Powered By Blogger

Huwebes, Pebrero 2, 2012

Ang Aking Talambuhay

Dioso. Ang aking pamilya ay namumuhay sa simpleng paraan, nakakain ng tatlong beses sa isang
araw,naidadaos ang isang araw na may kasiyahan at problema gaya ng isang normal na tao.Ang aking
nanay o ina ay si Leni Putungan Dioso na anak ng aking lola na si Amor Putungan at ng aking lolo na si
Gaudencio Putungan, kapatid nina Alma Aglag, Gaudencio Putungan, Aldin Putungan, Jeanajie Belen at
Annielyn Godoy,samantalang aking ama na si Adelardo Dioso Jr. ay galing sa dugo ng aking lolo’t lola rin
sila ay sina Asuncion Aductante Dioso at Adelardo Dioso, kapatid ng aking aama sina Melody Putungan,
Jovita Defeo, Felipe Dioso , Librado Dioso, Mario Dioso, at Hilacia Aglag. Sila ay galling sa hirap ngunit
dahil sa pagsisikap ay naiahon nila ang kanilang pamumuhay,pagkat nagtagumpay namumuhay pa rin
sila ng simple. Mula sa pagmamahalan ng aking ama’t ina nagmula kaming apat na makakapatid. Ang
aming panganay ay c Jundelson Dioso na ngayo’y nasa ika-apat na taon kasabay ko dahil sa
pagbubulakbol at pag tigil asa kanyang pag-aaral noong nakaraang mga taon. Ako naman ang sumunod
sa kanya. Ang pangatlo naman ay ang unica ija ng pamilya si Jeya Lanella Dioso, siya ay nasa unang taon
ng sekundarya sa parehong eskwelahan naming ni kuya. Lumaki siya sa pangangalaga ng aming lola at
tita, kaya namab hindi siya malapit sa amin. Ang bunso naman ay si Jasper, katulad ng ibang pamilya ang
bunso ang paborito ng ama’t ina.

Ako ay nag aral ng elementarya sa mababang paaralan ng San Crispin o San Crispin Elementary
School. Mura pa ang isi ko noong mga panahong iyon,kaya naman wala akong masyadong naaalala sa
mga pangyayari noon. Ang akin lamang natatandaan noon ay ang aking nga kaklase simula grade 1
hanggang grade 6, ngunit ang iba ay di ko na tanda. Naaalala ko rin na noon ako ay kilala bilang isang
dancer. Bawat program ay hinihingan kami ng intermission number , kami ang unang batch ng SCES
dancers. Ay!! Oo nga pala nalimutan kong banggitin ang aking mga guro o titser o maestra—grade 1; si
Ma’am Rose, grade 2 si Ma’am putungan , nung grade 3 si Ma’am Helen,grade 4 si ma’am lenly bondad,
noong grade 5 ako si ma’am daquil ang adviser ko,at noong grade six na ako si ma’am mylene pontanoza
na ngayon ay isa ng principal sa isang paaralan. Masaya ang elementary years ko,dahil puro laro pa ang
nasa isip ko noon. Di ko na natatandaan kung kelan ako nakapag tapos sa paaralang iyon basta ang alam
ko Masaya kami ng aking mga kaklase noon.

Dumako naman tayo sa aking buhay high school. Noong first year ako, nasa ikatlong seksyon
ako,sciece, a, at saka pa ang aking seksyon. Sa section 1-B,una akong nakaranas ng hindi
pagkakomportable dahil syempre unang taon ko,di ko pakilala ang mga kaklase ko, at syempre mahirap
amkaadapt sa ganitong sitwasyon. Ang adviser ko nga pla si Ma’am Reynilda baylon, maganda at
napakasupportive niyang adviser.Bago matapos ang taung iyon nakilala ko na sila at nakipagclose kung
baga sa aking mga kaklase. At ng matapos na nga,wow top 2 ako kaya ayun napalipat sa mas mataas na
seksyon. Sa second year ko naman,panibagong mga kaklase,panibagong pakikihalubilo sa mga ito. Akala
ko noon mahirap pero hindi naman pala. Nahirapan lang ako makiadapt sa kanilang katalinuhan. Lalo na
sa subject na math, ang hirap talaga ng algebra sa lahat ng components ng math diyan ako nahihirapan.
Mahirap din makiadapt sa paraan ng pagtuturo ni sir mission dahil estudyante niya ang mga kaklase ko
noong nakaraang taon. Sa pamatnubay nina Mrs. Liay at Gng. hitosis ang aming taung ito ay nagging
makahulugan lalo na noong nanalo kami sa kompetisyon sa Filipino ang Florante at Laura. Akalain mo sa
kabila n gaming kaguluhan nagawa pa naming manalo sa patimpalak na ito siguro dahil din ito sa tulong

n gaming guro sa Filipino si maam lingad. Sa pagtatapos ng taon ng aking ikalawang taon masasabi kong
ako ay naging Masaya sa kabila ng pagiging magulo ng aming klase. Sa panahong ito maraming
magagandang pangyayari ang aking naranasan... sa panahon naman ng aking ikatalong taon sa
paaralang CLDDMNHS,mas nagging Masaya naman ang aking pag-aaaral,nagkaroon ako ng masayang
barkada ang PARTI PIPz. Sa barkadang ito masasabi mo talagang Masaya ka kapag kasama sila, puro
halak hakan, tawanan ,barahan at kung minsan pa nga/y pikunan. Magulo ang klase ng 3-a,lagging
napapagalitan ng teacher at di pa rin nawawala an gaming tatak na lagging headline sa faculty room
dahil sa aming kaingayan pero kung minsanb sadyang mainit lang ang ulo sa amin ng ibang teacher yung
tipong hindi naman kayo maingay ay bigla na lamang kayong sasabihan ng tumahimik, isa na rin ito
siguro sa mga dahilan kaya kami pinag-uusapan ng mga teachers. Ang aming adviser noon ay si Ma’am
Reyes,ewan ko baga hindi ko kasi ramdam na siya ang adviser naming,siya na siguro ang di ko gusto na
maging adviser . maraming sinalihang patimpalak noong taong iyon isa na ditto ang pagsali naming sa
MARDIGRAS ,isa to sa masasayang alaala ng aking 3rd year life. Ngayong forth year naman,kailangan
kong magsikapm upang makapagtapos. Ang aming section ay nangangailangan ng pagkakaisa,dahil
marami pa kaming gagawin bilang isang grupo. Magulo man at maingay,nagtutulungan kami pagdating
sa ibang bagay. Kami ang pangkat ng ARCHIMEDES sa panganga lagan g aming GINANG INAY . sa ngayon
Masaya ang aking buhay bilang isang 4th year student, sa kabila ng aking mga problema ay nagagawa
kong magsaya,nais ko sanang maging mas Masaya pa ang aking natitirang panahon sa aking paarala.
Nakakalungkot mang isipin na sa darating na mga buwan unti-unti na naming iiwan ang isa’t-isa at ang
ami ng paaralan. Sana ay maging matagumpay ang taung ito para sa akin at sa aming lahat. Sa aking mga
panaginip nakikita ko ang aking sarili sa harap ng salamin bilang isang matagumpay at successful na
propesyonal. Sa ngayon ineenjoy ko pa ang bawat saglit naa puro kasiyahan .

Ako nga pala si JONNEL PUTUNGAN DIOSO mula sa aking simpleng pamilya ay magsisikap upang
tuparin ang aking mga pangarap at makatulong sa aking pamilya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento