Powered By Blogger

Huwebes, Pebrero 2, 2012

Ang talambuhay ni Pauline Kaye Calderon

Ako si Pauline Kaye P. Calderon. Ako ay 16 na taong gulang na. ako ay nakatira sa Barangay
Sta. Ana San Pablo City. Ang aking karawan ay Nobyembre 24 1995. Ang aking mga magulang ay sina
Rodelo at Julianita Calderon. Ang aking mga kapatid ay sina Rechel Joyce, Charmaine at Christian Paul.
Ipinanganak ang ate Rechel ko noong Abril 2 1990. Tinatawag din namin siyang ate Che. Matalino siya
at responsableng anak at kapatid. Pero napakasungit rin niya. Minsan sobra naakong naiinis sa kanya
kaya hindi ko sinusunod ang inuutos niya. Pr\ero napakabuti niyang kapatid. Sa ngayon ay nagtatrabaho
siya para makatulong sa aming mga magulang. Si ate charmaine naman ay tinatawag din naming
ate Memen. Siya ay ipinanganak noong disyembre 19 1992. Siya ang pinakamapit sa akin. Mabait
siya, resoponsable at maasahan sa lahat ng gawaing bahay. Masunurin pero kapag nagalit ay hindi
sumusunod sa inuutos sa kanya. Pero kahit ganoon siya, mahal ko siya. Sa ngayon ay tumigil siya sa pag-
aaral ng accountancy dahil hindi na kayang tustusan n gaming mga magulang ang kanyang pag-aaral.
Ang aming bunso at kaisa-isang lalaki kong kapatid ay si Christian paul. Tinatawag namin siyang Ampol.
Siya ang pinakamatalino sa aming magkakapatid. Namana niya ang kanyang katalinuhan sa aming ama
na isang undergraduate sa kursong Electrical Engineering. Lahat ng marka ni Ampol ay napakatataas.
Mula noong siya ay nasa unang baitang sa elementary hanggang ngayong nasa ika-anim na baitang na
siya ay nangunguna siya sa kanilang klase. Siya ang palaging panlaban sa mga paligsahan sa kanilang
paaralan. Siya ang kauna-unahang nakarating sa regional contest sa kanilang paaralan. Sa kasalukuyan,
napagpasyahan niyang pumasok ng hayskul sa Philippine Science High School. Pero napakakulit niya at
hindi rin siya sumusunod sa mga inuutos ko sa kanya. Kung minsan ay mas sinusunod pa niya ang utos n
g aming pinsan kaysa sa akin. Pero kahit ganoon ay ipinagmamaliki ko siya. Lalo na noong nakapaglaro
siya sa sikat na programang Wil Time Bigtime sa TV 5. Ipinagmamalaki ko ang aking mga kapatid at aking
mga magulang.

Nag-elementarya ako sa San Pablo Central School katulad ng mga ate ko. Noong grade one
akoay Section Two ako. Marami akong nakilala doon. Noong grade two naman ako ay Section two pa
rin ako. Pero pagdating noong ng grade three ay bumaba ang aking Section. Nagging Section four na
ako. Pati na rin noong grade four ay Section four pa rin ako. LaLo na akong bumaba pagdating ng grade
five dahil nagging Section six na ako. Nagging napakatamad ko noong grade five ako. Palagi kong ayaw
pumasok. Kaya naman bumaba ang aking mga marka. Pero bumawi naman ako pagdating ng grade six
kahit na ako ay Section six pa rin. Nakasama ako sa Top 10. Noong third grading ay nagging Top 2 ako.
Nagtapos ako ng elementarya noong Marso 28 2008.

Noong unang pasukan sa high school ay kinakabahan at excited ako. Kinakabahan ako dahil
wala akong mga kakilala sa aking mga kaklase. Excited din dahil makakikilala na naman ako ng mga
bagong mga kaibigan. Panibago na naming chapter ito ng aking buhay. Lalo pang madadagdagan ang
aking kaalaman. Pero habang tumatagal ay dumarami ang aking mga kaibigan. Pinagbutihan ko na ang
aking pag-aaral para maipagmalaki naman ako ng aking mga magulang. Noong first year ako ay I-B ako.
Ang aming gurong-tagapayo ay si Ginang Baylon. Noong Second Year naman ako ay napataas ang aking
section kung kaya ang saya-saya ko. Naging II-A na ako. Marami na naman akong nakilalang mga bagong
mga kaibigan. Ang aming gurong-tagapayo ay si Ginang Liay. Noon namang third year ay Section A pa rin
ang aking section. Ang aming gurong-tagapayo ay si Binibining Reyes. May ilan na napalipat ng section sa

amin kaya marami na namang napadagdag sa aking mga kaibigan. Noon din nabuo an gaming grupo na
Super Sayang Barkada o SSB. Pito kami noon sa aming grupo. Kami ay sina Camille, Joanna, Analyn, Kim,
Cherielyn, Kevin at syempre ako. Kasa-kasama naming noon si Aiza pero nagloko siya noon sa pag-aaral
kaya napalayo siya sa amin. Marami kaming oras noon para tumambay sa oval para magkwentuhan.
Noon din, si Aiza ay nanuntok ng isa pa naming kakalse na si Lincon. Pati na si Binibining Reyes ay
kanyang minumura. Ng humingi si Binibining Reyes ng tulong kay Ginang Audije ay wala pa rin silang
magawa kung kaya dinala nila si Aiza sa Guidance Office.

Sa ngayon ay nasa huling lebel na ako sa high school. Section A pa rin ako at an gaming
gurong-tagapayo ay si Ginag Audije. Ang tawag naming sa kanya ay Inay dahil iyon ang gusto niyang
itawag namin sa kanya. Ito na ang huli kong taon sa high school. Isa ito sa mga pinakamasaya at
pinakamalungkot na taon ko sa high school. Pinakamasaya dahil may bago na kaming punong-guro
na si Ginang Uy. May dala-dala siyang bagong patakaran. Ngayon ay may sarili na kaming silid-aralan.
At an gaming paaralan ay napakalinis na rin dahil hindi na pakalat-kalat ang mga estudyante. Mas
disiplinado na rin kami ngayon. Pero ngayon kapag awas na kami ay hindi pa rin kami pinapalabas
ng paaralan. Marami pang nabago sa aming paaralan tulad ng bwal nang tumabay sa paaralan na
lalampas sa 5:30. Hindi na rin kami makatambay sa oval kasi ay wala na kaming vacant na oras. Isa pang
masayang nangyari sa aming paaralan ay noong taunan naming Intramurals. Ito na ang masasabi kong
pinakamasayang Intramurals na naranasan ko dahil nag-enjoy ako ng sobra. Nanood ako ng mga laro
tulad ng Volleyball, Basketball at Baseball. Pati mgas guro na aming paaralan ay naglaro din. Pero ang
taong ito ay isa rin sa pinakamalungkot na taon ko sa high school dahil an gaming kaklase na si Michkee
Dimayuga ay pumanaw ng dahil sa isang sunog. Siya ay isang masayahin at matalinong mag-aaral dahil
siya ang nangunguna sa aming klase. Siya ay pumanaw noong Octubre 6. Pati ang kanyang ama ay nasa
ospital dahil nasunog din siya. Labis naming ikinalungkot ang kanyang pagkamatay.

Noong pasko naman ay masaya kami dahil sama-sama kaming pamilya. Sama-sama kaming
kumain ng noche Buena. Nagpalipad din kami ng lantern. Pero bisperas ng bagong taon ay naospital ang
aking ama kaya ang inay ko at ang dalawa kong ate ay doon sa ospital nag-bagong taon. Samantala, kami
naman ay nagpaputok at nagpalipad muli ng lantern.

Sa ngayon, ay pumapasok na uli ako sa aming paaralan dahil tapos na an gaming Christmas
vacation. Mas lalo ko pang pagbubutihan ang aking pag-aaral para maipagmalaki ako ng aking mga
magulang.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento