Powered By Blogger

Huwebes, Pebrero 2, 2012

Talambuhay ni Justine May Velasco

Ako ay si Justine May A. Velasco, labinlimang taong gulang, ipinanganak noong ika-8
ng Mayo taong 1996, sa Malolos Bulacan. Ako ay nakatira sa 1 Balverde street San Pablo
City, Laguna. Ang pangalan ng aking mapagmahal at mapagkalingang ama o “daddy” ay
Abraham C. Velasco, na isang technician. Ang aking mapagmahal at mapagarugang ina
o “nanay” ay si Agustina A. Velasco, na isang direct seller.Ang aking bunsong kapatid ay
si Joyce Louise A. Velasco, kasalukuyang nasa ikaunang antas sa Mataas na Paaralan ng
Colonel Lauro D. Dizon Memorial National High School.

Ako ay nag-nursery sa Day Care ng isang simbahang Born Again, kung saan isa ako sa
mga magagaling sa klase, sa pagiging nursery, meron akong apat na karanasan na hindi
ko makakalimutan, una ay yung tuwing sasakay na kami sa aming ‘service’ kung saan
kaming mga mag-aaral ay nag-uunahan sa tabi ng pastor na aming drayber,na lagi pang
sinasabi, upang di kami mag-unahan ay “bawal ang bata dito,huhulihin ng pulis”,ngunit
kami pa rin ay mapilit. Pangalawa, ay habang patakbo kaming sasakay sa aming ‘service’
ay nadulas sa putikan ang kasabay ko sa pagtakbo, nagalit sya sa akin dahil ako daw ang
may gawa ng pagkadulas nya, ngunit bilang bata, ako ay natuwa sa pagkadulas nya, dahil
sa pagkadulas nya, ako ang nauna sa unahan ng sasakyan, katabi ng pastor na aming
drayber,simula nyon, ay ewan ko ba, parang ako na lang lagi ang nasa unahan.Pangatlo,
ako ay nangunguha ng pambura ng aking kaklase, itinatago ko sa loob ng aking ‘desk’ at
saka inilalabas pag-uwian na,iuuwi ko na.Ngunit isang beses ko lang iyon ginawa, dahil
nahuli ako ng tita ko at napagsabihan.At ang pangapat,ay matiyaga akong tinuturuan at
inaalagaan ng aking mga tita, habang ang aking mga magulang ay naghahanapbuhay.

Ang aking ‘Prep. School Life’ ay masaya din, nasa Malolos, Bulacan pa rin kami, ang
aking natatandaan ay, lagi kaming naglalaro, laro-laro-laro, minsan ay ‘nag-a-adventure’
kami, nakakarating kami sa kalikulikuran ng aming paaralan kung saan ay hindi naman
talaga dapat puntahan ng mga mag-aaral, ngunit kami ay mapilit, nahanap talaga kami
ng daan, meron kaming napupuntahan na parang bukid, madamo, kami ay hindi na
nagpapatuloy ng aming ‘paglalakbay’ doon, hindi dahil natatakot kami na baka may kung
anong hayop o ahas roon, kundi dahil alam na naming kami ay napapalayo na.

Sa ikalawang baitang ng aking ‘Prep. School Life’ ay nasa Laguna na kami, sa First
Evangelical Learning Center ako nag-seniorgarten, ang di ko makakalimutan na
karanasan ay yung ipinasok ako sa mas mababang antas dahil iba daw ang turo don
sa dati kong pinasukan, inobserbahan ako ng aking titser at nabiglang alam ko na
ang kanyang itinuturo, ipinasok ako kaagad sa mas mataas na baitang, ang angkop
sa akin.Hindi ko rin makakalimutan ay yung pumasok sa aking ilong ang pambura
ng aking pencil dahil sa kakaamuy ko dito, parang ginamitan ko ng daliri ko para
matanggal,parang kulangot, pero imbes na matanggal, mas lalo pang pumasok, pinasinga
ako ng aking titser sa kanyang panyo dahil wala akong panyo,simula nyon ay sya na ang
naging paborito kong titser,dahil nyung mga oras na yon ay di ko na talaga alam ang
gagawin at napapahiya na ako sa aking mga kaklase. Natatandaan ko din, isang araw
pumasok ako sa aming silid aralan kakaunti palang kami, napakadami pang bakanteng
upuan, ng ako ay uupo na sa una kong nais na upuan, sabi ng aking kaklase ay meron
na daw nakaupo don, parang ‘reserve’, at marami pang sumunod, kaya naman ako ay
napapunta sa siksikan, sa upuan ng mga lalake, pero doon ay hindi naman ako na-“out of

place”, ngunit nagdaan din ang mga araw at doon na ako nakakaupo sa gusto kong upuan
o pwesto.Naaalala ko din ang araw ng aming pagtatapos sa Prep.,kung saan sa entablado
ay sasabihin namin ang what we want to be, at ang sa akin,…”and I want to be a Doctor”,
ang maging doctor ang pangarap ko dati.

Dumako naman tayo sa aking “Elementary Life”, sa First Evangelical Church ko parin
ipinagpatuloy ang aking pag-aaral. Makunti lamang kami sa aming klase, mga nasa bente
lamang kami,kaya naman kaming lahat ay nagkakausap, magkakaibigan. Kaunti lamang
ang mga estudyante sa pinapasukan kong private school, hindi ko pa alam nyon kung
bakit. Noon, tandang-tanda ko pa, labis kong hinahangaan ang mga estudyanteng nasa
baitang anim, parang para sa akin sila na ang pinakamatanda o ‘mature’. Ako’y boyish at
alam ‘yon ng lahat ng mga nakakakilala sa akin o nakakakita sa akin sa mga panahong
napasok ako sa First Evangelical Learning Center, kasi para sa akin noon, mas
magandang maging lalake o mas masarap maging lalake. Naaalala ko pa, lagi kong binu-
bully ang isa sa kaibigan kong lalake, minsan ay sinusuntok ko siya, pero hindi naman
malakas, hindi siya naganti, nananatili parin kaming magkaibigan. Isang araw, para
mapatunayan ko sa kanya na ako ay malakas at kaya ko sya, malakas kong sinuntok ang
aming pisara, ah!ang sakit talaga!, pero bilang pahanga hindi ko pinahalata na ako ay
nasaktan, ginaya naman niya ako, malakas din nyang sinuntok ang pisara, syempre
nasaktan din sya, ang pinagkaiba lang ay pinakita niya sa akin na nasaktan siya, kaya,
again, that puts him under me… Lagi din akong nakikipaglaro sa mga kaklase kong
lalake at lagi din akong naglalaro ng larong panlalaki, minsan panga ay ako lamang ang
nag-iisang babaeng naglalaro kasama ang mga lalake, gaya ko, nasisiyahan din silang
kalaro ako, dahil hindi daw ako maarte, which is true, hindi na bago para sa akin na ako
ay madungis o may dumi ang aking damit o may sugat ang aking tuhod at siko. Ang
aking mga paboritong laruin doon ay, paltok bola, cards, taya-tayaan, sikyo at iba pa,
ayoko ng mga mahihinhin na laro. Ang hindi ko makakalimutan ay yung sabay-sabay
kaming tatlong babaeng umihi, ako ang nasa cubicle, ang isa kong kakaklase ay sa sahig
naihi, at ang isa pa ay nasa may pintuan nakatayo hinihintay ang isa sa aming matapos
banyo, ay ewan ko ba, matapos kong lumabas ay naiwang bukas ang pinto, basta di ko na
alam ang buong pangyayari, ayun, dahil parang ‘cr time’ naming ‘yon, halos lahat kami
ay nasa labas ng banyo, ‘yon!nakita naming lahat ang puwet ng kaklase kong naihi sa
sahig, at wala man lamang nagsarado ng pinto, ‘yon, nagalit sya sa akin, at parang lahat
ng mga babae ay galit sa akin, doon ko naging bestfriend si Angela, sya lamang ang
kumausap sa akin ang hiningi ang aking ‘side’, dahil pareho kaming boyish noon, parang
nag-match kami, at simula niyon naging mag-bestfriend na kami ni Angela. Hindi pa rin
nawawala ang pangunguha ko ng gamit ng kaklase ko nang ako ay nasa unang baitang.
Hindi ko makakalimutan ng ako ay isa sa lima o pitong napiling mababait at tahimik ng
ako ay nasa unang baitang pa, bilang premyo ay kami ang uupo sa itaas ng aming silid
aralan na tuwing may okasyon ay iyon ang ginagawang entablado. Hindi pa nawawala
ang pangunguha ko ng gamit ng aking kaklase ng ako ay nasa unang baitang pa lamang,
ang kinukuhanan ko ng gamit ay ang katabi kong kaklase na lalaki, dahil konti lamang
kami sa ‘special seats’ hindi nakikita ng aking mga kaklase ang pangunguha ko, syempre
tsumetsempo ako sa walang klase o di nakatingin ang aming guro, parang ngayon ay
bilib ako sa aking sarili dahil pati ang mahabang pencil, na sobrang haba talaga, ay
nagawa kong nakawin ng di niya nalalaman, parang nagkaroon na sya ng hinala sa akin

pero, ewan ko ba, na sa sobrang galing ko sa pagnanakaw ay wala siyang masabing
proweba.Natatandaan ko din, isang araw, ng masaya kaming naghuhugas ng kamay
parang kagulo kami sa lababo, paunahan, ay nasiritan ang isang titser na napakataray,
bilang mga bata siya ay kinakatakutan namin, dahil nakakatakot ang kanyang mukha, ng
siya ay masiritan, nanlaki ang kanyang mga mata at mas lalong pumangit ang kanyang
mukha, mas natakot ako ng parang nakatingin sa akin, na parang tinuturong ako ang may
gawa, pinatawag kami sa Principal’s Office, at pinagsabihan, parang naiintindihan kami
ng principal dahil, syempre, bata kami, napaka-oa lang nya, simula nyon, siya na ang
naging hatest teacher ko.Hay…napakadali at napakadami kong magka-crush noon. Ang
nag-papressure lamang sa akin ng ako ay napasok pa sa First Evangelical Learning
Center ay yung pinagperform kami ng may isang palayok sa ulo, grabe! habang nag-
peperform kami, sobrang kinakabahan ako. Natatandaan ko din ng nakauto ako ng isa
kong kaklase, dahil habang nagte-test, hindi masyado nagmamasid o nagbabantay an
gaming titser, dahil, hindi naman talaga siya nagbabantay dahil nakakalusot pa rin kami,
ang nangyari, magpapalitan kami ng sagot, pakokopyahin nya ako ng kahulugan ng mga
akronims, at ako naman, pakokopyahin ko naman siya ng pipili sa mga letra, eh hula ko
lang naman yong kinokopya nya, pero yung kinokopya ko ay sigurado sya, ng markahan
na n gaming titser, madami kaming tama sa ibigay ang kahulugan ng mga akronims, pero
doon sa pipili sa mga letra, hindi ganoong kadami ang aming tama kumpara sa tama na
nakuha ko mula sa kanya, hindi naman nya ako kuwinestyon dahil madami dami din
naman ang nakuha nyang tama sa akin, pero mas lamang pa rin ako.Ang isa sa
pinagsisisihan kong ginawa noon, ay yung binigay ko sa crush ko yung parang
playstation na regalo sa akin ng tita ko noong aking kaarawan.Ang pinaka-ayaw kong
kaklase noon ay isang lalaki, naging hatest classmate ko sya dahil napakamanyak nya,
arggh!, ayoko ng isalaysay pa ang pagiging manyak nya, basta napakamanyak nya.
Hanggang baitang tatlo lamang ako sa First Evangelical Learning Center, ako ay lumipat
sa isang pampublikong paaralan, dahil isinarado na ang departamentong pinagta-
trabahuhan ng aking nanay, na nagdulot na hindi na kami kayang pag-aralin pa sa isang
pribadong paaralan.

Ang ikalawang yugto ng aking ‘Elementary Life’. Sa Ambray Elementary School ako
pumasok bilang nasa ika-apat na antas at dito nagtapos ng elementarya. Pagusapan muna
natin ang paglipat naming magkapatid sa isang pampublikong paaralan, noong una, hindi
ko matanggap na ako ay lilipat na dahil unang una ay nasanay na ako sa isang pribadong
paaralan ako pumapasok, ang nasa isip ko sa isang pampublikong paaralan noon, ay
magulo, napakadaming bata, at hindi masyado matuturuan dahil sa sobrang dami.
Pangalawa, maiiwan ko ang aking mga kaklase at kaibigan sa First Evangelical Learning
Center, bagong pakikipagkaibigan na naman, at alam kong makakadanas ako ng
napakalaking pagbabago. At pangatlo ay, ang mga pinsan ko ay nakapagtapos o nag-
aaral sa First Evangelical Learning Center, tapos ako, hindi, di ba bilang bata, gusto ay
kaangkop ka sa mga taong nakapaligid sa iyo. Pero nagdaan din ang mga araw, ay
natanggap ko na rin ang katotohanan. Sa pagpasok ko sa Ambray Elementary School ay
ninais ko na mapabilang ako sa pangalawa sa pinakamataas na seksyon at hindi sa
pinakamataas na sksyon o seksyon A dahil ang nasa isip ko ng mga panahong iyon ay
baka hindi kayanin ang mapabilang sa pinakamataas na seksyon, at baka makolelat ako,
hindi natupad ang aking kahilingan, ako ay napabilang sa pinakamataas na seksyon,

syempre dahil ako ay wala pang kakilala ay ako lamang ay tahimik at nahihiya.Unti-unti
ko ng nakikilala ang aking mga kaklase, at nagkakaroon na rin ako ng kausap. Gaya ng
mga nakaraang isinalaysay ko sa iyo, meron akong di makakalimutan, naaalala, at
natatandaan na karanasan sa pagpasok ko sa Ambray. Naging ‘arrogant’ ako ng madulas
ang aking kalaro ay pinagtawanan ko pa sya, parang hindi niya nagustuhan ang ginawa
kong yon, pero ganoon lang talaga ako, dahil ang nakasanayan ko ay, hindi mo
masasabing ikaw ay naglaro kung ikaw ay hindi nadulas, nadapa, nasugatan, o anumang
may kaugnayan sa mga sinabi ko, doon ko napagtanto na kailangan ko talagang mag-
adjust. Wala na atang tao ang di nakaranas na mapahiya, unang bigay na takdang aralin
ng aming gurong tagapagpayo ay wala akong takdang aralin, ng che-chekan na ang
takdang aralin, chi-ne-check din pala ng aming gurong tagapagpayo kung sino ang may
takdang aralin at kung sino ang wala, wala ako noong takdang aralin, pero parang wala
lang sa akin, kasi nasanay ako na kapag walang takdang aralin ay edi wala kang marka,
pero matataas pa rin naman ang aking grado,edi yon pinatayo ako, tinignan ang aking
sulatan at nakitang wala akong gawa na takdang aralin, ewan ko ba kung pinagsabihan
ako o pinatili akong nakatayo, nakatingin lahat ng aking kaklase at parang hindi yon ang
inaasahan nila sa akin. Sa aking pagpasok sa Ambray Elementary School, hindi pa rin
napuputol ang ugnayan namin bilang mag-bestfriend ni Angela, kami ay nagkakausap sa
pamamagitan ng pagbibigayan ng sulat, kasalukuyan po akong mag- aaral sa Colonel
Lauro D. Dizon Memorial National High School, ako ay kabilang sa aking
pinagmamalaking seksyon na 4-Archimedes.Yun lamang po at maraming salamat.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento