Powered By Blogger

Huwebes, Pebrero 2, 2012

Kevin A. Guno

Ang Aking Talambuhay

Ako si Kevin A Guno. Labing anim na taong gulang. Ipinanganak ako noong ika-14 ng  Pebrero  taong 1995. Ipinanganak ako sa San Pablo City District Hospital. Nakuha ang pangalan ko na “KEVIN “ sa jeep na sinasakyan ng nanay ko papuntang hospital para kami ay ipanganak. Meron akong kakambal, pereho kaming lalaki. Nauna lang akong ipanganak sa kanya ng ilang minute , kaya mas matanda lang ako sa kanya ng kaunti. Ang aking mga magulang ay si Ricky D. Guno at Josiephine A. Guno. Ang aking ama ay isang Driver. Samantalang ang akin naming ina ay isang simpleng Maybahay. Angb ama ko ang nagtatrabaho at naghahanap ng pera para sa aming pang araw-araw na pangangailangan.Ang ina ko naman ang naglilinis at nagluluto sa aming bahay. Apat kaming magkakapatid  si Rica Joyce , Rizza Joyce, Kier at siyempre ako. Si Rica Joyce ang panganay sa aming magkakapatid. Siya ay dalawampung taong gulang. Ipinanganak siya sa aming bahay sa Calihan noong ika-23 ng Nobyembre taong 1990. Ako naman ang pangalawa sa aming magkakapatid. Dahil nga may kakambal ako siyempre siya naman ang pangatlo sa amin. Pareho kami ng kaarawan at kun saan kami ipinanganak. Ang pang-apat sa ami magkakapatid ay si Rizza Joyce A. Guno, siya ay labing apat na taong gulang. Ipinanganak siya noong ika-29 ng Setyembre taong 1997. Medyo malaki ang aming pamilya.
Kung tatanungin niyo ako kung paano ko ilalarawan ang bawat miyembro ng aming pamilya. Si Josiephine A. Guno ay isang ulirang ina . Mapagmahal din siyang ina. Hindi niya gusto na kami ay masaktan . Sa kabila ng kanyang pagiging protective na ina sobrang istrikta din niya.  Samantala ang akin naming ay isang masipag na ama. Kasi kung hindi siya magtatrabaho ay wala kaming gagamitin sa pang araw-araw  naminggb pangangailangan. Mabait at Masipag na  ate si Rica. Masunuring anak naman siya sa aming mga magulang. Mapagmahal din siya sa aming maggkakapatid. Dahil nakapagtapos na siya tumutulong siya na kumita ng pera sa aming mga magulang. Kung tatanungin naman ang aking kakambal . Kahit na kambal kami malaki talaga ang aming pagkakaiba sa ugali at paniniwala. Kaya’t hindi maiiwasan na kami minsan ay magkaroon ng konting awayan, ngunit pagkaraan naman ng ilang oras ay nagkakasundo din kami. Ang bunso ko namang kapatid ay isang mabait at may malasakit sa amin. Mapagmahal din siyang anak sa aming mga magulang na hindi ko talaga maitatanggi.  Ang pinaka ayaw ko lang sa kanya ay ang sobra niyang pag-aayos ng sarili natural man iyon sa isang babaeng katulad niya alam kong hindi ko siya masisisi.

Nagsimulang malinang ang aking kaalaman sa paaralang ‘’Placido Escudero Memorial School’’ . Dito  ko unang nalinang ang aking pagsulat at pagbasa. Nagsimula akong mag-grade one dahil hindi ako nakapagkinder. Sa PEMS  ako nag grade one hanggang sa grade three. Dahil nga sa sobrang layo ng paaralang pinapasukan ko sa bahay naming . Napilitan  akong lumipat sa ibang paaralan na medyo malapit sa aming bahay. Nakatra kami sa calihan meron dun malapit na paaralan. Ayon ay ang Don Enrique Bautista Elementary School . Doon ko naman ipinagpatuloy ang aking ang aking pag-aaral ng elementarya. Doon naman ako nag grade 4 hanggang grade 5. Dahil sa nasa abroad ang aking tiya. , pinatira muna niya kami sa kaniyang bahay sa Sta Elena na malapit naman sa paaralan ng PEMS kung saan akon pumasok ng Grade 1 hanggang 3. Doon ipinasiya ng mga magulang ko na papasukin ako ng Grade 6. Dahil na nga sa malapit ito sa aming bahay. Doon sa paaralan kung saan ako nagsimulang mag-aral doon  din ako nakatapos ng elementarya. Wala man akong nakuhang parangal kahit isa. Ang mahalaga sa akin ay nakapagtapos ako ng walang problema sa tulong narin ng aking mga magulang.
Dahil nga nakatapos na ako ng Elementarya siyempre kasunod na noon ang High School. Pumasok ako ng High School sa COL. LAURO D. DIZON MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL. Pumasok ako doon kasi doon din nakapagtapos ng high school ang aking ate. At nakakasigurado akong maganda naman ang turo sa paaralang iyon. Seksyon B ako noong 1st year student ako. Bago pa man ako pumasok nadarama ko na ang kaba at takot dahil nga bago ko palang nakikilala ang aking mga kakalase . Pero habang tumatagal ay nakilala ko na ang aking mga kaklase meron akong nagig kaibigan at siyempre kaaway. Mahirap talagang maging isang high school student. Maraming project at Assignment na talaga naman hindi natin maiiwasan. Pero kahit ganun nakakaraos naman. Marami din namang activity na nag papasaya sa amin bilang estudyante.  Pagkatapos ko naman sa 1st year isa na akong ganap na sophomores student gaya ng dati B parin ang aking section . Medyo hindi na ako nahirapang mag adjust kasi naman ganun parin ang section ko at medyo kilala  ko ang aking mga kaklase. Habang tumatagal ang aming  pagsasama mas nakikilala ko naman ang bawat isa sa kanila at tumatatag ang aming samahan bilang magkakaklase. Katulad ng aking inaasahan nagging marami na namang assignment at mga test. Nadagdagan din ang aking mga kaibigan na tumutulong sa akin at nagpapasaya sa akin kapag ako ay nalulungkot at nalulumbay. Pagkatapos naman ng pagigang sophomore ngayon Freshmen Student ba ako. Dahil na rin sa pagtitiyaga ko at pagsusunog ng kilay ay naging section A ako . kayat ng panahong iyon proud na proud ako sa sarili ko sa achievement na naggawa ko. Dun ko rin nakilala ang aking mga tunay na kaibigan kong maituturing. Nabuo an gaming barkadahan na Super Sayang Barkada. Pito kami sa aming grupo. Kami ay sina Pauline, Camille, Joanna, Kim, Cherielyn, Analyn at ako. Sama-sama kaming kumakain palagi. Palagi rin kaming tumatambay sa oval. Mayroon pa sana kaming isa pang kasama na si Aiza pero nagloko siya sa kanyng pag-aaral kaya naman napahiwalay na siya sa amin. Nagkakaroon din kami ng kaunting di pagkakaunawaan sa aming barkada ngunit hindi naman ito nagtatagal dahil hindi namin matiis ang isat-isa. Ipinagpatuloy namin ang aming samahan bilang tunay na magkakaibigan.
Ngayon ay Fourth Year na ako. Umaasa ako na lalo pang tumaas ang aking marka para maipagmalaki ako ng aking mga magulang. At umaasa rin ako na lalo pang tumatag ang aming pagsasamahan. Ngayon ay may bago na kaming punong-guro na si Ginang Uy. Marami siyang binago sa aming paaralan kung kaya maayos at maganda ang aming paaralan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento