Ako si Katleya Balaaldia Uri na tinatawag ding Eya na ipinanganak noong
Hunyo 9, 1996 sa Lungsod ng San Pablo. Anak ako ng isang magaling na
guro na si Ascela Balaaldia Uri at ni Nolito Perez Uri na isang tubero.
Apat kaming magkakapatid pangana’y si Jed na sa kasalukuyang ay nasa
unang antas na ng kolehiyo,ako ang sumunod at pumapangatlo naman si
Kasmera na dito din sa Dizon High nag-aaral. Magaling siya sa lahat
ng aspeto kaya di ako magtataka na maging II-Science ang seksyon
nya.Ang bunso sy si Azalea nag-aaral sa Children’s Nook. Makulet ang
batabg ito at sobra kong kinaasaran dahil napaka selosang bata, pero
kahit ganoon ay mahal na mahal ko yon.
Nag-aral ako ng elementarya sa San Pedro Elementary School dito
ako nagsimulang maging aktibo sa lahat ng mga kompitisyon. `Magaleng
daw ako at may talento’, at dahil dito lumakas ang loob ko na
makipagsabayan din sa iba. Sa pagpasok ko sa San Pedro may
masasayang pangyayayari na hinding –hindi ko malilimutan na hanggang
ngayon ay nananatili parin sa akin, ito ay ang pagiging masayahin sa lahat
ng pagkakataon ( ano mang unos ang dumating sayo isipin mo lang na
kayang-kaya mo ito ). Sa buhay maraming mga pag-subok pero wag mong
damdamin ang lahat ng ito, maikli anag buhay at di sasakto ang oras
para isipin mo ang mga problemang ito. `Magsaya ka lang’, yan ang hindi
ko malalamutang salita na binitiwan saken ng kaibigan ko.
Tumuntong na ko ng pangalawang hakbang ng aking buhay, ito ay
(highschool life) buhay hayskul mung tawagin ng iba. May kaba dahil di
ko alam ang mangyayari, para bang tatalon sa isang mataas na lugar
tapos hindi mo alam kung anong mangyayai sa pagbagsak mo. Ngayon
nararamdaman ko na nakatayo na ko (sa paglaglag ko) base sa nakikita
kong nangyayari sa akin. Masasabi ko na napagtagumpayan ko
dahil
kitang-kita ko na nagbububnga ang mga pinaghihirapan ko.
Masaya ang highschool life dahil ditto ang pagkakataon na
magiging bata ka o magiging matanda ka sa pag-iisip sa maga
nangyayare. May pagkakaisa sa lahat ng gawain at palagi kang may
karamay sa bawat sandali.
Noong nasa unang antas ako tunay na nahihirapan ako. Hindi lang
sa paghahanap ng kaibigan kundi kung papaano ko gagawin ang lahat para
mapataas ko ang
sekondarya di ko malilimutan ang sandal na humanga ako sa isang di
pangkaraniwang estudyante Masaya nga pala pero itinigil ko rin ang
lahat
masubok ang aking kakayahan bilang volunteering CAT. Hindi basta-
basta ang gawain mo ditto lahat talagang tututukan mo. Ginagabi ng uwi
kaya madalas ding napapansin ng aking mga magulang na napapabayaan
ko ang aking pag-aaral. Dahil sa mga pangyayaring ito napilitan ako na
mag-quit kahit na labag sa aking kalooban. Pero hanggang ngayon ay
bitbit ko parin ang mga masasayang sandali at di makakalimutang
bahaging ito ng aking buhay. Ngayon ay nasa ika apat na antas na ako
mahaba-haba narin ang naigugugol kong panahon at oras sa pag-aaral sa
Dizon High. Nakakalungkot
Michkee. Masayahin syang bata, maasahan, nangunguna sa klase, isang
kaibigan na nandyan kung nalulungkot ka, nandyan din kasakasama mo sa
tawanan at iyakan. Kakaiba itong batang ito kaya hanggang ngayon bakas
parin sa aking alaala ang kalungkutan ng pumanaw sya. Ang pangyayaring
ito rin ang naging dahilan ng pagluha ng aming ilang kaklase na talaga din
naming matatapang. Bawat isang Archimedes ay nananatiling buhay sa
puso. Si Michkee ang magigign dahilan ng pag-asa upang makita ang
aking marka. Noong nasa ikalawang antas na ko ng
ng ito wala nang magagandang nangyayari. Ikatlong antas ng
dahil pumanaw ang kaklase naming si
pagkakaisa ng aming seksyon. Di namin sya malilimutan.
Naging kilala din ako dahil sa pagiging officer ko ng ibat-ibang club.
YECS ang una, mahirap palang maging officer na ganitong organisasyon
dahil ito ay nauukol sa pagkakaroon ng malaking kita. Mas malaking kita
mas uunlad ang aming organisasyon. Sulit din naman dahil mayroon din
naman kaming natatangaap. At ang gusto ko dito ay ang pagkakaroon
ko ng maraming kakilala at kaibigan. Naging officer din ako ng MAPEH
club marami din akong nakilala dito na nagpadagdag din sa masayang
nangyari sa akin. Ang pagiging officer ko naman dito ay hindi lubos ka
trabaho ko ay ang paggawa ng report. Ako lagi ang inaasahan n gaming
organisasyon pero nagawa ko naman ang lahat ng ito. Talagang lubos
ang aking pasasalamat at kasiyahan dahil naranasan ko ang lahat ng ito.
Marami pa ang mangyayari sa ilan pang buwan pagiging estudyanten na
patuloy sa pagkakaroon ng pangarap.
Gusto kong magkolehiyo sa ibang bansa dahil sa tingin ko mas maganda
ang aral don. Gusto kong makipagsabayan sa iba’t ibang lahi dahil
kayang-kaya ko ang lahat ng ito para sa isang pangarappero napag-
isip-isip ko din na di ko maaabot ang tugatog ng tagumpay kung di ako
magsisismula sa simpleng paraan. Napilitan na rin ako na sa Laguna
State Polytechnic University na lang ako mag-aral. Simple man pero
gagawin ko ang lahat para mapamahal din ako sa paaralang ito.
Kukunin ko ang kursong eduk.. Dahil gusto ko magbunga na agad
ang lahat ng aking pagsisiskap at pagtitityaga. Ayoko ng kursong
hahanap pa ako ng trabahong kay tagal taagal naman bago ka magkaroon
ng limpak-limpak na pera. Alam ko na mahirap ang ganitong trabaho lalo
nat marami ang humahadlang at nagsasabing katatapos mo lang mag-aral
aaral ka na naman. Pero alam ko sa sarili ko na kakayanin ko ang lahat ng
ito. May awa ang Panginoon! At kakayanin ko ana lahat ng bagay na ito.
Marami pa akong pangarap sa buhay, maraming gustong marating,
mga bagay na mabili mo sa sarili mong sikap, yung mga hihilingin mo
tapos matutupad na agad. Gusto ko ng masaganang buhay ayoko ng
danasin pa ng mga anak ko ang kahirapang nararanasan ng pamilya
naming ngayon.
Gagawin ko ang lahat para magtagumpay ako. Gagawin kong
inspirasyon ang lahat ng taong nagmamahal sa akin at umaasa na
magagawa ko ang lahat ng ito( pamilya, kaibigan , kabarkada, para sa
pangarap ng mga magulang ko para sa akin). At alam ko rin na sa tulong
ng Panginoon ang lahat ng mga kahilingan kong ito ay matutupad.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento