Powered By Blogger

Lunes, Pebrero 6, 2012

Ang Madramang Talambuhay ko ( Princess ara ) :)

Ang Aking Talambuhay

     Ako po si Princess Ara Dan Peñaredondo, labinlimang taong gulang, na ipinanganak sa malaking ospital ng San Pablo, Laguna noong ika-4 ng Nobyembre taong 1996. Ang aking zodiac sign ay Scorpio, at ako po ay year of the rat. Masasabi ko po sa aking sarili na, ako po ay isang mabutingtao na may takot sa Diyos, at matulungin at lubhang mapagmahal sa kapwa. Sa kabila ng aking magagandang ugali ko at kakayahan ay mayroon naman akong kahinaan na nais ko pong baguhin upang lalo ko pa po mapaunlad ang aking pagkatao ng sa ganoon ay magsisilbing huwaran ako sa aking kapwa. Kami po ay apat na mag kakapatid, si Ate Glaiza ang panganay kong kapatid, kami ay kadalasan mayroong di pagkakaunawaan na nag reresulta sa tampuhan pero nawawala din ito pag lipas ng araw, si Ate Lyka naman ang sumunod siya ay mabait at tumutulong sa akin, at sumunod naman ay si Kuya Gino Karlo siya ay lagi kong kalaro at kaaway noong bata pa ako pero mabait na siya sa akin ngayon ngunit pinapahed pa rin. Si mama Edna Dan Peñaredondo ang aking butihing ina, siya ay mabuti at mapagmalasakit na magulang sa amin at si Nestor Dela Cruz Peñaredondo naman ang aking butihing ama na siyang laging gumabay at nag papayo sa aking paglaki.
     Nag aral po ako ng elementarya sa paaralan ng Elementarya ng San Marcos, at doon ay nakakilala ako ng mga kaibigan na naging kalaro ko, sila ay sina Rona Palejon, Danica Cosico, Janella Espinar, at marami pang pang iba. Mahilig kami noon maglaro ng paper doll at tao-tauhan,at tuwing pagkaawas namin ay naglalaro din kami ng iba ko pang kaklase ng sikyo, tumbang-preso, patintero, at luksong-tinik. Naaalala ko din po na noon ay napapaaway din ako sa iba kong maaarteng kaklase, pero hindi iyon naging hadlang sa pagiging masayahin kong bata. At dumating naman ang panahon na mag tatapos na kami sa pagiging elementarya, ito ay naging emosyonal para sa aming lahat dahil naging malapit kami sa bawat isa.
      Ngayon ay hayskul na po ako madami akong hindi malilimutan na karanasan. Sa unang araw ng pagiging freshmen ko po ay sobrang nakakaba para sa akin kasi wala pa ako noon kakilala, hindi ko nga din inakala na magiging seksyon A ako. Ang mga naging gurong taga payo ko ay sina Gng. Hitosis at Mrs Carina Liay. Nagkaroon din ako ng mga kaibigan tulad nila Michelle Ramos, Dhiey Panergalin, Sarah Jane Andal, Rikki Mae Andrada, Maria Isabel Alega, at si Bernamel Banaag. Naging paborito kong guro si Sir Mission at subject niyang Math kasi ng dahil sa kanya gumaling sa Math. At dati rin ay nakaka-aaway din namin ang 1-B dahil sa klasrum gawa nung pag papraktis ng Ibong Adarna. Ako noon ay gumanap bilang albularyo. Second year naman po ako ay A parin ako, marami ding masasayang karanasan akong natamo, natuto din po ako makisama sa mga kalalakihan dahil noon po ay galit ako sa kanila. Isa sa di ko inaasahang pangyayari ay naging Top Student ako sa Math at sa buong klase. Naging bago ko namang mga kaibigan sila Carol Millar, Trixia Mae Rivera, Jerlyn Janaban at ang transferee na si Beatriz Maria Medina. Ako nga din po pala ang pinaka maagang pumasok noon at lagi nag hahawak ng attendance. At noon namang Florante at Laura, mayroon akong karanasan na hindi ko talaga malilimutan iyon ay noong na huli kami ng pagdating sa elimination nito at kami ay napagalitan noon pero pinasali pa din kami habang umiiyak, ako ay nag rerecite at kami ay nakapasok at sa bandang huli kami ay nag wagi bilang Champion. Sa 2nd year natuto ako maadik sa com at mag gala kahit saan. Para sa akin ito ang Inspiring year na taon. At noong junior naman po ako iba na naman ang mundo ko kasi bago na naman ang mga guro at kaklase ko pero A parin ako at ako ay proud sa sarili ko. Ang guro namin ng 3rd year ay si Bb. Reyes. Isa pang bagong karanasan ko ay naging subject namin sa T.L.E ay Baking, natuto kaming gumawa ng masasarap na cookies at cakes. At isa pa ay first time kong pag sali sa Sci-Camp, iyon ay sobrang masaya lalo na ang pillow fight pag gabi. At nabuo naman ang barkadang PaRTiPiPx, na pinasimulaan ni Eidrix Sumadsad, at ang mga naging miyembro nito ay sila, Zarina Joyce Mojica, Cindy Seda, Khatrina umali, Gerry Ilustre, Raniel Alidio, Marvin Binasoy, Jerson Arinque, John Lincon Delin, Jonnel Dioso, Jude Angelo Briñas, Alona Fe Maghirang, Bernamel Banaag, Beatriz Maria Medina, Sarah Jane Andal,Joffet Pandinuela, Camille Miranda at Jean Pauline Sacdalan. Isa sa mga activities ng III-A ay noong opening ng SM kami ay sumayaw. Isa pa ay noong Jazz Chant kung saan marami kaming nawalang lesson tapos dis-qualified pa kami :( .At noong December naman nag swimming ang pipx sa ilog kila Eidrix kasi para din iyon sa celebration ng kaarawan nila Zarina at Cindy. Ako nga ay handang handa noon pero yung iba ay hindi inakala na maglalangoy. Nakita ko pa nga yung crush ko na si Jomel Dangue,nakilala ko siya dahil naging player siya ng baseball ng San Bartolome kung saan ka-player siya ng dating kasintahan ni Sarah na si Lawrence Padigos nakilala din namin sila Bon Christopher Abril, Bryan Umali, Ireneo Abril at Wilson Flores. Sumunod naman ay paglahok ko sa Mardigras, si Sir Jason ang nagturo sa amin kami ay mga piling estudyante lamang at first time ko talaga maranasan ito. Pagkatapos noon ay pag tuturo naman ng Florante at Laura sa 2-B kung saan nakilala ko sila Jennylyn Varua, Michelle, Rilyn, Shiela, Margielyn at iba pa. Sumunod namang exciting na pangyayari ay noong Juniors and Seniors Prom. Kung saan naging first dance ko si Jerson, madami akong nakasayaw noon pero isa ko pa din masayang kasayawan ay si kuya Wilmart. Tapos isa pang masaya ay ang pagsayaw sa stage. Hindi ko din malilimutan ay ang pagsayaw sakin ni Raniel na ang kanta ay nirequest namin sa DJ,Di lang Ikaw. Noon namang Open Concert kami nila Khatrina at Joanna ay kumanta sa harap ng maraming tao, nakakakaba talaga iyon dahil first time namin iyon. At ngayon 4th year na ako madami ding masasayang karanasan ang nangyari, tulad ng pag sama ko sa Tropang “G” naging bago ko silang mga kaibigan dahil kay Isabel. Ngayong magtatapos na po ako marami akong hinding hindi makakalimutang mga pangyayari sa akin buhay. Plano ko po sa pagtungtong ko ng kolehiyo ay makuha ko ang nais kong kurso iyon ay Tourism. At pag ako’y nagkaroon ng marangal na trabaho ay makakatulong na ako sa aking pamilya gayon din sa iba. At balang araw ay makakatagpo din ako ng karapat dapat na lalaki para sa akin. :)
     Yun pa lamang po ang mga karanasan ko sa buhay. Subaybayan natin ang susunod pang kabanata ng buhay ko sa mga susunod pang taon. Kung saan marami pang taong dadating sa buhay ko na magiging parte nito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento