Powered By Blogger

Huwebes, Pebrero 2, 2012

Ang Aking Talambuhay

Ako si Katrina Mae Deveza Umali, labing anim na taong at ipinanganak noong ika-
anim ng nobyembre sa taong isang libo’t siyam daan siyamnapu’t lima. Si Alenie Umali ang
aking butihing ina na siyang nagaalaga at nagpapangaral sa amin at angaking tatay naman
na si Domingo Umal ang siyang nagtataguyod sa aming pamilya at siya din ang nagdidisiplina
sa amin ng aking kapatid na si Mary Grace Umali na dalawampung taong gulangna at
kasalukuyang nagtatrabaho sa Shakey’s San Pablo, nagtapos siya sa kursong Hotel and
Restaurant Management sa Laguna State Polytechnic Uneversity.

Ako ay nag-aral ng elementary sa San Pablo Central School. Marami akong
naging karanasan noong ako ay nasa elementary pa lamang. Naranasan ko ang pagiging bata
at naenjoy ko ito ng sobra. Naalala ko pa na lagi akong madumi dahil sa paglalaro ng Chinese
garter at jackstone, lagi din akong nauwi ng puro sulat ng lapis ang aking damit dahil sa
palaaway ako at magaling mang asar noong bata pa ako kaya ang mga kaklase ko ay nabawi
na lang sa pagsulat ng lapis sa damit ko. Isa din sa natatandaan kong karanasan noong ako ay
nasa elementary at naa ika-anim na baitang na ay pagkaroon ng napakaraming kaaway dahil
sa masama akong maningin at sa mataray ko daw na mukha at dahil na din siguro sa likas
akong palaaway. Pero syempre may mga kakakilig din naman akong karanasan, di naman lang
iyon. Nasa ika-anim na baiting ako noong nakilala ko yung lalaking saksakan ng yabang pero
ang ganda ng sapatos, Grade Six din siya noon at dahil sa aking best friend na si Westly
Azucena ay nalaman ko na may paghang din pala siya sa akin. Pero hindi na umabot kung
saan pa man ang aming relasyon hanggang inspiration na lang. Sa wakas graduation na
naming, tapos na ang kulitan, habulan, kwentuhan at anim na taong pagtutok sa libro, pero
syempre mamimiss ko din lahay yun, lalo na lahat ng kasama kong gumawa noon, mga
kaibigan, kaklase, guro at mga anak ko (Nanay kasi ang tawag nila sa akin dahil na ri sa
tangkad ko.) Ito na ang pinakahihintay ko ang “Highschool Life” kung tawagin. Medyo kabado
ako noon at excited na din. Bagong adjustment na naman.

Ang rami kong kinuhanan ng entrance exam, sa Liceo, San Pablo Colleges, MSC
at .science section sa Dizon High. Akala ko talaga sa San Pablo Colleges ako papasok dahil
nakapasa ako sa entrance exam at nandun ang aking pinsan ngunit dahil na rin sa kawalan ng
pera at dahil di naman kayamanan, ayun sa Dizon High na lamang ako pinapasok kahit hindi
ako science section. Noong nalaman ko iyon, medyo sumama ang aking loob dahil na rin siguro
sa pagkainggit sa aking mga pinsan na sa pribadong paaralan napasok. Akala ko ay boring,
walang matututunan at hindi ako mageenjoy pag sa Dizon High ako pumasok pero nagkamali
ako!

First day of school. Magkahalong mga emosyon ang aking naramadaman, nanadito ang
takot, kaba, excitement, at pagkatuwa. Enrollment noon at dapat ako ay nasa section A ng
Dizon High ito ang sunod sa science curriculum, dahil mataas ang average ko pero ako ay
napapunta sa section B dahil puno na at marami na ang nasa A. Sumama man ang aking loob
sa nalaman ko nagging thankful na rin ako dahil mabait ang nagging adviser naming at marami
akong dating mga kaklase na nandun sa section na iyon kaya masaya na rin ako kahit papano.
Ang hirap pa lang magadjust lalo na sa Highschool. First year pa lang pero parang ayaw ko na
kaagad dahil na rin siguro naninibago pa ako. Marami na kaagad akong naging mga kasama sa
pagkain sa tanghalian at kaibigan kumbaga. Friendly naman kasi ako kaya ayun, first year pa

lang ay marami na kaagad kabarkada. Nakakatuwa nga at ang first impression nila sa akin ay
mataray at maarte daw, kung hindi ko pa daw sila nginitian ay hindi nila ako kakausapin. Hindi
rin naman maiiwasan na magkaroon ng iringan sa pagitan ng dalawang section doon lalo na
ang magkahati sa silid-aralan. Ito nga ang section A at B, nagsiula ito noong practice ng Ibong
Adarna pero naayos naman kaagad at mabuti’t hindi na lumalala pa. Naaalala ko din noong first
year highschool ako ay nakasali ako sa grupo ng mga mananayaw ng Dizon High na tinatawag
na TIKLAD ngunit hindi nagtagal ay nagquit na din ako sa kadahilanang pinapili ako ng aking
guro kung pagsasayaw o ang subject niya, mas pinili ko ang subject niya kaya kahit pangarap
ko ang maging miyembrong TIKLAD mas gusto ko pa rin naming may matutunan. Atleast
naranasan kong sumayaw sa entablado at nagkaroon na ako ng masayang experience sa
TIKLAD family.

Noong second year naman section B pa rin ako kaya halos lahat ng nandoon ay kaclose
ko na, kaya nga nagkaroon na din ako ng mag kabarkada tinatawag ito
na “PAICHALEYCLAMEIA featuring JEHABIE”. Kakaiba an gaming panagalan dahil kinuha ito
sa pangalang ng isat-isa. Lahat ng saya ay may kalungkutan dahil parang naputol na ang
aming samahan dahil noong nagthird year na kami ay naging section A na ako. Para akong
bumalik sa pagiging first year dahil bagong pakikisama naman at bago na naming adjustment.
Hindi na naman ako nahirapan dahil approachable naman ang mga section A pero syempre
namimiss ko din ang aking mga kaibigan sa B. Minsan nga dahil sa iisang room lang ang
ginagamit ng A at B nagiiwan ako ng sulat sa mga upuan para mabasa ng mga kabarkada ko
sa B. Ayun sulatan lagi kami kaya ayos na din. Ang rami palang pressure pag second to the
highest ang section mo. Kung samahan ang paguusapan, Masaya at laging party party ang
section A. Dito ko natutunan na ipakita ang talent ko sa pagkanta at pagsulat ng kanta pati na
rin ang pagsulat ng tula. Dito ko din nakilala ang aking Best friend na si Eidrix Sumadsad,
nagkakasundo kasi kami lalo na pagdating sa kalokohan. Ang aking Best friend din ang naging
founder ng samanahan ng section A na kung tawagin ay ‘party pipz! Dahil na din sa samahang
iyon lalo pang umingay ang aming section. Masasabi ko din na parang nasa B lamang din ako
at parang matagal na din akong kaklase nila.

Hanggang ngayon iniiisp ko pa din kung bakit ako naging A noon dahil hindi
naman ako katalinuhan. Biruin mo hanggang ngayon na fourth year student ako ay nanatili pa
rin akong nasa secton A. Ngayon fourth year na kami marami-rami din ang nawala sa ‘pary
pipz’ pero nagsasama sama pa rin kami. Puro masasayang experience lng ang nararanasan ko
pa ang kasama ko ay ang 4-A. Marami ding napalipat ng ibang section sa A kasama na ang isa
ko pang best friend na si Jexanne, kaya nakasali na din siya sa barkada naming. Halos lahat ng
pangarap ko ay natupad na ditto sa fourth year tulad na lamang ng magkaroon ng banda,
makakanta sa entablado at maging muse, kahit parang lokohan lng ang pagkaboto sa akin
bilang muse. Ayos na din. Ang rami naming enjoyable moments tulad ng kwentuhan, tawanan,
kantahan, galaan, at ang hindi matapos tapos na barahan, pero hindi mawawala sa samahan
ang mga kalungkutan lalo na ng mabawasan ng isa ang aming section. Ito ay si Michkee
Dimayuga dahil sa isang insidente nawalan kmi ng kamagaral na sadyang masayahin.
Bumuhos ang dalamhati sa aming silid aralan pero naisip na din kami para sakanya. Kaya pag
may kasiyahan iniisip na lamang naming na kasama siya at nakikisaya.

Marami akong natutunan na mga leksyon ngayon sa pagiging high school student ko at
napakarami ko ding babaunin na masasayang alaala. Malapit na kaming magtapos at lulubusin
ko na ang lahat ng pagkakataon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento