Powered By Blogger

Huwebes, Pebrero 2, 2012

Talambuhay ni Analyn M. Britanico

Talambuhay ni Analyn M. Britanico
Isinilang ako noong Enero 21,1992 sa Kayumangi Lipa City. Ako ay labing siyam na taon na. Ang aking mga magulang ay sina Leopoldo at Victoria Britanico. Sila ay sang mabait at maalagang magulang.  Ang aking ama ay isang drayber ng isang pampasaherong dyip ngunit bago siya naging drayber ng iba’t-ibang sasakyan nagtrabaho siya sa maraming kompanya bilang isang production operator at isang maintenance sa iba’t-ibang kompanya ng Laguna. Naging isang constructin worker din ang aking ama sa Maynila lungsod ng Makati. Ang aking ina naman ay dating mananahi sa Amante,ngunit siya ay napahinto sa pagtatrabaho dahil sa isang karamdaman. Nang siya ay gumaling muli siyang nagtrabaho sa idang tahian sa Alaminos. Naging coconut dealer din ang aking ina sa kanilang probinsya sa Eastern Samar ng mahigit tatlong taon. Kami ay pitong magkakapatid at ako ay pangatlo sa magkakapatid,at isa saamin ang may aswa na.  Ako’y  pumasok ng elementarya ng San Benito at dito din ako graduate. Nang ako’y nasa sekundarya na pumasok ako sa Paaralan ng Col. Lauro D.Dizon Memorial National High School at ngayon ay nasa ikaapat na baitang ng sekundarya. Sa Paaralang ito marami akong pinagdaanan. Dito ko naranasan ang unang pakikisalamuha sa iba’t-ibang tao na galing sa iba’t-ibang paaralan at barangay. Sa una natakot akong makisalamuha sa kanila dahil hindi ko sila kilala pero ng magtagal unti-unti kong nakuha ang kanilang ugali. Ngunit dito ko din naranasang laitin ako ng aking dalawang kamag-aral,masyado akong nasaktan noon kaya kahit humingi sila ng tawad at napatawad ko sila hindi ko parin malimutan yung mga sinabi nila tungkol saakin. Ngayong taon marami na akong kaibigan at napatunayan ko na mali sila. Ngunit bago ako ako makarating sa huling baitang ng sekundarya marami akong pinagdanan. Natuto akong matrabaho sa murang edad. Namasukan ako sa may-ari ng bahay na tinitirhan namin,sila ang nagpapaaral saakin ng ako’y nasa ikaapat na baitang sa elementarya at ang binibigay nilang pera saakin ang aking binabaon sa paaralan. Nang mamild stoke ang aking ama natuto din kaming magkakapatid na magtinda ng  tinapay sa umaga at hapon bilang pangsuporta sa aming pangaraw-araw n pagkain. Nagtrabaho din ako bilang taga hatid ng mga karne sa iba’t-ibang tao n may order at ang kinikita ko dito ay aking binabaon at ang matitira ay ibibigay ko sa aking ina o kaya ibibili ko ng aking pangangailangan sa paaralan. Nagsikap kaming mag-anak upang matustusan ang aming pangangailangan. Mraming tao din naman ang tumulong meron din namang nagdamot. Ngunit hindi kami sumuko patuloy kaming nagsikap upang malagpasan ang aming pasanin sa buhay at nagpapasalamat ako sa itaas dahil nakarecover ang aming ama sa kanyang karamdaman. Nagpapasalamat din ako dahil hindi niya kami pinabayaan sa gitna ng aming matinding problema sa buhay. Ngayon nagtatrabaho na ulit ang aking ama at ang aking kuya ang tumutulong sa kanya sa pagtatrabaho. Nagtatrabao ang aking kuya sa isang construction firm na pagmamay-ari ni Ramir Saspa. Huminto siya sa pag-aaral dahil sa kakapusan namin sa pera ngunit ipagpapatuloy niya ang kanyang pagpasok pag ako’y nakagraduate na. May dalawa pa akong kapatid na nsa elementarya at isa sa ikalawang baitang n ng sekundarya na. Naranasan ko ding hindi mag pasko na kasama ang aking pamilya dahil sa trabaho ko. Labing anim na taon pa lang ako napawalay n ako sa aking mga magulang dahil pinili ko ng magtrabaho sa mas malayo para matuto akong tumayo sa sarili kong paa dahil ayoko kong balang araw ay aasa ako sa aking mga magulang. Marami din akong nakakasalamuhang tao at naging kaibigan habang nagtatrabaho. Sa pagtatrabaho ko sa Maynila natutuhan kong mag-isa at walang kakilala,ng bago palang ako siyemre natakot  at nakadama ng lunkot dahil nga malayo sa pamilya pero hindi ako nagpatalo bagkus nilakasan ko ang aking loob upang makatulong sa pamilya. Sa aking pamamasukan dito natutuhan na magluto ng iba’t-ibang lutong bahay,mamalengke mag-isa at mamasyal ng walang kasama. Dahil sa aking pagtigil ng dalawang taon,marami akong pinasukang trabaho. Nagtrabaho din ako sa isang kantin sa aming barangay mga pitong buwan peri umalis ako,nagtrabaho na ako sa  Guadalupe,Makati City bilang kasambahay nagtagal ako ng isang taon at tatlong buwan medyo mahirap ngunit nakaya ko naman ang trabaho kasi pag-aalaga lang ng bata at paglilinis ng bahay,minsan lang ako maglaba dahil yung isa kong amo ang naglalaba ng damit nila. Dito ko naranasang pumunta sa iba’t-ibang pasyalan katulad ng Star City,Manila Zoo,Mall of Asia at marami pang iba. Minsan pa nga habang namamasyal kami sinabi ko sa sarili ko na balang araw madadala ko rin ang aking pamilya sa mga lugar n napuntahan ko. Dito ko din nabili ang una kong cellphone. Ngayong taon ako’y nagtatrabaho tuwing bakasyon sa isang laundry shop sa Quezon City. Pinasok ako ng aking tito,mabait naman ang naging amo ko dito pati ang aking mga katrabaho. Mahirap sa umpisa dahil hindi pa ako sanay maglaba ng hanggang gabi at araw-araw ap pero unti-unti din akong nasanay sa aking bagong trabaho. Nang ako’y makilalang mabuti ng aking amo pinagkatiwalaan niya akong mabuti,ako na ang pinahahawak niya ng pera na kinikita ng kanyang laundry shop. Kinakabahan ako noon dahil nga malaking pera ang hinahawakan ko,naiisip ko na baka ako maholdap pero salamat naman at ako’y may gabay. Ako din ang namamahala  sa shop pag wala sila. Malaki ang naitulong sa akin ng aking trabaho lalo n sa aking pagaaral. Ako na ang bumibili ng aking gamit sa paaralan,minsan pagmay tira pa akong pera tinutulungan ko ang aking ina sa pagbili ng gamit ng aking ibang kapatid para kahit papano nakatulong ako at nabawasan pa ang kanilang problema. Ngayong taon na ito habang ako’y na pasok pa tinutulungan ko ang aking ina sa pagluluto ng kakanin na ipinapasok sa kantin. Ngayong kapaskuhan sama-sama kaming mag-anak sa aming tahanan para sa Noche Buena. Konti man ang aming handa ang mahalaga naman ay masaya kami at sama-sama at nagkakaunawaan. Ngayong mababagong taon nagtutulungan kami upang mapaganda ang aning tahanan at maging masaya ang aking pamilya. Hinihiling ko na sana sa darating na taon makatpos ako ng pagaaral ng walang problema at ng matulungan ko ang aking pamilya sa pagtatrabaho at sana maging matibay pa ang aming samahan.  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento