malaking ginampanan sa aking buhay, kahit minsan ay mayroon kaming hindi pagkakaintindihan ay palagi siyang nandyan upang tumulong at umagapay sa akin, sobrang swerte ko at nakilala ko siya. Natapos ko na ang unang yugto ng aking pag-aaral sa elementarya. Ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa sekondarya sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School mula sa unang antas hanggang sa ngayon na nasa ika-apat na antas na ako ay kabilang ako sa section A pangalwang section sa paaralang iyon. Dito ko nakilala ang iba't-ibang ugali ng tao, ang laki ng pinagkaiba sa elementarya. Bilang isang Highschool Student, marami na akong pagsubok na pinagdaanan tulad na lamang ng nasa unang antas pa lamang ako, medyo nakakapanibago ang mga kamag-aaral ko, naranasan kong kumain at umuwi ng mag-isa. Doon ko napagtanto na mahirap pala ang mabuhay ng wala kang kaibigang nakaagapay. Nang tumuntong na ako sa Ikalawang antas, doon ko natutunang makisama at makisalamuha sa aking mga kamag-aaral. Nakilala ko at naging kaibigan ko sina Abby, Rikki Mae, ate khatreen, Cindy, Michelle, Katleya. Angel, Lea,Jaymee at Mavin, sa tulong din nila nabago ko ang iba kong ugali na alam kong hindi maganda. At nang nasa ika'tlong antas na ako mas lubusan ko pa sila nakilala at doon nagumpisang mabuo ang aming grupo ang JURIKHAGAIL( Julie Ann, Rikki Mae, Khatrren at Abigail) sila ang maituturing kong mga kaibigan dahil sa kanila ko sinasabi ang lahat ng mga problema at mga pangyayari sa buhay ko, sabi nga nila, sa akin nila natutunan ang maging prangka at totoo, wala kaming sikretong itinatago sa isa't-isa. Kapag hindi nagustuhan ng isa ang ginawa o ugali ng isa, sinasabi na agad para walang maganap na awayan o samaan ng loo, kami-kami rin ang nagtutulungan kapag kami ay may problema. Tinuturing ko na rin silang kapatid. At ngayon, ako ay nasa ika-apat na antas na, dito ko na rin naranasan ang pinakamatinding pagsubok sa buhay ko bilang isang estudyante dahil sa trahedya na pinagdaanan ng aming kamag-aaral na si Michkee Dimayuga at ng kanyang ama na sa kasamaang palad ay pumanaw si Michkee, dito nasubok ang aming katatagan bilang kanyang kamag-aaral at kaibigan, dahil sa kanyang pagkawala, nagkaroon ulit ng pagkakaisa ang aming seksyon ang IV Archimedes at natutunan din namin sa kanya na i-enjoy ang buhay dahil sa isang igglap maaari itong mawala.
      Marami rin akong bagay na pinagkakaabalahan tulad na lamang ng pagpasok ko tuwing Sabado kapalit ng aking scholarship sa Canossa, at  naglilingkod din ako sa ating Panginoon bilang isang koro, nag-umpisa akong maglingkod sa Kanya noong ako ay nasa ika-limang baitang pa lamang at ipinagpatuloy ko ito hanggang sa ngayon. Sinubukan ko rin na maging isang LCM ( lector Commentator Ministry) o taga basa ng mga salita ng Diyos. Sa una ay nakakakaba at nakakahiyang humarap sa maraming tao pero hindi nagtagal, nasanay na rin ako, dito ko rin lubusang nakilala ang ating Panginoon.
      Nlalapit na ang araw ng aking pagtatapos at tutuntong na naman ako sa panibagong  yugto ng aking pag-aaral sa kolehiyo. Ihahanda ko na ang aking sarila sa mas malaking pagbabago at panibagong pakikisama sa aking mga magiging kamag-aaral at sa mga pagsubok na alam kong mas mahirap kaysa sa mga naranasan ko noon. Ipopokus ko ang aking sarili sa pag-aaral at sisikaping makatapos upang makahanap ng magandang trabaho at makatulong sa aking mga magulang. Gagawin kong inspirasyon ang mga pagsubok na napagdaanan ko at hindi ako basta susuko sa mga problema. Nais kong makamit ang aking pangarap na maging isang lisensyadong guro at makapag turo sa mga bata. Ipagpapatuloy ko rin ang paglilingkod ko sa simbahan at hindi ako magsasawang makinig at isabuhay ang salita ng Diyos.
      Ito ang aking Talambuhay, simple man pero makabuluhan.








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento