Powered By Blogger

Huwebes, Pebrero 16, 2012

sarah jane andal

         Ako si Sarah Jane Caponpon Andal, 16 years old. Ako ay nakatira sa Barangay San Joaquin, San Pablo City. Ang aking kaarawan ay Oktubre 26, 1995 . Ang aking magulang ay sina Felicidad Andal at Allan Andal. Ang aking kapatid ay si John Eric Andal at ako ang bunso sa aming dalawa. Ang trabaho ng aking ina dati ay guro ng kinder dahil siguro maliit ang sweldo kaya't nag-ibang bansa siya. Siya ay nagtrabaho sa Brunei ng dalawang taon at sa Saudi Arabia ng dalawang taon rin. Sa ngayon, siya ay nasa aming bahay na lang at nagtayo ng sariling tindahan. Ang trabaho naman ng aking ama ay tricycle driver. Ang aking kapatid naman ay di-inaasahan ay namatay dahil sa matinding karamdaman o sakit. 
            Ang aking ina na si Felicidad Andal ay mabait, mapagmahal, maalaga at higit sa lahat responsable sa lahat ng bagay. Siguro dahil sa katamaran ko at hindi minsan pagsunod s utos niya kaya siya ay nagagalit at nagiging mataray pero kahit ganun pa man mahal na mahal ko pa rin siya. Ang aking ama naman na si Allan Andal ay sobrang bait, paano ko yun nasabi dahil kapag  may nagustuhan ako at kapag humingi ako sa kanya lagi niya akong binibigyan pero kapag may pera lang pero siyempre nahingi lang ako kapag alam kong may pera siya. Kaya rin siguro nasasabi nilang bigay ang luho ko pero may iba rin naman na nagsasabing ayos lang na bigay ang luho ko dahil nag-iisa na lang naman daw ako. Sa kabila ng sobrang kabaitan niya, iba rin siyang magalit, sobra rin. Dati hindi malala kapag pinapagalitan niya ko ngayon sobra sobra na kulang na lang daig ko pang nakapatay, kaya minsan namimiss ko na ang dating siya pero kahit ganun never niya kong sinaktan gamit ang kamay niya pero sa damdamin lagi kapag nga ako ay napapagalitan niya. Pero kahit ganun mahal na mahal ko pa rin siya .
               Ako ay nag-aral at nagtapos ng elementary sa San Joaquin Elementary School. At sa ngayon, ako ay nag-aaral ng sekundarya sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School at ako ay Fourth year na dito at graduating. Ang aking seksyon sa nasabing paaralan ay IV-Archimedes at ang aming adviser ay si Ginang Rosy Audije na napakabait sa amin kahit kami ay pasaway at maingay.
                Ako ay taong masayahin, mahiyain, maingay at makulit nung elementary ngunit nung ako ay naging high school ako ay naging moody, tahimik, di-mahilig makipagkulitan, lahat nabago kahit sa pananamit ko, dati nung elementary puro damit ko pambabae talaga at makukulay saka lagi akong nakasandals at step-in ngunit ngayon gusto ko t-shirt lang at nakapantalon at nakarubber shoes o tsinelas na simple at ang gusto ko lang kulay ng mga damit ko ay black at white kaya siguro nasasabi nilang emo ako at tomboy dahil sa kilos ko,sa bagay kahit ako naguguluhan na din.
                 Ako din siguro ay palakaibigan dahil naging kaibigan at tropa ko ang JABRRIS ngayong high school, sila ay sina Jaymee Altar, Angel Nicolyne Alcantara, Bernamel Banaag, Rachel Banzuela, Rikki Mae Andrada, Maria Isabel Alega at ang S siyempre ako na yun. At si Princess Ara Penaredondo kahit wala siya sa JABRRIS, bestfriend ko rin siya. Masaya ako dahil nakilala ko sila, mga tapat at maaasahang mga kaibigan, mga laging nasa tabi ko sa saya at lungkot. Ngunit nalulungkot na ko dahil sa loob ng apat na taon na magkakasama at magkakatropa, kami ay magkakahiwa-hiwalay na. Ilang nalalabing buwan na lang ang aming pagsasama-sama at kami ay magkakahiwa-hiwalay na at haharap na uli sa panibagong yugto ng aming buhay ngunit sana kahit ganun hindi namin makalimutan ang isa’t-isa at manatili ang pagkakaibigan namin.
          Ang aking mga katropa at parang kapatid ko na simula nung elementary at high school ay sina Lea Ramos at Diane Calabig. Bagay talaga kaming magsama-sama dahil sa tingin ko nagkakaintindihan kami sa bawat nangyayari sa aming buhay lalo na pagdating sa usapang pampamilya at pag-ibig. Masaya ako kasi naging magkakaibigan kami kahit may iba iba kaming ugali at katangian. Pero ang maganda sa aming pagsasamahan parang hindi kami magkakaibigan dahil higit pa sa pagiging magkakaibigan ang turingan naming. Sapagkat sinasabi namin ang bawat nararamdaman at hinanakit namin sa ibang tao o kahit sa amin, sa isa’t isa. Dahil dun napapatunayan kong hindi kami nagplaplastikan dahil nagkakaintindihan kami. Kaya mahal na mahal ko sila.
           Ako, tao rin ako  marunong magmahal kaya siguro nagkaboyfriend na ko. Ang una kong boyfriend ay si Lawrence Padigos, taga-Santiago 1 siya. Siya ay nag-aaral ng high school sa San Bartolome National High School at siya ay graduating na rin. Siya ay player ng baseball sa kanilang school. Siya ay nakilala ko nung bakasyon at naging kami nung second year ako at siya naman third year. Tapos ayon nagbreak din kami after seven or eight months ba at may girlfriend na siya ngayong bago si Irra Zel. Siya ang first love ko pero ngayon para sa akin “Past is past,never been discuss”. After ten months, simula nung magbreak kami ni Lawrence, ayon may nanligaw ulit sa akin si Eidrix Sumadsad, taga-Sta.Veronica siya. Siya ay nag-aaral din sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Naging classmate ko siya nung third year kaya kami nagkakilala. Ayon nanligaw siya pero di talaga ako makapaniwala kasi di naman kami nag-uusap at nagpapansinan tapos ako ang niligawan eh ang daming nagkakagusto naman sa kanyang iba kasi sa totoo lang di ko naman siya gusto nung una kasi di nga kami nag-uusap at nagpapansinan para mahulog ang loob ko para sa kanya. Ayon after one month na panliligaw sa akin sinagot ko na siya kasi nagustuhan ko na din siya. Pero di rin kami nagtagal kasi maraming kontrabida sa aming dalawa kaya ayon di pa kami nakakaisang buwan nagbreak na kami. Ayon after eight months, naging kami ulit kahit iba na ang section niya ngayong fourth year. Hanggang ngayon kami pa rin, four months na kami. Wish ko nga magtagal kami kahit maraming hadlang sa aming dalawa. At ang masaya sabay kaming gagraduate sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School.
             Simple lang naman ang mga pangarap ko sa buhay, ang makapagtapos ng pag-aaral, magkaroon ng magandang trabaho para mabigyan ko ng magandang kinabukasan ang mga magulang ko at upang masuklian ko lahat ng paghihirap nila para sa akin para maging matagumpay ako. Pero alam ko upang matamo lahat ng pangarap, kailangan ng sipag at tiyaga lalo na ang determinasyon na matupad lahat ng pangarap dahil para sa akin ang bawat bagay ay kailangang paghirapan upang matamo. Kaya sa abot ng aking makakaya, gagawin ko ang lahat matamo ko lang ang pangarap na aking inaasam.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento