Powered By Blogger

Miyerkules, Enero 11, 2012

Habang may Buhay may Pag-asa ( Ang talambuhay ni Mark Joseph G. Caneo )

Ako sa Kasalukuyan
     Ang talambuhay ay sumasalamin sa pagkatao ng isang nilalang  sapagkat kung alam mo ang talambuhay ng isang nilalang malalaman mo ang lahat ng pangyayari sa buhay niya na magiging daan upang makilalama siya ng lubusan. Ang isa pang kahalagahan ng talambuhay ay nililikha ito upang magbahagi ng mga karanasan sa buhay na maaring magbigay ng aral at solusyon sa sariling buhay ng mga mambabasa. Nakakatulong din ang talambuhay sa isang tao sa pagpapalabas ng sariling emosyon dahil habang sinusulat ang isang talambuhay ay nababalikan ang mga pangyayari sa nakaraan kasama ang mga emosyong naramdaman sa pangyayaring ito. Sa isang talambuhay may bahaging masaya at malungkot dahil sa buhay nating ito may hirap at may ginhawa. Tunay na ang saya -sayang gumawa ng talambuhay lalo na ng sarili mo dahil maiibahagi mo sa iba ang iyong karanasan sa buhay at magdudulot pa ito ng aral sa ibang mambabasa. Kaya ngayon mga mambabasa samahan ninyo akong balikan ang mga pangyayari sa aking buhay mula pagkabata hanggang sa kasalukuyan na sana'y magsilbing gabay ninyo sa sarili ninyong buhay.

Ang aking Pamilya

     Bago ang lahat nais ko munang ipakilala ang aking sarili, ako ay si Mark Joseph Caneo labing anim na taong gulang ngayong kasalukuyan. Ipinanganak ako noong Hulyo 28, 1994. Nakatira ako sa kasalukuyan sa Brgy. San Cristobal San Pablo City. Sa kasalukuyan ako ay nasa ikatlong antas ng mataas na paaralan ng Colonel Lauro D. Dizon Memorial National Highschool. Ang pangalan ng aking ina ay si Lilibeth G. Caneo at ang aking ama naman ay si Sonny G. Caneo. ang aking mga kapatid naman ay sina Reynel Caneo at Arvin Caneo at sila ang bumubuo sa aking pamilya.
      Tulad ng aking sinabi pinanganak ako noong Hulyo 28 ,1994 sa panahong ito nagsimula ang aking talambuhay. Siyam na buwan akong dinala ng aking ina sa kanyang sinapupunan hanggang sa ako'y maisilang at lubos akong nagpapasalamat sa bagay na iyon. Dito ako nakaranas kung paano mamuhay bilang bata, nakaranas akong uminom ng gatas sa bote, sumala sa higaan,, maging makulit na bata, maglaro kasama ang mga kalarong bata at marami pang iba na mginagawa ng isang bata.

Larawan ko ng ako ay Kinder
       Dumating ang araw na nagtapos na ang unang bahagi ng aking pagkabata kinailangan ko nang pumasok sa paaralan para matuto. Nagsimula ang panahon ng aking pagpasok bilang kinder sa paaralang San Rafael Day Care Center noong 2000- 2001 at noong panahon na iyon nakatira kami sa San Rafael S.P.C. Naging mahusay akong mag-aaral noong kinder at sa tulong ng aking magulang nakapagtapos ako ng kinder. Masayang masaya ang aking mga magulang ng araw na iyon at ganoon din ako kaya nangako ako sa aking sarili na mas pagbubutihan ko pa ang aking pag-aaral.
     Marami akong natutuhan sa buong taon ko sa kinder ngunit hindi dito nagtatapos ang panahon ng aking pag-aaral. Nagsimula na akong pumasok sa elementarya sa unang antas at mas lalo ko pang pinagbutihan ang pag-aaral sa mga panahon na iyon at nagbunga ito nakamit ko ang pagiging third honor hanggang sa Grade 3 ng aking elementarya sa paaralang Joel Town Primary School. Pero sa panahong iyon hanggang Grade 3 lang ang antas sa elementaryang naroon kaya kinakailangan kong lumipat sa Laurel Ville para magpatuloy sa pagaaral. Ang nakakalungkot ay ilang buwan lang ang nakakaraan ay nalipat kami ng bahay kaya napatigil ako sa pagpasok. Hanggang sa mapalipat kami sa San Cristobal sa lugar na ito ako nagpatuloy sa pagpasok sa elementarya hanggang sa makapagtapos at sa aking pagtatapos ay nagkamit ako ng iba't ibang parangal sa mga paligsahan at sa mga quiz bee at nakamit ko muli ang pagiging third honor hanggang sa aking pagtatapos. Labis ang katuwaan ng aking mga magulang ng panahong iyon.
      Para sa akin dito nagtatapos ang aking pagkabata dahil maraming bagay ang nangyari sa akin pagkatapos kong magtapos sa elementaryaat ang mga bagay na ito ay naging hudyat ng aking pagiging binata. Sa bahaging ito namulat ako sa tunay na buhay sa mundong ito, humarap ako sa maraming problema sa buhay, dito ako sinubok ng diyos at pinalakas at hanggang ngayon ang mga problemang ito ay aking nararanasan pa. Ang buhay ay talagang ganyan na kahit isa kaming mahirap na pamilya ay hindi pa rin kami sumusuko sa takbo ng buhay at sama -sama pa rin naming hinaharap ang buhay na ito.

Larawan ng Graduation ko sa Elementarya
       Nang magtapos ako ng elementarya pinaghandaan ko na ang susunod na bahagi ng aking buhay ang pagpasok sa high school at sa pagpasok ko bilang high school na mag-aaral ay may nagiisa akong layunin ito ay ang makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng trabaho upang makatulong ako sa aking pamilya. Dahil nangako ako sa aking pamilya na iaahon ko sila sa kahirapan na kanilang nararanasan ngayon.
      Pumasok ako ng high school sa paaralang Colonel Lauro D. Dizon Memorial National High School at sa paaralang ito naganap ang buhay ko bilang highschool na mag-aaral at ayon sa aking mga magulang na pinakamasayang panahon sa aking pag-aaral. Nagsimula akong pumasok sa high school bilang first year at dito may mga bago akong nakilala na naging kaibigan at kaklase. Sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay napapunta ako sa science section at dito nagumpisa ang aking highschool life. Simula palang ng aking pag-aaral sa high school ay inataki agad ako ng problema sa financial kaya muntik na ako mapatigil ngunit dahil sa kabutihan ng aking mga guro nakapagpatuloy ako at hindi naman ako sumuko at nagpatuloy sa pagpasok at kahit hindi na ako maging honor ay ayos na sa akindahil para sa akin ang mahalaga ay makapagtapos ng highschool. Nakapagtapos ako ng first year at mapalad dahil hindi ako naalis sa science.
     Sumunod na pasukan ay Sophomore na ako at habang tumatagal ay nagiging masaya na rin ang high school ko. Pero hindi nawala ang mga problema ko sa buhay ngunit iba na dahil hindi ako sumuko sa mga problemang ito at sa halip nagisip ako ng solusyon sa mga problemang ito. Sa awa ng Diyos nakapagtapos ako ng 2nd year high school.

Larawan ko ng ako ay Third Year High school
      Pero ngayong Senior na ako ay mas matinding problema at pagsubok ang binigay sa akin mga pagsubok na nagpatatag sa akin. Noong taong 2010 nagumpisa ako sa ikatlong antas sa high school ay sinubok kami ng isang problema at ito ay nang nawalan ng trabaho ang aking tatay grabeng paghihirap ang dinanas namin  na halos ikamatay na namin dahil sa ito lang ang inaasahan namin para mabuhay. Napatigil ang aking mga kapatid, dumanas kami ng matinding gutom, nawala lahat ang mga gamit namin dahil naipagbili at higit sa lahat muntik na naman akong mapatigil. Pero dahil hindi kami pinabayaan ng Diyos nakaraos kami hanggang ngayon sa tulong ng mga tao na handang tumulong sa amin at labis akong nagpapasalamat sa mga taong iyon.
     Dumating ang araw na tinanggap ko na, na ako ay mapapatigil sa third year at baka sa taon na magpatuloy pero tinulungan ako ng mga pinsan ko para makapagpatuloy sa pag-aaral kaya hanggang ngayon ay pumapasok pa ako at kahit na nahihirapan na ang mga pinsan ko sa pagpapaaral sa akin dahil hindi naman biro ang pagpapaaral ay hindi pa rin nila ako binibitiwan at buong puso pa rin silang nagbibigay.Lubos naman akong nagpapasalamat sa mga bagay na iyon at kahit na matanggal ako sa science magpapautuloy pa rin ako at mas pagbubutihan ko pa ang pag-aaral upang makapagtapos ng high school.
    Hanggang sa mga oras na ito at habang ginagawa ko ang talambuhay na ito ay marami pa rin akong kinakaharap na problema na magiging bahagi pa rin ng aking buhay pero magiging malakas ako sa pagharap sa mga ito at sigurado akong matatapos din ito dahil alam ko habang may buhay may pag-asa. Kaya sisiguraduhin kung pag nakapagtapos ako ng high school ay ako mismo ang mag-aahon sa aking pamilya at hindi ko sila pababayaan habang buhay.

talambuhay Arren Mangurali

Ipinapakilala ko ang aking sarili sa ngalan na Arren Salcedo Mangurali na ibinigay sa akin ng aking mga magulang na si Catalina Mangurali. Ang aking ina at ang aking ama na si Ariel Mangurali Sr. Ipinanganak ako noong Setyembre 24, 1995 sa Brgy. Matipunso, San Antonio Quezon.
 Ang trabaho ng aking ama ay tricycle driver at ang aking ina ay sa bahay lamang ngayon, kami  ay limang mag kakapatid ang panganay sa amin ay si Archie Mangurali na sa ngayo’y nagtratrabaho sa Jollibee Shopping Mall. Ang pang apat ay si Arlene Mangurali na may anak na ang pangalan ay ariane napakacute ng kanyang anak ay chinita. Ang kanyang asawa ay pumanaw na dahil sa malmang kalagayan maraming komplikasyon sa katawan sinubukan itong gamutin pero di nila ito nagamot. Ako ang pangatlo sa aming limang magkakapatid sumunod ay si Arra Mangurali na pumapasok sa Col. Lauro D. Dizon MNHS at ang aming bunsong kapatid ay si Ariel Mangurali jr. na pumapasok sa Don Enrique Bautista Elem. School siya ay isang napakulit na bata kahit siya ay makulit ay napagsasabihan naman minsan.

Sa edad ko ngayon na 16 anyos na gulang ay marami ng mga pangyayaring nangyari sa aking buhay noong ako ay ipinanganak hanggang dalawang taonay nakatira kami sa San Antonio Quezon kung saan nakatira angaking ama at mga lolo ko. Pumunta kaming Angeles Pampanga noong ako ay 6 na taon na ay lumipat na kami sa San Pablo City Laguna dahil dito nakahanap ng titirahan ang aking ama na si Ariel at dahil may kamag-anak din sya ditto.
Nakatira kami ngayon sa Farconville Phase 1, San Francisco Calihan San Pablo City Laguna dito sa lugar na ito ako pumasok agad. Ako noong ako ay 7 taon anyos pa lamang sa grade 1. Ang aking naging guro noon ay si Mrs Amon. Nahirapan ako noong bata dahil konti pa lang alam ko at hindi ako nagkinder.
Ang gurong di ko malilimutan sa eskwelahan na iyan ay si Ms. Rica Pricilla. Na naging isang guro na nagbigay ng magagandang alaala sa akin. Sa eskwelahang ito ay dito akong natutong sumulat bumasa at natuto ng ibat ibang aralin. Dito rin ay maraming mga kaibigan akong nakikilalang mga kaibigan guro at kaaway na nawala na rin dahil sa pag punta ko sa sekundarya sa paaralan ng Col Lauro D. Dizon MNHS.

 Ako nag sekondarya. Dahil dito din pumasok ang aking kapatid na si Arlene Mangurali at si Archie Mangurali sa paaralang ito ay mas marami akong nalaman at mas maraming aral akong natutunan. Sa paaralang ito noong unang taon ng akoy nasa pangkat c ay ang aming naging gurong tagapayo ay si Gng. Edna Belen siya ay maliit lamang at maputi pero siya ay isang napakabait na guro at sya ay magaling magturo at maganda sya magbigay ng payo sa bawat magaaral at siya ang guro naming sa Filipino 1  siya ay napaka istriktong magturo pag oras na ng klase pero pag hindi na sya nag tuturo siya ay palabiro sa aimng mag kakaklase. Maraming nangyari sa akin noong unang taon ko. Dahil maraming nabago may bagong paaralan bagong bagong, ugali, guro mga kaibigan, bagong schedule mga aralin at mga pangyayari. Marami rin ditong mga palabas tulad ng field demo shindig at iba pa.

Noong ikalawang taon ay nasa seksyon B ako at ang aming guro ay si Mrs Sotalbo bago na naman ang aking mga kaklase dahil konti lang kaming tumaas ng seksyon dahil ditto bagong pakikisama na naman sa aking mga bagong kaklase at bagong mga kaibigan at syempre mga bagong aralin. Di ko makakalimutan ay ang aking pagsali sa florante at laura sa una akoy kinakabahan dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Pero nawala ang aking kaba dahil kaming dalawa ng aking kaklase ay exsemted sa florante at laura pero kami ay tumulong sa aking mga kaklase sa pagbuo ng florante at laura pati sa sound system, pinaghirapan naming magkaklase ang paggawa nito pero hindi kami pinalad manalo pero ginawa naming ang lahat n gaming makakaya.
Ang ikatlong taon ko sa dizon high ang pinakamasaya dahil mababait ang mga guro ko pati ang aking mga kaklase ay hindi mahirap pakisamahan dahil sila din ay mababait. Ang aking mga aralin naman ay naging napakadali para sa akin dahil ito ay pinagsisikapan kong mabuti at don ko rin nakilala ang aking mga tunay na kaibigan sila ay napakabait at kaming mag kakaibigan ay laging magkakasama kahit saan magpunta wala kaming iwanan pati tulong kami sa lahat ng bagay. Masaya din dahil dalawa ang aming tagapayo ang una kong tagapayo ay si Gng Lee at ang aking pangalawang tagapayo ay si Mrs Umali.

Bago mag pasukan ay kami ay lumipat ng bahay sa kadahilanang dumating na ang may ari ng bahay ang kapatid ng aking ama na galing sa ibang bansa  kahit ayaw naming lumipat ay kami ay napilitan mag hanap ng bagong titirahan. Kami ay nahirapan mag hanap ng bahay dahil mahal pero nakakita kami ng bahay sa Fule Sahagun kahit maliit lng ito at madumi ay aming pinagtulong tulungan upang maging maganda ang aming bagong nilipatang bahay. Kami ay naging Masaya sa aming naging bagong tirahan dahil kami ay sama sama. At dito ko rin nakilala ang taong mahalaga sa akin.

At ng pasukan na ako ay excited dahil makikita ko na naman ang aking mga kaibigan pero malungkot dahil hindi ko na sila kaklase. At nung unang araw pa lamang ako ay naghanap ng room at nagbigay ng mga requirements bago na naman ang aking pakikisamahan at mga bagong kaibigan. Naging Masaya dahil alam ko na ako’y pakikisamahan din nila. Pero may pagkakataong akoy naging malungkot pati ang aking mga kaklase dahil namatayan kami ng isang mabuti at matalinong kaklase. Ang aming principal naman ay napalitan at maraming guro ang nadagdagan. At ang mga guro at principal naman ay nagbigay tulong sa mga estudyante ng dizon dahil naging mahigpit at naging maganda ang pamamalakad para sa aming kaligtasan.

Ako ay nagsisikap ng mabuti upang ako ay makagraduate at ang balak ko pag akoy nakapagtapos ng aking pag-aaral at ako ay maghahanap ng magandang trabaho at tutulungan ang aking mga magulang sa aming pangangailangan sa aming tahanan at pagaaralin ko ang aking nakakabatang kapatid.

talambuhay ni Precious Iloso

  Ako si Precious Belen Iloso, ipinanganak noong ika-4 ng hulyo taong 1995, sa lungsod ng San Pablo probinsya ng Laguna. Pangalawa at bunsong anak nini Rosenia at Edgardo Iloso at mayroong isang kapatid na babae na si Princess Diane. Bininyagan ako noong ika-7 ng enero taong 1998. Sa pamamagitan ni Rev.Fr. BAYANI B.F.FRUELDA sa Philippine Independent Church. Ang trabaho ng aking ama ay isang construction worker at ang akin namang ina ay housewife at ang akin namang nakatatandang kapatid ay nagtatrabaho sa isang pharmacy sa San Pablo. Ang aming pamilya ay masasabi kong buo,maayos,masaya at sama sama.

          Noong taong 1999, kung saan ako ay apat na taong gulang na, ay napagdesisyunan ng aking mga magulang na tumira muna kami sa San Juan Batangas. Lugar kung saan nanggaling ang aking butihing ama. Dalawang taon din kami namalagi doon at sa loob ng dalawang taon na iyon doon na ako unti unting nagkaroon ng malay sa mundo. Gusto ko lagi noon na madami akong kalaro  palagi, pero inaaway ko naman lagi ang mga nagiging kalaro ko noon at kapag dumating naman sa puntong ako naman ang inaaway at kapag umiyak na ako, ay pupuntahan ako ng paborito kong aso at babatukin yung mga umaway sa akin.
          Isa sa mga paborito kong lugar at naging parte na ng buhay ko noon ang San Juan Batangas. Ito ay dahil bukod sa fresh na fresh ang simoy ng hangin dito  ay maganda pa ang tanawin. Puro mga kulay berde ang makikita, na talaga namang nakakaakit ng mga mata. Mahilig din ako noon maglaro sa mga puno at magtanim ng mga bulaklak.
          Taong 2001,kung saan ako ay anim na taong gulang na, ay bumalik na kami sa San Pablo para sa pagpasok ko ng kindergarten. unang tatlong araw ko ng pagpasok, ay lagi akong pumapalahaw ng iyak, kapag iniiwanan na ako ng mama ko sa school, kahit na alam ko namang babalik din siya, pagdating ng recess hanggang sa mag uwian.        
          Taong 2002 nang tumuntong naman ako ng unang baitang sa San Crispin Elementary School. Kabilang ako sa sectio A, ngunit pagdating ko ng ikalawang baitang noong 2003,ay nagpalipat ako sa section B. Ito ay dahil natakot ako sa guro, dahil mataray.
          Noong 2004 nanan ako ay nasa ikatlong baitang na ng pag aaral. Naaksidente ang papa ko sa pagtatrabaho sa Sta. Filomena. Nagtatrabaho siya roon bilang welder, nang biglang aksidenteng nadulas siya sa may ikalawang palapag, kaya nahulog siya at dinala sa San Pablo Community General Hospital. Noon din napag alaman kong naaksidente na din pala siya noong hindi pa ako ipinapanganak. Sa San Ignacio siya naaksidente, sa paggagawa  ng isang pabrika roon. Pumatak sa ulo niya yung bakal sa itaas, kaya 50-50 na siya noong dalhin sa Philippine General Hospital. Lumaban siya noon sa kamatayan, kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya, dahil kung hindi siya noon lumaban ay wala sana ako dito sa mundo.
          Taong 2006, ako ay nasa ikalimang baitang na ng pag aaral. Dalawang beses ako napaaway noon, dahil pikon ako, pero pag dumating na ang aming teacher sobrang takot ako, kaya ako ay umiiyak. Ito ay dahil para ako ang kampihan ng aming guro at hindi iyong kaklase ko. Noon ko din nadiskubre ang hilig ko sa mga puno at halaman, dala marahil noong bata pa ako. Naging pangarap ko tuloy noon ang maging isang nature photographer.
          Taong 2008, naman ng makapag tapos ako ng pag aaral sa elementarya. Malungkot ako noon dahil magkaka hiwa-hiwalay na kami ng mga kaklase ko at kasabay noon masaya din naman ako, dahil natapos na ang isang chapter ng buhay ko, para bigyang daan ang magsisimulang panibagong chapter ng buhay ko, sa high school.
          Nang pumasok ako bilang first year high school, ay sa Col.Lauro D. Dizon Memorial High School ko napiling mag aral. Noong unang araw ko ay sobrang kinakabahan ako at excited din. Sa section D ako napabilang noon at nagkaroon agad ako ng mga kaibigan. Mababait sila at masayahin din tulad ko. Mabait din ang naging adviser ko. Nang mga panahon ding ito,nang malaman ng aming pamilya ang sakit sa baga ng aking lolo. Pinagamot namin siya at binigyan din siya ng mga medication. itong mga panahon ding ito nang maranasan ko ang paglaban sa mga quiz bee at sa iba pang activity. Nang dumating ang bigayan ng card ay malungkot ako.
         Taong 2009, isa sa dahilan kung bakit malungkot ako, ay dahil nalaman kong iba na ang seksyon ko.Bagong mga kaklase na naman, panibago din na pakikisama at iniisip ko baka masasama ang ugali nila.Hannang sa tumagal ako sa seksyon na iyon  at doon ko nalaman na mababait naman pala sila at doon ko din nakilala ang best friend ko na si Princess Jhoise Liu. Magkapareho kami sa maraming bagay at mapagkakatiwalaan siya, kaya kami nagkasundo.Iisa din ang aming gusto at ito ay ang maging nature photographer o kaya ay tourism.
        Taong 2010, laking tuwa ko noon, dahil sectin B pa din ako. Sa panahong ito, madaming mga bagay akong hindi malilimutan, dahil nang mga panahong ito nasubukan ang tatag ng frienship namin ni Princess. Madaming mapapait at magandang alaala sa akin ang panahong ito. Hindi ko muna inisip ang pag boboyfriend. Nang mag bigayan na ng card, ay sobrang lungkot ko. Ito ay dahil nalaman kong sa ibang seksyon na namanako mapapabilang, sa darating na pasukan. Kaya ang lungkot ng mga natitira kong araw, bago magpasukan. Bagong makakasalamuha na naman.
       Taong 2011, fourth year high school na ako at napabilang ako sa seksyon A . Naging maayos at masaya naman pala silang maging classmates. Dito ko kasi naranasanang paggala ng gabi at kung anu anonn klaseng kasiyahan.Sa taong ito, maraming bagay din ang hindi ko malilimutan. Isa na dito ay ang pagkamatay ng lolo ko, na nag alaga sa akin noong bata pa ako. Sobrang nakakalungkot ng pangyayaring iyon sa kanya.  Hanngang ngayon, hindi ko pa din iyon tanggap. Bukod doon, sa taon ding ito  ko nakilala ang guro  na talagang nakaka inspire. Ito ay dahil sa kanyang kabutihan sa amin, bilang pangalawang magulang namin ng mga kaklase ko.

Huwebes, Enero 5, 2012

class Organization

IV-Archimdes Class Organization

President: Jaymee Altar
Vice- President: Mark Joseph Caneo
Secretary: khatreen Capuno
Treasurer: Maria Isabel Alega
                 Gerry Ilustre
Auditor: Raniel Alidio


Adviser: Mrs. Rosy Audije